Chapter 2 (Unedited)

162 6 0
                                    


CHAPTER 2


"Hello Bray, nandito na 'ko sa parking area. Papunta na 'ko d'yan sa Italian restaurant." Sinagot niya ang tawag ng pinsang si Braydon.

Napagpasiyahan nilang doon na lang magkita Eastwood. 

Ayon sa pinsang abogado ay nainip daw ito, kaya lumabas muna para libangin ang sarili. At sa hindi maipaliwanag na dahilan ay gusto nitong pumunta sa Eastwood.

"Ah okay sige, sa Eastwood City Walk 1, ha? Nakaupo lang ako sa loob ng Italianos, sa tapat ng Crabs and Shrimps na seafood restaurant," pagbibigay nito ng instruction sa kaniya.

"Okay sige. See you in a bit." Ibinaba na niya ang tawag at kinuha ang mga dokumentong ipakikita kay Braydon na naroon sa backseat ng kaniyang white Ford Ecosport.

Abala pa rin sa pagtingin ng mga hawak na dokumento si Crissa habang naglalakad papunta sa sinabing restaurant ng pinsan.

Panandalian siyang huminto sa kinatatayuan, tsini-check niyang mabuti ang mga hawak. Gusto niyang masigurado na wala siyang nakalimutan.

Nan'dito na 'yong, memorandum of agreement. 'Yong ids ba n'ong mga intsik na 'yon? Ay, 'eto pala. 'Yong ano kaya, na'san?

"Oouuch!" Inis na sabi niya. May isang lalaki ang bumungo sa kanyang likuran.

Nagmamadali ito sa paglalakad habang mayroong kausap sa cellphone nitong hawak. Kaya siguro hindi nito napansin na naroon siya, nakahinto sa dinadaanan nito at aksidenteng nabunggo.

Magkasalubong ang mga kilay ni Crissa at nakasimangot siya habang pinupulot niya isa-isa ang mga nahulog na dokumento. Halatang-halata na inis na inis siya.

"Miss I'm sorry, hindi ko kasi napansin na nand'on ka. Nagmamadali kasi ako," paghingi nito nang paumanhin. Bumalik pala iyon para tulungan siyang pulutin ang mga nailaglag niyang dokumento.

Patuloy lang si Crissa sa pagpulot at hindi siya nag-effort pa na mag-angat ng paningin dito.

"Nagdakkel lak ditoy haan nak nga makita? Linya kaaya bulag? Naglampa ka gamin, madi ka nga agananad!" (Ang laki-laki ko dito tapos hindi mo ako nakita? Ano ka bulag? Lalampa-lampa ka kasi, hindi ka nag-iingat!) nakakunot-noong sagot niya dito.

Sinadya ni Crissa na gumamit nang Ilocano dialect para hindi ito maintindihan ng kausap. Sanay siya sa paggamit ng dialect na ito. Bukod kasi sa matagal na siyang nakatira sa Baguio ay ito rin ang madalas gamiting salita ng mga kasama niya sa kanyang flower farm.

Mayroon siyang mga lupang minana mula sa namatay na mama. Ang ilang bahagi noon ay ginawa niyang flower farm. 

Naka-graduate ng kursong Hotel and Restaurant Management si Crissa. Pero dahil sa lumaki siyang mahilig sa mga halaman at bulaklak ay mas pinili niyang ito ang gawing negosyo.

"Sorry talaga miss, ha? Hindi ko sinasadya. Kailangan ko na kasing makaalis kaagad dahil may naghihintay sa akin." Iniabot na nito sa kanya ang iba pang dokumentong pinulot nito.

"No igibaga ka kinyak kasla ka ng agclose ta! Awan ti pakialam ko!"(Kung makapagpaliwanag ka akala mo close tayo! Wala akong pakialam!)

Crissa got the documents he handed and looked at him.

Nakatitig ito sa kaniya at nakapinta sa lalaking-lalaki nitong mukha ang isang magandang ngiti.

Hindi maintindihan ni Crissa ang nararamdaman niya sa puntong iyon. Para bang hindi niya maiwasan ang humanga sa angkin nitong kagwapuhan. Kaya tuloy wala siyang magawa kung hindi ang tumulala at pagmasdan din ito.

Construct My Love (BFF Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon