Chapter 7 (Unedited)

107 8 0
                                    

CHAPTER 7

Ilang daang tupang puti at itim na ang nabilang ni Crissa. Maging ang mga bituwin sa madilim na kalangitan nang gabing iyon na bihirang magpakita para mapagmasdan dahil sa kadalasan ay natatakpan ito ng fog ay napagod na rin siyang bilangin kung ilan. Nagpabiling-biling na rin siya sa kanyang kama habang yakap ang isang unan pero bigo pa rin siyang dalawin ng antok.

Bwisit naman kasing Chris na 'yan! Bakit ko ba kasi siya hinalikan? Crissa, nakakahiya ka! Kunwari ka pang man hater, tapos ikaw pa talaga ang unang humalik? Naihilamos niya ang yakap-yakap na unan nang muling maalala ang ginawang paghalik kay Chris.

"Crissa isa siyang lalaki at engineer pa, kaya huwag na huwag kang mai-in love d'on! Nakalimutan mo na ba? Sa experience mo, ang engineer ay babaero!" naiinis na pagpapaalala niya sa sarili.

Crissa felt that Chris had a very special place in her heart. Pero pilit niya itong itinatanggi sa kahit na sino, kahit na sa kanyang sarili pa.

But the truth is, the first time she set her eyes on him, she failed to take him out in her mind.

Maging ang lalaking nakikita at nakakausap sa kanyang panaginip ay hindi na niya napanaginipan pang muli nang dumating si Chris sa buhay niya.

Hindi niya maintindihan kung bakit ganito nalang ang epekto nito sa kaniya.

Ilang araw pa lang niya itong formal na kakilala, pero sa kanyang pakiramdam ay matagal na niya itong kasama. Kaya naman ay magaan ang loob niya dito.

Ang bagay na ito ang nagpapagulo sa isip niya at mas lalo pang gumulo ang nang halikan niya ito. Parang awtomatikong kumilos ang kanyang katawan. Para bang may sarili itong isipan at natagpuan na lang niya ang sariling hinahalikan ito.

Basta hindi pwede! Hindi ako magmamahal! Period.

Dahan-dahang pumasok si Crissa sa gate ng Western-inspired na bahay ni Agatha. Si Yaya Sol, ang yaya ng kaibigan at siyang kasa-kasama nito doon bukod sa fiancé na si Devin, ang nagpatuloy sa kanya.

Doon tumuloy ang pinsang si Braydon at girlfriend na si Lei. Nakatanggap din siya ng isang text message galing sa kaibigang si Vhon kinaumagahan kaya naisipan niyang pumunta doon. Ang sabi nito sa kanya, kung matino na raw ang buhol-buhol niyang isip ay puntahan niya ang mga ito kina Agatha.

Bukod sa gusto niyang maka-bonding ang mga ito, alam niyang mayroon siyang dapat ipaliwanag sa inakto niya noong nakaraang gabi. Nag-aalala siyang baka na-disappoint ang mga kaibigan.

Occupied ang kanyang isip habang binabagtas ang daan papuntang balkonahe. Ang sabi ni Yaya Sol ay naroon raw ang mga kaibigan at nagbe-brteakfast.

Sigurado niyang uulanin siya ng mga tanong, kaya bago buksan ang pinto papuntang balkonahe ay ilang beses siyang huminga nang malalim.

"Mmm, 'and'yan ka na pala Crissa. Tara kain na?" masayang pagyaya sa kanya ni Agatha.

Kinawayan naman siya ng ibang kaibigan bilang pagbati. Nabungaran niya ang mga ito na kasalukuyang kumakain sa patio dining set na naroon sa kanang bahagi ng balcony.

"Dito ka na sa tabi ko," nakangiting sabi ni Lei sa kanya. "Babe, pakiabot naman 'yong spare plate," malambing na baling nito sa boyfriend na si Braydon. Hinaplos pa nito ang pisngi noon.

"Tapos na 'ko mag-breakfast. Thanks." Nginitian niya ang mga ito at umupo sa tabi ni Lei.

Pinagmasdan niya ang mga kaibigan, abala sina Devin at Agatha sa paglalambingan, nagsusubuan ang mga ito ng pagkain. Ganoon din ang pinsang si Braydon at Lei, hindi nagpapatalo ang mga ito sa ka-sweetan.

Construct My Love (BFF Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon