A/N: don't forget to vote, comment and spread <3
"elizaaa, waaaah bebs sorry huhu nakalimutan kong ayaw mo na palang ku-" pinutol ko siya.
"ssh. Oo na. Okay lang. " nag peace sign lang ulit siya. Hay nako napakakulit talaga nito.
"canteen tayo. Nagugutom ako." tumango ako at kinuha ang wallet at phone ko sa bag.
"so musta ang maldives? Maraming babyboys no?" panunukso ko sa kanya. Papunta na kami ng canteen.
"ay oo bebs. Sobraaa. Ang hahottie ng mga boys doon. Pero dahil off limits na ako. Di ko na pinansin" may boyfriend na kasi to. 5 years na sila. Kami din sana. Hay. Eliza yan na naman tayo.
"yeah yeah, buti ka pa. Sila nanay kasi ayaw nilang mag out of town." inakbayan ako ni ayana.
"alam mo bebs, okay lang yan. Sa susunod sumama ka nalang samin. " nakangiti niyang sabi.
"tapos mathithirdwheel na naman ako? Ganun? Ay wag na oy." natatawa kong sabi. Paano ba naman noon, kung sino sino ng mga lalaki ang kasama ni ayana na nathirdwheel ako.
"sayaang no? Naghiwalay kasi kayo ni N-hmmm" tinakpan ko bibig niya. Ang daldal
"shut up ayana" masungit kong sabi.
"ah hehe, sabi ko nga wala." pumasok na kami sa canteen. Nagbago bigla ang mood ko. Sa masungit to happy mood. Yaaaah nandito si Lov hihi
"omygod bebs! Si Lov" medyo napalakas ang boses ko kaya yung ibang studyante tumingin sakin. Buti nalang malayo si Lov samin.
"OMG. wag mong sabihing crush mo yan?" si ayana
"oo. Bakit ba? " pumila na kami. Nagugutom na mga alaga ko sa tiyan.
"wala. Tsaka snobber yan bebs, di ka niyan mapapansin" parang sigurado na talaga si ayana na di ako mapapansin ni Lov. Hmp
"yeah, alam ko. Kanina lang nakabangga ko yan. Di man lang nag sorry. Tiningnan lang ako tapos nag walk-out na." kwento ko sa kanya.
"talaga? Sabi ko na nga ba. Wag ka na jan bebs. Walang pag asa" natatawa niyang saad sakin.
"eeeh, basta. " bahala na. Eh ano naman kung di niya ko papansinin? Edi gagawa ng paraan para mapansin hahaha
"lasagna at water po sakin" sabi ko kay ateng tindira at pumunta na sa table for two. Pinili ko yung mas malapit kay Lov. May kasama siya. Mukhang mga kaibigan ata niya.
"matutunaw yan" tukso ni ayana at umupo na.
"di ko talaga ma explain bebs. May something sa kanya. Pag tinitigan ko di ko na maalis alis ang mga mata ko sa kanya" sabi ko. Totoo. Ewan. Basta di ko maexplain nararamdaman ko
"ano yan? Love at first sight? " natatawa niyang sabi.
Inirapan ko lang siya. At kumain na.
Tiningnan ko si Lov. Paalis na sila.
"bebs, bilisan mo." sabi ko kay ayana. Kanina pa yan lamon ng lamon
"bakit ba?" naiirita niyang sabi. Ayaw niya kasing ginugulo siya pag kumakain.
"paalis na sila Lov oh. Sabay tayo sa kanila." kinikilig kong sabi.
"duh, eliza naman" nakasimangot niyang sabi.
"please" nasa pintuan na kasi sila ng canteen.
"okay" yey hinatak ko siya at tumakbo sa pinaroroonan nila Lov.
"sino na naman yang bago mong chix? Clint?"
"si jessica Patrick. Ang hot nito"
"hoy mga onggoy. Babae na naman?"
"ano kaba Roy, ang KJ mo"
"wag mong sabihin katulad kana kay Lovdimen na allergic sa babae"
"HAHAHAHA"
nasa likod nila kami. Kaya naririnig namin pag uusap nila. Allergic si Lov? Meron ba nun?
Biglang tumingin yung chinito na gwapo samin.
"Hi" friendly niyang sabi.
"Hello" sagot ni ayana. Ganyan yan. Ang kapal ng mukha haha
Tumingin si Lovdimen sakin pero inalis din niya agad. Hay
"Hey L, papasok kana sa room? Sabay na kami" masiglang sabi ni ayana. Hay nako ayana talaga
"magkaklase kayo?" sabi nitong moreno na matangkad.
"oo" ngiting ngiting sabi ni ayana
"ano pala name mo miss?" sabi naman ng mapayat pero gwapo kay ayana
"ayana" at kumindat pa. Hay nako. Parang walang boyfriend. Sumbong ko to kay Mark eh.
"ikaw naman miss? Ano name mo?" tanong ng chinito.
"Eliza " tipid kong sagot.
"ako naman si Roy." ahh Roy pala name nitong chinito na gwapo
"ako naman si Patrick" masayang pakilala niya. Masiyahin ata. Ito yung payat na gwapo
"at ang pinaka gwapo sa lahat. Ehem. Clinton by the way." okay, mahangin. Ito yung moreno.
"pre, nakashabu ka?" natatawang sabi ni patrick.
"at yang tahimik na sobrang gwapo naming kaibigan. Si Lovdimen. Kilala niyo na yan. Magkaklase kayo diba?" sabi ni Roy. Tumango kami.
"tara na" biglang singit ni Lovdimen. At nauna na sa paglalakad. Hmp sungit talaga
"allergic yan sa babae. Nasakta-" naputol ang kanyang sasabihin ng pigilan siya ni clinton.
"hehe sorry brad" awkward na ngiti lang ang binigay ni patrick samin.
Nasaktan? Nasaktan ba ang ibig sabihin ni patrick ? Hmm siguro. Sino naman kaya? Swerte nung girl. Pero malas dahil pinakawalan. Bakit eliza? May sinabi ba silang di pa taken si fafa Lov mo?
Napairap ako sa iniisip ko.
"tara, una na kami ha?" biglang saad ni ayana.
"okay, bye" sagot ni Roy
"ingat kayo" si clinton.
"see you around" si patrick at naghiwalay na kami ng landas. Ibang section ata sila.
Habang papuntang room. Tinanong ko si ayana tungkol sa sinabi ni patrick kanina.
"bebs, sa tingin mo kaya allergic si Lov sa mga babae dahil nasaktan siya?" kunot noo kong tanong sa kanya.
"hmm. Sa tingin ko, oo. Walang lalaking allergic sa babae kung walang nangyari noon." sagot naman niya.
"tama nga. Bakit kaya no? Na curious tuloy ako" sino yung girl? Anong nangyari? Ang dami kong tanong sa isip ko.
"alam mo, wag ka ng makealam. Past is past." sabi ni ayana.
Tumahimik nalang ako. Tutal nandito na next teacher namin.
@Nanaxoxo1312
BINABASA MO ANG
Kailan mo kaya ako mapapansin?
RomanceCOMPLETED All rights reserved 2021 Hindi sa lahat ng pagkakataon na ang gusto mo ay magugustuhan karin. May mga bagay na kahit anong gawin mo hinding hindi magiging iyo. Jonnah Elizabeth Cruz- isang babaeng patay na patay kay Lovdimen Ry na kahit...