A/N: Don't forget to vote, comment, and spread<3
Eliza's POV
Bumalik na kami sa hotel pagkatapos namin maglambingan sa dalampasigan. Naks lambingan talaga eh no hahaha nag ayos lang ako nang may kumatok sa pinto.
Pagbukas ko bumungad ang mukha ni Jasmaine.
"enjoy your remaining time with L because I will surely assure you that when we get back you will no longer be with him. Byeee" at umalis na. Di man ako hinayaang magsalita.
Kinabahan man ako pero mas nangibabaw ang mga salita ni Lov sa akin. Sana nga Lov sana nga.
Babalik na kami bukas so bukas nang gabi magbobonfire kami. Kaya ito ako nag aayos tsaka nagimpake na rin hindi naman sobrang dami nang dinala ko tapos di ko naman nilabas lahat nang mga damit ko.
Inenjoy ko lang yung natitirang oras kasama si Lov at iba naming kasama. Hindi mawala yung sinabi ni Jasmaine sa akin. Ewan ko ba hay napapraning lang siguro ako.
Kinabukasan tinuloy namin ang plano namin na itour ang Bantayan. Picture doon picture dito. Sobrang memorable na araw ito.
Sumapit ang gabi at ang planong bonfire ay natuloy. Kaming lahat ay nandito sa may dalampasigan. Katabi ko si Lov sa right tapos sa left naman si Ayana. Si Jasmaine ay nasa harapan namin. Panay ang tingin niya samin sabay iirap. Bitter lang.
"hey laro naman tayooo" biglang sabi nang isang kasama namin. Umagree naman kami. Kasi marami kami dito tapos by group pa yung nag uusap. Parang ang layo nang iba.
"truth or dare tayoooo! Tapos pag nag dare iinom nang alak hahahah" pauso ni Ayana. Buang talaga to.
"sigeee gusto ko yaaan! Pero dapat sa truth yun para magsabi sila nang totoo diba paglasing hindi nagsisinungaling" sabi naman ni Rafael yata pangalan nito
"ooy infairness rhyming ha hahahaha" kaya nagtawanan kami.
"sigeee truth or dare tapos pag mag truth iinom nito haaa. Halo halong alak to. May red horse, tequila, emperador, mojitos tsaka milo hahahahahahha" grabe naman yaaan.
"syempre pag mag dare ka iinom ka din nang may halo halong gatas, tubig sa dagat, milo, red horse, suka tapos mojitos hahahahaha" ay mas grabe to. Walang choice eh
"yan gusto ko yan para mahirapan sila magpili hahahahah" at nagtawanan lahat. Sinimulan na ang laro. Una nag spin si rafael at huminto kay John.
Tawanan dito tawanan doon. Habang tumatagal mas maraming nalalasing kasi mas pinipili nila yung truth kesa sa dare. Well, maswerte ako kasi hindi pa humihinto sakin ang bote. Si ayana one time lang tapos nag dare ang bruha kaya ayun nagsuka2 ang pangit daw nang lasa hahahha. Kami ni Lov ay hindi pa. Hooo kinakabahan ako
Nagspin si Mark tapos tumapat kay Jasmaine. Pansin ang pagiging tahimik ni Jasmaine ngayon.
"truth or dare? " tanong ni Mark. Inirapan naman siya ni Jasmaine tsaka nagisip kung ano ang pipiliin.
"well, truth" kampante niyang sagot. Ngumisi naman si Mark at nag isip nang tanong.
"hmm sino ang first love mo? " nakakalokong tanong ni mark at nagsmirk pa. Napalunok naman ako. Alam kung si Lov ang first love niya. Tumikhim si Jasmaine at tumingin kay Lov tapos kay Mark.
"ikaw" diretsang sagot niya. Nagulat naman ako. Lalo na si Mark. Kasi ang alam ko si Lov ang first love niya. Tumingin naman ako kay Lov pero parang wala lang sa kanya yun.
"alam mo na si mark ang first love niya? " bulong ko kay Lov. Tumingin naman siya sa akin at tumango sabay kurot nang pisnge ko. Nag pout ako bwesit talaga to.
"w-what? " nauutal niyang sabi. Tumingin naman ako kay Ayana na seryoso narin ang mukha.
"ikaw ang first love ko bingi hahaha" tapos tumawa siya. Bilang umugong ang mga mapanuksong tinig ng mga kasama namin. Si Ayana ay tumawa lang din.
Hindi naman makangiti si Mark ewan ko kung nabahala ba siya sa sagot ni Jasmaine o ewan. Ang gulo
Nagpatuloy ang laro at bago matapos ang gabi impossibleng hindi matapat sakin ang bote kaya ito ako ngayon kinakabahan na.
"truth or dare? " tanong ni rafael sa akin. Ngumiti naman ako tapos nag isip pa. Ang hirap parehong pangit ang lasa nang dalawa eh.
"ahh dare? " umugong naman ang hiyawan nang mga kasama ko. Pati si Lov natawa nalang din. Hala mali yata napili ko.
"okaaay hahahah well, gusto kung halikan mo ang katabi mo hahahahahhaha yung nasa right yieeeee" at umugong naman ang tuksuhan nila. Nakakahiyaaaa.
Tumikhim naman si Lov at nakangising humarap sa akin. Sinamaan ko naman siya nang tingin.
Wala akong magawa kundi sumunod kasi doble ang ipapainom sa akin kung aayaw ako.
Lumapit ako kay Lov at hinalikan siya sa labi. Ngumisi pa ang buang at hinalikan pa lalo ako.
Mas humiyaw ang mga kasama namin sa ginawa ni Lov.
@nanaxoxo1312
BINABASA MO ANG
Kailan mo kaya ako mapapansin?
RomanceCOMPLETED All rights reserved 2021 Hindi sa lahat ng pagkakataon na ang gusto mo ay magugustuhan karin. May mga bagay na kahit anong gawin mo hinding hindi magiging iyo. Jonnah Elizabeth Cruz- isang babaeng patay na patay kay Lovdimen Ry na kahit...