A/N: don't forget to vote, comment and spread <3
Nagising ako dahil sa ingay sa labas. Bat ang ingay? Mag aalas 10 na. Naligo muna ako bago bumaba.
Pagdating ko sa sala. Nandito na sina nanay at tatay.
"eliza anong ginagawa ni nathan sa guest room?" kalmadong tanong ni tatay. Si ate at kuya nyle nasa sofa at tahimik lang. Anyari?
"lumabas kasi kami kagabi nila ayana tay. Eh naglasing tas di ko alam kung don parin ba sila nakatira kaya dito ko nalang dinala tutal nandito naman si kuya nyle." sagot ko tulog parin pala si gabby.
"at bat ka lumabas kagabi? Nakuuu pag talaga wala kami dito lakwatsa kayo ng lakwatsa ha." sermon ni nanay. Eto na naman tayo.
"paano kung may mangyaring masama sa inyo? Ha? Tapos wala kami dito?" tumalikod ako at umirap ganyan yan palagi pag galing business trip tas malaman na lumabas ako. Pumunta nalang ako sa kusina tutal si ate na naman yung sinisermunan niya.
Kumain ako at alas 11 na tulog parin si gabby. Pinuntahan ko siya sa guest room. Pagpasok ko tulog parin talaga.
Umupo ako sa may higaan. At tiningnan si gabby. Sayang. Yan yung unang pumasok sa isip ko habang nakatingin sa kanya.
"makakahanap ka rin ng mamahalin ka ng lubos gabby." sinabi ko yun at umalis na. Buti nalang sunday ngayon. Walang pasok.
"magbihis ka eliza magsisimba tayo. Gisingin mo si gabby at nang makakain na yun." utos ni tatay. Tumango ako at pumasok ulit sa kwarto. Sana ginising ko nalang pala yun kanina haha
"gabby" tawag ko dito at tinapik tapik pa ang pisngi. Ah ayaw mong gumising ha. Umaandar na naman ang pagkapilya ko hehe. Pumasok ako sa cr at nagkuha ng tubig. Alam niyo ba noon pag di nagigising yang si gabby binubuhusan ko siya. Hehe mabuhusan nga. Tulog mantika to eh.
Splash!
"what the!?" ayuuun nagising din ang sleepy head hahaha. Napatingin siya sakin at nagpeace sign ako.
"jonnah naman. Heto na naman tayooo." habang nagpupunas ng basa niyang mukha
"eh pano tulog mantika ka parin eh blee" at tumakbo na sa pinto.
"magsisimba kami. Baka isasama kayo ni tatay kasi pinapagising ka niya eh. Maligo kana ha sleepy head byeee~" at pumunta na sa kwarto ko para magbihis. Parang walang nangyari. Ganun na ganun kami dati ni gabby ang kaibahan lang wala na akong nararamdaman para sa kanya.
"naliligo pa tay" sabi ko kay tatay at dumiretso na sa kwarto para magbihis. Minsan lang kami magsimba na kompleto tapos may dalawa pang sabit diba haha
Naka floral dress ako at doll shoes. Nilugay ko lang yung basa kong buhok at nilagyan ng clip sa may tainga banda.
"hay nako kahit kailan talaga napaka bagal mong kumilos eh no" sermon ni ate. Sorry naman no. Nasa sala na sila lahat ako nalang pala yung hinihintay hehe.
Pumasok na kami sa sasakyan at pumunta na ng simbahan. Magkatabi kami ni gabby as usual. Nagsisimba kami noon kasama si gabby at yung parents niya kaso sobrang busy yata nila ngayon eh. Nasa Los Angeles na sila nakatira ngayon. Aalis din to next month or ilang weeks nalang.
Nilibot ko ang paningin ko sa loob ng simbahan. At may nakita akong pamilyar na anyo. Kilala ko to eh. Si Lov! May kasamang magandang babae. Naka side view lang sila pero si Lov talaga yun. Di ako pwedeng magkamali. Pero sino yung babae? Yan kaya yung girlfriend niya? Yung sinasabi nila clinton noon.
Biglang tumingin si Lov sa banda namin kaya nag iwas ako ng tingin yung parang dinaanan lang na tingin para di halata hehe.
Natapos ang misa na hindi ako nakikinig kasi panay ang tingin ko kina Lov at nag iisip kung sino yung kasama niya. Nagbuntong hininga nalang ako.
At kung minamalas ka nga naman sabay pa kaming lumabas ng simbahan yung babaeng kasama niya ayun kung makalingkis sa braso ni Lov wagas. Napairap nalang ako. Nakita ni gabby ang pag irap ko kaya binigyan niya ko ng question look. Umiling lang ako.
"uuwi na kayo?" tanong ni nanay kina gabby.
"ah opo. Salamat at pinasabay niyo kami magsimba tita at sorry kung nag take advantage ako sa inyo at sa anak niyo." sabi ni kuya nyle. Tumango lang sina nanay at nauna na sa sasakyan.
Pumunta si ate kay kuya kaya pumunta nalang din ako kay gabby.
"selos ka?" yan ang unang bungad niya sakin. Napairap naman ako. Ako? Magseselos? Nah never.
"hindi no. Wala akong pake kung sino man yung kasama niyang babae. Hmp kung makalingkis wagas." tumawa si gabby sa sagot ko. Anong nakakatawa?
"di ka nga nagseselos haha" inirapan ko lang siya at nagpaalam na. Pumasok kami sa sasakyan at umuwi na.
Pagkatapos non wala nakong ibang ginawa sa araw na yun. May pasok na bukas. Tanungin ko kaya? Hmm wag nalang.
Nakatulog ako na ang laman ng isip kung tatanungin ko ba si Lov kung sino yung babaeng kasama niya o hindi nalang at hahayaan itong utak ko maglakbay.
Zzzzzz...
@Nanaxoxo1312
BINABASA MO ANG
Kailan mo kaya ako mapapansin?
RomanceCOMPLETED All rights reserved 2021 Hindi sa lahat ng pagkakataon na ang gusto mo ay magugustuhan karin. May mga bagay na kahit anong gawin mo hinding hindi magiging iyo. Jonnah Elizabeth Cruz- isang babaeng patay na patay kay Lovdimen Ry na kahit...