Chapter 9 (Unedited)

109 13 0
                                    


CHAPTER 9

Dahil sa ginawa ni Chris sa kaniya, muling nanariwa ang pait nang kahapong naalala tungkol sa kaniyang ama. Muling bumalik ang galit sa kaniyang puso na matagal na niyang nakalimutan. Ngayon ang galit na nararamdaman ay hindi na lang para sa kaniyang ama, kung hindi pati na rin kay Chris.

Niloko siya nito at maliwanag pa sa sikat ng araw ang mga ebidensiya. Mabuti na lang, hindi pa ganoong kalalim ang pinagsamahan nila. Tamang hindi naging sila, pero sinubukan pa rin nito na gawin siyang pangalawa.

Malalim na ang gabi noon, nagising siya nang dahil sa komosyon na namamagitan sa magulang.

Nakita ni Crissa ang kaniyang Papa Manny na papalabas mula sa kanilang bahay at hila-hila ang dalawang malalaking maleta. Nakasunod rito ang kaniyang Mama Beth.

"Manny, saan ka pupunta? Bakit dala mo ang lahat ng gamit mo?" sunud-sunod na tanong ng kaniyang ina. Kita sa mukha nito ang labis na lungkot at pagtataka.

"Papa, aalis ka po?" tanong ng batang Crissa na noon ay kagigising lang at pupungas-pungas pa.

"Beth, patawad. Pero si Julie na ang mahal ko at magkakaanak na kami. Malapit na siyang manganak."

"Ano? Magkakaanak? Si Julie na kumare natin at bestfriend mo? May relasyon kayong dalawa?" natutop nito ang mga kamay dahil sa pagkabigla. Hindi lubos akalain ng kaniyang mama na may relasyon ang kaniyang papa at bestfriend nito na ninang rin niya.

Masaya naman sila bilang isang pamilya. Kaya naman hindi lubos na maisip ng kaniyang ina na ngayon ay ipinagtatapat ng kaniyang ama ang bagay na nakakapagpaguho ng kanilang masaya at matatag na pamilya.

"Gaanong katagal 'nyo na 'kong niloloko? Ha Manny? Kailan pa kayo mayroong relasyon? Sumagot ka?" galit na tanong ni Beth.

Napalunok ang kaniyang ama bago sumagot. "Ex-girlfriend ko si Julie. Sorry Beth, hindi ko naman sinasadya. Sinubukan kong magpakatatag, pero..."

Nagsimula nang tumulo ang mga luhang kanina pa pinipigilan ng kaniyang mama. "Pero mahina ka! Nagpatukso ka! Mas pinipili mo ang babaeng 'yon kaysa sa amin ng anak mo." Pinahid ni Beth ang mga luhang dumadaloy sa mga mata nito at pinilit na huwag gumaralgal ang boses.

"Bakit Manny? Saan ba ako nagkulang? Saan ako nagkamali?" Hindi ito tinitingnan ng kaniyang Papa Manny, sadya nitong iniiwas ang paningin dito para huwag makita ang paghikbi ng kaniyang mama.

"Wala Beth. Kasalanan ko, naging mahina ako. Pero sana maintindihan mo, nagmahal lang ako."

Isang malakas na sampal ang isinagot nito sa kaniyang ama. "Put*ng In* naman Manny! Napaka-unfair mo naman sa amin ng anak mo! Ano ang akala mo sa amin? Bagay? Bagay na kapag ayaw mo na ay iiwan mo nalang basta-basta? At nag-e-expect ka pa na dapat ay maintindihan namin na nagmahal ka lang?" napaupo ito sa sofa na malapit sa kinatatayuan nito, pilit na kinakalma ang sarili.

"Beth, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, pero sana isang araw ay mapatawad ninyo ako." Nagsimula na itong humakbang palayo.

Ang batang si Crissa ay nakatayo lang sa isang gilid at pilit na iniintindi ang nangyayari sa paligid. Sa murang edad ay nahihirapan siyang intindihin ito pero ramdam niyang ito ay masakit at hindi niya iyon gusto.

"Manny, sandali. 'Wag kang umalis. Huwag mo kaming iwanan. Parang awa mo na." Patakbong lumapit si Beth kay Manny at saka yumakap sa likod nito.

Walang magawa ang batang si Crissa kung hindi ang umiyak sa isang tabi at pagmasdan ang pag-iyak ng mama niya habang nakikiusap sa papa niyang nagbabadyang magpaalam at iwanan sila.

Construct My Love (BFF Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon