" Anong akala mo sa akin? Ganon-ganon nalang?" Paunti-unti akong lumalapit sa kanya.
Tapos na ang klase ngayon at naabutan ko 'tong mahaderang babae na 'to sa Comfort room.
Tch. Wala ka nang mapupuntahan.
" At bakit? sino ka ba sa inaakala mo ha?" Pagsagot ni Mica.
Nagkulo lalo ang dugo ko.
" Ako lang naman ang binangga mo!" Asik ko.
" So what? Ang laki mo kasi kaya kita nabangga."natatawang sabi niya.
PAAAAK!!!
" Gusto mo bang ibalik ko sayo ang bukol na binigay mo sa akin, gusto ko yung kitang kita sa mukha mo... para mas mapansin ka ng lahat, tutal yun naman ang gusto mo diba? ATTENTION!" Mahinang bulong ko sa kanya ng bahagya akong makalapit sa kanya.
Nakipagtitigan ako sa kanya at kitang kita sa mukha niya ang takot pero halatang pinipigilan niya iyong ilabas. Tsk!
" O gusto mo ba yung may dadanak na dug-"
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng magsalita siya." It was an accident kaya huwag mo ng palakihin ang gulo Yvette!" Pilit niyang pinapatatag ang estado nya sa mga oras na iyon.
" An Accident? Pero tinawanan at hindi kayo nanghingi ng sorry?" Habang sinasabi ko iyon, inilalabas ko ng unti unti sa bulsa ko ang fake knife na maliit.
Tuluyan ng lumabas ang takot sa mukha nya nung nakita niya ang hawak ko.
" A-anong g-gawin mo? I'm so sorry okay?"
Her face is priceless. Pinipigilan ko lang tumawa."Not accepted. Kapag inulit niyo ulit 'yon, bangas na mukha niyo. Get out!"
Pagkasabi ko nun ay tumakbo siya palabas ng CR.Tch! Duwag.
Bwiset naiwan ko kasi yung shirt ko dito sa shower room kaya bumalik pa ako, yan tuloy nasalubong ko pa tuloy yung mahaderang yon rito sa CR. Swerte niya ah.
Dumiretso na agad ako sa parking lot at biglang nagring ang Phone ko.
" Oh napatawag ang kuya kong pogi ?" Sabi ko sa linya.
" Yes naman! For the first time sinabihan mo ako ng POGI!!! Salamat. Maliit na bagay. " mayabang na sabi sa kabilang linya.
Tch. King na yan -_-
Akala ko si kuya Yddle
"Bakit mo gamit ang phone ni kuya Yddle and fyi hindi pa kasi tapos ang sasabihin ko. O NAPATAWAG ANG KUYA KONG POGI- TA!!" Natahimik bigla sa kabilang linya.
Tsk! Kala mo ubra ka sa aking Yttan ka ah. Haha!
" DALIAN MO AT UMUWI KA NA ! NANDITO NA SILA MOM, DAD AT KUYA YVAN! PANGEEEET!" Bigla nalang namatay ang linya.
Isip bata talaga. Hindi bagay!
Sumakay na agad ako sa Motor ko at pinaharurot pauwi ng bahay.
--
" Mga anak! Bumaba na kayo at kakain na." Sigaw ni mom.
Bumaba na ako kaagad dahil ayokong kasabay si Yttan.
" Mom, ano ulam natin?" Excited na sabi ko.
" Adobong baboy at sinigang , 'nak." Sabi ni mom habang hinahanda ang mga plato. Jusko halos araw araw na namin iyang ulam ng wala kayo rito. Huhu wala na bang bago.
Sakto naman ang pagbaba ni kuya Yvan.
BINABASA MO ANG
FALL IN LOVE WITH THE GEEK
Teen FictionIsang babaeng ang alam lang ay ang gulo o kaya'y gimik at bisyo papaano nalang kung may isang lalaking manghimasok sa buhay niya at pilit siyang ituwid. Hahayaan ba niya o ipagpapatuloy ang pinaninindigan sa sarili na walang makakapigil at mangingie...