Chapter 8 (Nathan's back)

50 5 1
                                    

A/N: don't forget to vote, comment and spread <3

Bumaba na ako. May isang kotseng nakaparada sa labas. Baka ito na yung boyfriend ni ate erika.

"good evening nay" nag mano ako. Sinabihan niya akong mag bihis ng formal dahil aalis kami.

Simple lang naman ang sinuot ko. Dress na hanggang tuhod. Balot na balot ang harapan pero backless ang likod.

"you ready?" napatingin ako kay tatay. Kahit 45 years old na siya. Kitang kita pa din ang kagwapohan niya. Nasa lahi na yata namin yan e haha.

"opo" at kinuha ko na ang pouch ko.

"my princess is so gorgeous. " naiiyak niyang sabi. Hay nako. Si tatay talaga. Napaka emotional.

"matagal na po tay" natatawa kong sabi. At niyakap siya. Bumaba na kami dahil baka malate daw kami.

Kaming tatlo lang ang nasa kotse. Sila ate at yung boyfriend niya nandoon na. Bagong kotse pala yun nila nanay yung kotse na nakita ko kanina.

Pagdating namin doon. Hinila ako ulit palabas ng restaurant ni ate.

Balisa ang kanyang mukha at hindi makatingin sa akin.

"may problema ba ate?" nag aalala kong tanong. Baka buntis siya o what.

"well, actually. Sis hindi ko talaga alam ito. Ngayon ko lang nalaman. Kung matagal ko ng alam edi sana di ko na sya pinapunta dito. Sorry." naiiyak niyang sabi. Ano ba tong sinasabi niya?

"di kita maintindihan. Bakit?" nagtatakang tanong ko.

"kasi... Si nyle... my boyfriend... Ahm.. may kasama siya... Pinsan niya... at" nakayuko niyang sabi. Naghintay ako ng idudugtong niya.

Kumalabog ang puso ko pagkatapos sabihin ni ate kung sino ang pinsan na kasama ng boyfriend niya.

Napalunok ako. Di ko ata kayang pumasok na.

"you know sis, dahil magaling ka naman mag tago ng nararamdaman. Why not act like its okay? Like you've moved on already?" suhisyon niya. Napaisip ako. Oo nga. Kaya ko ito. Ako pa ba.

Ngumiti ako at tumango. Nag retouch muna ako bago pumasok.

"Hon, this is my sister eliza" nakangiti niyang sabi kay nyle. Kuya nyle rather.

"Hi! Nice to meet you kuya nyle." nakangiti kong sabi. At nakatutok lang talaga ako sa kanya. Dahil alam kong kanina pa ako pinagmamasdan nang katabi niya.

"It's my pleasure to meet you too eliza. By the way this is my cousin, Nathan. " pakilala niya kay nathan. Yeah nathan. My one and only ex boyfriend. Tumingin ako sa kanya at ngumiti. Nabigla naman siya sa ginawa ko.

"Hi nathan! Long time no see" nakangiti kong sabi. At umupo na sa tabi nila nanay. Sila nanay naka poker face lang. Alam kasi nila yung tungkol samin ni nathan noon.

"ahh... hi" awkward niyang ngiti. Umiwas nalang ako at nakipag usap kay kuya nyle. Ang sarap niyang kausap. No wonder why my sister fell inlove with this guy.

"I'll just go to the restroom. Excuse me" at pumanhik na doon. Nagtagal ako sa restroom. Nagretouch ng kaunti at lumabas na. Unang bumungad sa akin ang mukha ni nathan.

For 2 years, nagkita din tayo. Ngumiti ako sa kanya, at nilagpasan siya.

"w-wait" pigil niya sa akin. At hinawakan pa ang braso. Tumingin ako sa kamay niyang nasa braso ko. Nahalata niya sigurong kanina ko pa tinititigan ang kamay niya kaya kinuha niya agad at nagpaumanhin.

"yes?" pormal kong sagot sa kanya. As long as kaya ko. Magiging civil ako sa kanya.

"k-kamusta kana?" nag aalinlangan niyang tanong sa akin. I smirked at his question. Kamusta na ako? May gana ka talagang tanungin ako niyan pagkatapos ng ginawa mo sa akin. Gusto kong sabihin yun pero pinigilan ko ang sarili ko.

"I'm fine. I'm better rather" at tumawa pa.

"ikaw? Infairness gumwapo ka lalo ah" papuri ko pa sa kanya. I hate you! Sana di ka nalang nagpakita ulit sa akin.

"ahh.. Ha..ha I'm fine too" tumango ako at umalis na. Bastos na kung bastos pero di ko kayang magtagal pa doon kasama siya.

Napabuntong hininga ako. Totoo. Gumwapo talaga siya. Those eyes, those green eyes that I liked the most.

"okay ka lang?" tanong ni nanay. Tumango lang ako at nagpatuloy sa pagkain.

Tawanan at kulitan ang namayani sa lamesa namin. Nakikitawa lang ako. Habang si Nathan, tahimik lang at kanina pa tingin ng tingin sa akin.

"Can I talk to you?" tanong ni nathan at biglang tumahimik sila. Naging mabigat ang aura pagkatapos ng tanong na yun.

"wow, bilis mo namang dumiskarte insan" natatawang saad ni kuya nyle. At tumahimik nalang nang mapansin niyang siya lang ang tumawa.

Pinandilatan naman ako ni ate. Kaya tumango nalang ako at lumabas.

Alam kung nag aalala na sila nanay at tatay sakin. Pero kaya ko ito. Hanggat kaya ko. Kakayanin ko

Tumingin lang ako sa kanya. Naghihintay sa kanyang sasabihin.

"so?" ako na ang unang nagsalita. Kainis tong lalaking to ha. May 'Can I talk to you' pang nalalaman. Gago!

"I'm sorry" dalawang salita. Dalawang salita lang at nagtubig na ang mga mata ko. Pinigilan kong tumulo ito.

"okay" at tumalikod na. Nabigla ako nang hagkan niya ako sa likod.

"I'm sorry..sorry" paulit-ulit niyang sabi. Tinakpan ko ang bibig ko nang dalawang kamay. Para pigilan ang hikbi. Bwesit na lalaki.

"I'm sorry, sorry for leaving you.... baa" humarap ako sa kanya. Puno nang poot at galit ang mukha ko ngayon.

Pak!

Sinampal ko siya. How dare he say that to me?

"sorry? Bakit ngayon pa!? Bakit ngayon palang? Naghintay ako. Naghintay ako nababalik ka. Para na akong tanga non eh! Miski sila nanay wala nang magawa para patahanin ako. " umiiyak kong sabi. Bakit ngayon pa kung kailan nagiging okay na ako?

"sorry" ulit niya.

"bwesit na sorry na yan. May magagawa ba yang sorry mo? Mahihilom ba yang sorry mo ang sakit na idinulot mo sa puso ko!?" alam kong kalat na kalat na ang make up sa mukha ko. Pero wala akong pake

"I know.. Kaya nga ako sumama kay nyle para bumawi sayo. Sa taong minahal ko nang lubos at minamahal ko pa din hanggang ngayon" natawa ako sa sinabi niya. Yan sya eh! Jan siya magaling. Sa mga sweet words. Na akala mo naman totoo pero binubulag ka lang pala.

"tama na. Tama na pwede ba. Ilang beses mo na ba yang sinabi sakin? Pero sa huli iniiwan mo pa rin ako. " may diin ang pag punas ko sa mga luha ko.

"Tapos na tayo. Matagal na. Noong pagtapak mo palang sa airport wala na tayo." at tumakbo na palayo. Palayo sa taong sinaktan ako ng lubos.

@Nanaxoxo1312

Kailan mo kaya ako mapapansin?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon