Chapter 34 (dinner night)

28 3 0
                                    

A/N: Don't forget to vote, comment and spread<3

Eliza's POV

Pinunasan ko ang luha ko. Hindi dapat ako umiiyak. You're okay eliza.

"I'm okay, I'm okay" paulit ulit kong sabi sa sarili ko na para bang makukumbinsi ko na okay lang ako.

Naalala ko may dinner pala kami ngayon. Sino naman kapartner ko nito? Hay nako. Bahala na nga. Nag bihis ako ng damit.

Dress na hapit na hapit sa katawan ko klarong klaro ang kurba sa suot kong ito. Conservative tingnan sa harap pero sa likod ay backless siya. Pinaresan ko nang heels na kulay silver. Black ang dress kong ito kaya klaro yung maputi kong balat. Nilugay ko nalang yung buhok ko na hanggang  waist na ang haba. Pinakulot ko nalang para may style. Naglagay lang ako ng liptint tsaka nagkilay na din. Tapos nagpabango and tsada! Tapos na ako.

Sakto namang kumatok si ayana. Alam kong si ayana yun kasi sa pagkatok palang niya at ang bunganga ng babaeng ito.

"elizaaaaa! Yohoooo! " parang tanga talaga to. Pinagbuksan ko siya ng pinto.

"waaaah! Ang ganda mo bes! Bat di mo sinabing maydala kang ganyan ha!? Ang daya mo! Tignan mo nga ako ang pangit ng damit ko" napakunot naman ang nuo ko sa sinabi niya. Pangit!? Saang banda? Yung suot niya ay kulay pulang dress na hapit na hapit din may slit nga lang sa kanang leg niya tapos kita pa yung cleavage niya. Napatingin tuloy ako sa dibdib ko nainsecure bigla ako hahaha.

"ewan ko sayo ayana baliw ka talaga kahit kailan" inirapan niya lang ako.

"nasaan na kadate mo? " tanong niya sa akin. May kadate ba ako? Wala naman.

"wala. Kailangan ba may kadate? Tsaka by four naman yun tangik! Malamang kasama kita sa table tsaka yung boypren mo" sabi ko sa kanya.

"oo nga alam ko ang ibig ko sabihin nasan si L? Bat di ko pa siya nakikita? Wag mong sabihin sa fiancé niya yun sasama ngayon? " nakataas ang kilay niyang sabi. Nagkibit balikat lang ako. Malamang don yun. Tsk

"bumaba na nga lang tayo. Nagugutom na ako" sabi ko sa kanya. Habang pababa sinabihan pa niya ako na dapat daw mag picture kami sayang memories. Tama nga naman siya.

Nung nandon na kami sa venue na sinabi ni tatay. Kunti pa lang ang tao. Wala din si Lov. Nasaan ba yun?

Hinila ako ni ayana at nagsabing magposing daw ako. Nagpose nalang ako kasi di yan titigil hanggat di ako napipicturan. Magaling mag picture si ayana. Ako nga palaging model niyan. Pag siya naman ang magpapapicture doon siya sa boypren niya. Ayaw niya sa akin kasi ang pangit daw ng mga kuha ko hahahaha.

Habang nagpipicture kami dumating si tatay.

"good evening ladies and gentlemen. You look handsome and gorgeous tonight. So kung gusto niyong kumain na pwede na kayong kumain. Enjoy your time tonight. " nakangiting sabi ni tatay. Naghanap din kami ng table. Napili namin yung sa pinaka gilid. Nasa rooftop yata kami kasi makikita dito yung dagat at ang buwan. Full moon pa naman kaya napakaganda talaga ng gabi ngayon.

Napagbuntong hininga ako siguro kung nandito sa tabi ko si Lov napaka romantic na ito. Ito pa naman yung isa sa mga pangarap ko.

Pagupo namin biglang dumating yung waiter at binigyan kami ng pagkain na.

Nagkwekwentohan lang kaming tatlo nang biglang bumukas ang pinto at linuwa nito sina Jasmaine at Lov. Ang kamay ni Lov ay nasa balikat ni Jasmaine. Nakangiti si jasmaine habang si Lov ay walang reaksiyon lang. Nahanap niya ang mata ko at nakita kung nagulat siya. Iniwas ko nalang ang tingin ko sa kanila.

Sira na nga ang gabi ko ayaw ko namang mas masira pa dahil lang din sa kanila.

Hinawakan naman ni ayana ang kamay ko.

"bebs wag ka nalang tumingin okay? " nag aalala niyang sabi. Tumango lang ako at nagpatuloy na sa pagkain.

@nanaxoxo1312

Kailan mo kaya ako mapapansin?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon