CHAPTER 5:

3 1 0
                                    

Kinabukasan ay agad akong pumasok sa eskwelahan. Ngayon ay kaklase ko si Rish.

" Ang aga mo naman gurl?" Kunot noong tanong ni rish.

" Bakit ? Ipinagbabawal na ba ang pagpasok ng maaga?" Balik na tanong ko.

"Hindi... Pero kung sayo? Siguro ipinagbabawal... Kasi ngayon ka lang pumasok ng maaga te! Ano? Siguro may inspirasyon ka na noh? ayieee ... Good!"

" Anong inspirasyon?! Wala no! " Mabilis na sagot ko.
Meron nga ba? At bakit naman ako magkakaroon non?!

" Ayieee!!! Meron na e!" Panggigiit niya.

" Wala nga... Sige bukas hindi ako papasok!" Seryosong sabi ko.

" Hala grabe ka Eve... Niloloko ka lang naman e. Sige na .. wala na!"
Hindi na ako sumagot pa.

" Arte... Halatang meron e"
Mahinang aniya.

Hayst! Ayokong mabadtrip ... Hindi ko rin alam kung bakit maganda ang gising ko ngayon kaya sana hanggang matapos ang araw ay ganto lang.

Mamaya maya pa ay dumating na ang guro namin sa unang subject.
Halata sa itsura niya ang masamang awra at agad naman akong kinabahan ng hindi ko malaman kung anong dahilan.

" Goodmorning Sir Delisario" bati naming lahat.

" Take your sit."

Agad naman kaming naupo.

Maya maya pa ay natapos na ang discussion ni sir Delisario.

" Okay .. may I call Ms. Carter ... Come here ... I have something to tell you..." Biglang tawag sa akin ni sir.

I give him a questioning look before stand up and go to him.

" What's up sir?" Nakangiting bati ko.

" Ahm.. well, i just want to say to you that you Failed in my subject."

you Failed in my subject

you Failed in my subject

you Failed in my subject

you Failed in my subject

"What?!" Napahiyaw kong sabi. Ramdam kong nakatingin ang mga classmates ko sa akin kaya tumikhim ako sabay ngiti.

" What? Sir bakit namn po? Nag a- ahm .. aral naman po ako"

Mahinang sabi ko. Hindi ko madiretso ang salitang nag aaral ako. Shit! Nag aaral nga ba ako?

" You failed in my exam..." Naghihinayang na sabi ni sir.

Bumagsak ang balikat ko at pakiramdam ko ay babagsak na talaga ako at hindi ako makakapasa then uulit ako sa 2nd year. Jusko! Ayoko!

" Sir, wala na po ba akong pwedeng ipasa? Gawin? Special project?"
Para akong nagmamakaawa sa teacher na ito! Nakakainis.

Napaisip namn si sir sa tinanung ko.

" Well, ang gagawin mo lang naman para pumasa ka ay iretake mo ang exam at kailangan ay Perfect." Seryosong aniya.

Perfect

Perfect

Perfect

Perfect

WHAT?! Hindi naman ako matalino para iperfect ang exam. Bumagsak nga ako e tapos ipe-perfect?! Wtf

" Sir, wala na bang ibang way?" Nakangiwing sabi ko.

FALL IN LOVE WITH THE GEEKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon