"gurl , tingnan mo nga kung maganda."
Habang winawasiway ang baby blue dress." Maganda gurl, bagay sayo" Masayang sabi ko. Maganda talaga dahil wala namang pangit na damit kapag sa kanya isinuot. Masasabi kong maganda talaga si Rish, babaeng pitit kasi siya at maputi pa. Hanggang balikat ang buhok na straight at itim na itim ang kulay.
" O sige kukunin ko na 'to, e ikaw gurl, di ka ba bibili ng damit para sa party?"
" Hindi na, marami akong bagong damit sa bahay na 'di ko pa nasusuot, sapatos nalang ang kailangan ko." Sabi ko.
Namili pa kami ng iba't ibang gamit kagaya ng Crop top, jeans, bull cap... Mahilig kasi kaming pumorma e at laging nakacap.
Pagtapos naming mamili ay dumiretso kami sa isang fastfood sa mall.
" Anong balak mo sa friday? Didiretso ka ba sa bahay?" Tanong ni Rish.
Oo nga pala. Tatakas pa ako sa mga body guard kong kuya. Ano kayang magandang dahilan? Masyado ng gasgas ang overnight, pero ayus lang naman iyon kila kuya kaya palag palag na.
" Oo , haha as usual laging alibi ko ay mag-oovernight sa inyo."
" Oy gurl pag nahuli ka ng mga kuya mo yari ako. Jusko ."
" Hindi yan, ako bahala sayo."
" Nako, pag talaga tayo ... Siguradong maghihiwalay ang mga landas natin."
" Hindi yan gurl... Tiwala lang."
Natatawang sabi ko.Pagtapos naming kumain ay umuwi na agad kami.
----
Siguradong wala na naman sila mom and dad. As usual, BUSY.
Nagulat ako ng biglang may nagsalita sa likod ko habang nagtatanggal ako ng sapatos. " Oh bakit ngayon ka lang?"
Paglingon ko ay si kuya YVAN?
Nahigit ang hininga ko do'n.
Nako ang kuya kong abogado... Malalaman nito ang mga galaw ko at kung nagsisinungaling ako.
Tahimik lang 'to pero alam ang nangyayari sa paligid." Papatayin mo ako sa gulat kuya e." Pagsasabi ko ng totoo.
" Nag-abogado ako hindi para maging mamamatay tao 'no." Pagbibiro ni kuya at natawa naman ako.
" Oo na, ikaw na abogado."
" O e iniiba mo ang usapan. San ka galing, bakit ngayon ka lang?"
Napatingin ako sa relo.
(O.O) e 6:00 pm pa lang naman.
" Anong oras pa lang naman kuya..."
" Nakita kitang lumabas ng school nyo ng alas tres..."
Patay na talaga ako nito, bantay sarado ako sa kuya kong abugado.
" Oo nga, dumiretso kasi ako sa mall... Kasama ko si Rish."
" Ahh." Simpleng sagot niya.
" E ikaw kuya, san ka galing at napadpad ka sa school namin? Huwag mong sabihin na binabantayan mo ako?" Seryosong sabi ko.
Alam naman nila na kung gaano ko kaayaw ang binabantayan ako. Hindi na ako bata.
" May inasikaso kasi ako malapit do'n"
" Ah okay." Pagtatapos ko ng usapan.
Umakyat na ako sa kwarto ko. Hindi na ako kumain dahil busog pa naman ako dahil kumain na kami ni Rish sa mall.
BINABASA MO ANG
FALL IN LOVE WITH THE GEEK
Novela JuvenilIsang babaeng ang alam lang ay ang gulo o kaya'y gimik at bisyo papaano nalang kung may isang lalaking manghimasok sa buhay niya at pilit siyang ituwid. Hahayaan ba niya o ipagpapatuloy ang pinaninindigan sa sarili na walang makakapigil at mangingie...