Chapter 1 (Unedited)

411 12 0
                                    


CHAPTER 1


"Crissa, hindi lahat ng lalaki pare-pareho. Hindi lahat sasaktan at iiwanan ka. Don't be afraid to love me back, let me prove to you that not all men are the same," sabi ng isang lalaki. Hindi niya ito kakilala. Madilim masyado ang paligid kaya hindi niya makita nang maayos ang mukha nito.

Naging sapat lang ang liwanag na ibinibigay ng buwan sa lugar na hindi rin maisip ni Crissa na siyang kinaroroonan nila para maaninag na mayroon itong taglay na kagwapuhan.

Kita sa tindig ng lalaking kausap niya ang ganda ng postura nito. Hindi tuloy niya maiwasan ang humanga dito.

Oh Em! He's damn so hot! lihim na pagnanasa niya sa estranghero. Pero ito ay mabilis din niyang binura sa isip.

Ayoko!Ayoko! sigaw niya sa makulit niyang puso. Ipinikit niya nang madiin ang mga mata at mabilis na umiling-iling para mawala sa isip niya ang nagsisimulang paghangang nararamdaman.

Ayoko pa rin talaga, kahit na nga ba sexy siya at gwapo kahit na semi skinhead pa ang haircut niya. In fairness, mas lalo pa nga siyang nagmukhang hot dahil sa hairstyle niyang 'yon, patuloy lang si Crissa sa pagkausap sa sarili habang nakatitig sa lalaki.

Nagtataka siya sa nararamdaman. Hindi ba ang dapat ay matakot siya sa lalaking nasa harapan dahil dalawa lang silang naroon sa lugar na madilim at wala siyang ideya kung saan? Pero bakit ganoon? Sa pakiramdam niya ay malapit ito sa kaniyang puso. Pakiramdam niya ay espesyal ang lalaking ito.

Unti-unti ay nabubuo ang maraming katanungan sa isipan niya. Kaya naman pilit pa rin niyang nilabanan ang kakaibang pakiramdam para sa misteryosong lalaki.

Itinataga ko sa lahat ng pine trees dito sa Baguio, hindi ako magmamahal, lalo na ng isang engineer! pagkumbinsi ni Crissa sa sarili at pinanindigan ulit ang katigasan tungkol sa sumpa niyang ito.

"Sino ka? Bakit alam mo ang pangalan ko? At bakit naman kita mamahalin?" sunud-sunod na tanong niya dito.

"Crissa..." matamis na sabi nito sa kaniyang pangalan gamit ang lalaking-lalaki at malambing na boses. Bahagya itong humakbang papalapit sa kaniya. At hindi niya maiwasang makaramdam ng kaba ng dahil dito.

Biglang napatayo si Crissa sa pagkakahiga sa kaniyang kama. "Hay naku! Pati ba naman ang paniginip ko, tinutukso akong maniwala sa love?" sabi niya sa sarili nang magising.

Isa lang palang panaginip. Panaginip na para sa kaniya ay isang bangungot, dahil sa ang magmahal ang pinakahuling bagay na gugustuhin niyang mangyari.

Nasanay na si Crissa sa paulit-ulit niyang panaginip na iyon. Halos kabisado na nga niya ang eksena sa pagitan nila ng hindi kakilalang lalaki. She got used to it, ika nga. Kaya naman hindi na niya iyon pinagtutuunan pa ng pansin at binibigyang halaga. Isang panaginip lang na walang malalim na dahilan kung ituring niya ito.

Ang pinaghalong malamig na simoy ng hangin na may dalang sariwang amoy ng pine trees na nakapaligid sa kaniyang newly renovated modern bungalow log cabin house at ang banayad na sikat na araw na sumilip at dumampi sa kaniyang mukha na nagmumula sa bintanang naroon sa kaniyang silid ang gumising sa kanya nang umagang iyon.

"Ahh, Good morning world," pagbati niya sa umaga habang nakaupo sa gilid ng kaniyang kama, nakataas ang dalawang kamay at nag-iinat-inat ng kanyang katawan.

It was Saturday and indeed a very fine morning. Napakasarap talagang gumising nang walang gagawin sa araw na iyon, kung hindi ang ubusin lang ang magdamag o buong araw niya sa bahay at sa pag-aasikaso sa kaniyang garden.

Construct My Love (BFF Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon