Hindi naihatid ni Rish ang mga spray paint ko dahil hindi daw siya pumasok kaya pumunta nalang ako sa bahay nila para kunin.
" hoy gurl, hindi na muna kita masasamahan ah. Masama kasi pakiramdam ko ngayon e."
Sabi sa akin ni Rish sabay yakap sa akin." Ayus lang gurl, basta magpagaling ka agad."
" Oo naman, namiss ko na si Crib e." Kinikilig niyang sabi.
" Pero ako hindi ? Ganon?" Kunwaring nagtatampo ako.
" Ikaw pa ba ? Nako ... Never! Btw, mag-ingat ka gurl ah... Baka mapahamak ka sa ginagawa mong iyan."
" Akong bahala gurl, kaya ko 'toh"
Pagtapos ay nagpaalam na ako kay Rish at para makapagpahinga na rin siya at dumiretso na ako kung saan laging tumatambay si Mark at ang mga kaibigan niya.
Pinark ko ang motor ko sa tagong lugar.Inilabas ko na ang mga spray paint ko at dahan dahang pumunta sa kotse niya. Well, alam ko kung anong kotse niya dahil masyado niyang pinagmamalaki e.
Kulay itim yon at masasabi kong maganda.
IM A FUCKER
Inisray ko sa harap ng sasakyan niya at may nakadrawing pa na middle finger.
I'm so sorry pero hindi maganda ang drawing ko e, hindi kasi ako nag eefort sa pagdrawing.
Hahaha!Good luck baby!
Pagtapos kong babuyin ang likurang bahagi ng sasakyan ay dali dali akong umalis.
Habang pauwi ay naisip ko na namn kung anong dadatnan ko sa bahay kaya tumigil muna ako sa isang tabi bago pumasok ng subdivision. Naglabas ako ng yosi para manigarilyo.
Naistress ako sa mga kagagawan ko. Ngayon lang ito nangyari.
" Ilang beses ko bang sasabihin sayo na masama sa baga at atay iyang paninigarilyo."
Shit! Siya ba iyong nasa bar?
" Sino ka ba?" Mahinahong tanong ko.
Pero hindi siya sumagot.
Nasa gilid ko siya pero sapat na ang layo para magkarinigan kami.
Medyo madilim na rin kaya hindi niya nakikita ang kabuuan ng mukha nito.
Iisa lang ba sila nung nasa party? Si Hoodie boy?" Ikaw ba yung nasa party ni Crib? Hoodie boy." Tanong ko.
Bigla naman siyang natawa. Dahil ba iyon sa endearment ko sa kanya? Bakit ba? E lagi siyang nakahood e.
Tumango naman siya. Grabe magsasalita lang kapag sisitahin ako.
Binitawan ko na ang yosi ko at saka inapakan ang baga no'n.
Shit!? What am I doing?! Is it really me? Hayaan mo na nga.
Sumakay na ako sa motor ko at hindi ko na siya pinansin pa.
Marami pa akong dapat isipin. Sa susunod ka nalang hoodie boy. Isa kang misteryoso para sa akin.
Pag uwi ko sa bahay ay dahan dahan akong naglakad papasok sa pinto. Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko.
" Oh, Yve? Anong ginagawa mo riyan."
Shit. Mamamatay ako sa gulat dahil dito kay kuya Yttan e! Magsalita ba naman sa likod ko.
" Bwiset ka e noh! Papatayin mo talaga ako e."
Sigaw ko." Bakit ano bang ginagawa ko sayo? OA mo ah!"
BINABASA MO ANG
FALL IN LOVE WITH THE GEEK
JugendliteraturIsang babaeng ang alam lang ay ang gulo o kaya'y gimik at bisyo papaano nalang kung may isang lalaking manghimasok sa buhay niya at pilit siyang ituwid. Hahayaan ba niya o ipagpapatuloy ang pinaninindigan sa sarili na walang makakapigil at mangingie...