Chapter 11 (Unedited)

102 9 0
                                    


CHAPTER 11

"Oh, look who's here," nakangisi at naka-irap na sabi ni Vhon. Kasama nito ang kanilang mga kaibigang sina Khristine at Agatha.

Naglalakad sila ni Chris noon papalapit sa mga ito habang magkahawak ang mga kamay.

Nakataas ang isang kilay ni Vhon at nakapilantik ang isang kamay na mayroong hawak na brewed coffee. Halata sa mukha nito ang pagkainis sa nakikitang ka-sweet-an nila.

Napag-usapan nilang magkakaibigan na magkita sa Barakos. Ito ang bagong paborito nilang tambayan para magkwentuhan at magpalipas ng oras. Bukod sa malapit lang ito sa AV condo na on going pa rin ang construction at opisina nina Vhon at Khristine, talaga namang napakasarap ng ipinagmamalaki nitong kape.

"Ang agang ka-bitter-an n'yan ha, sis?" nakatawang tanong niya kay Vhon.

Tumayo sina Agatha at Khristine para yumakap at humalik sa pisngi niya bilang pagbati.

"Pagpasensiyahan mo na'yan sis, nag-away kasi sila ng boyfriend n'ya."

"True, inggit lang si Marshie Vhon sa mga may lovelife," tumatawang dugtong ni Khristine.

Vhon rolled his eyes, reclined his sit and crossed his legs. Muli itong tumanaw sa malayo. Kita sa mukha nito na mayroon itong pinagdadaanan.

"Hon, may kukuhanin lang ako sandali sa AV, ha?" Isang mabilis na halik ang idinampi ni Chris sa kaniyang mga labi.

"Vhon, 'wag mong alalahanin 'yon. I'm very sure kapag nakita mo ang may-ari ng Barakos, makakalimutan mo na rin 'yong ginawa sayo ng boyfriend mo. Baka nga pati siya, makalimutan mo," sabi ni Chris kay Vhon na ikinaaliwalas ng mukha nito.

Chris waved his hands and Crissa reciprocated it with a sweetest smile she could ever give.

"Mahipan ka sana ng hangin," nakangising sabi ni Vhon. Napansin kasi nito ang matatamis na ngiti ay suot pa rin niya nang maupo siya sa tabi ng kaibigang si Agatha.

"Ang sarap ma-in love 'no?" nang-iinis na tanong ni Agatha.

"Ayaw pala sa lalaki, ha? At lalo sa engineer?" tatawa-tawang dugtong ni Khristine. Alam nitong siya na naman ang tinutukso ng mga kaibigan.

"Ganoon naman talaga ang buhay, di ba? There are things in this world that we could never explain, and life would be understandable. That's the irony of life and the beauty of it too," nakangiting sabi niya.

"Hmp! Ang dami mong sinabi, sis! Nadaan ka lang sa abs ni engineer, eh. Ano matigas ba?" Vhon moved closer to her. His eyes were full of interest and thrill.

Natawa si Crissa sa reaction ng kaniyang mga kaibigan. Maging sina Khristine at Agatha rin kasi ay napahinto sa pag-inom ng hawak nitong Iced Espresso at Caffe Mocha dahil sa kasabikang marinig sa kaniyang isasagot.

"Hindi lang matigas. Matigas na matigas," eksaheradong kwento niya sa mga greenminded niyang kaibigan na siya namang ikinatili ng mga ito.

Natutop ni Agatha ang bibig ng mga kamay habang si Khristine ay muntik nang maibuga ang iniinom nito. Si Vhon naman ay lumipat sa katabi niyang upuan at niyugyog ang balikat niya.

Napuno ng ingay nilang magkakaibigan ang garden dining ng Barakos. Mabuti na lang at masyado pang maaga, kaya sila palang ang customers doon. Malaya pa silang nakakapagtawanan at kwentuhan nang hindi nakakabulahaw sa iba.

Napalitan ng panandaliang katahimikan ang kanilang tawanan nang biglang may dumating na isang pamilyar na babae. That was Matilda.

Gaya nang dati, palaban at mataray ang awra nitong lumapit sa kanilang mesa. She looked at her with full of wrath.

Construct My Love (BFF Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon