Chapter 1

9 1 1
                                    

Chivalry's POV

Pagkagaling opisina ay may natanggap akong tawag mula kay mama na naaksidente daw si papa kaya naman nagmamadali akong sumugod sa ospital

"ma ano bang nangyari?" tanong ko habang hinahaplos ang likod ni mama

"ang papa mo naaksidente sya..bumangga ang motor nya sa isang truck...anak... Hindi ko kayang mawala ang papa mo" naramdaman ko na lang ang likidong dumadaloy mula sa mata ko

Hanggang sa lumabas ang doktor

"kayo po ba ang asawa?" tanong nya kay mama

"opo ako nga po...kumusta po ang asawa ko?"

"Your husband is in commatose ma'am, malala po ang damage ng pagkabangga nya at pagtama ng katawan nya"
Napailing si mama habang umiiyak

"ma--gigi..s-sing pa..p-po ba sya?"tanong ni mama

"Maaari pa pong magising ang asawa nyo misis..but there is a possibility na hindi na"

"Doc nagmamakaawa ako gawin nyo po lahat"

Habang nakikinig ako ay unti-unting nanglalamig ang buong katawan ko hindi sapat ang kita namin ni mama para makabayad sa mga gamot ni papa..

"ma, cr lang po ako"

Pagkarating ko sa c.r ay napasandal ako sa dingding at unti unting napaupo habang humihikbi..hindi ako makapaniwala..parang kailan lang sabay-sabay pa kaming nag agahan kanina..pero eto ngayon kami ni mama nalulunod sa mga luha namin...

Lord iligtas nyo po ang papa ko..nagmamakaawa ako..

Kinabukasan ay maaga akong pumasok sa opisina nang maggagabi na ay lumapit ako kay Ate Rossie isa sa mga katrabaho ko

"Ate baka naman may alam kang raket dyan"

"Raket ba kamo?" pinasadahan nya ako ng tingin mula ulo hanggang paa kaya napayakap ako sa sarili ko...ganitong ganito yung mga eksena sa tv yung pag nagtanong ka ng trabahong mapapasukan ihehead to toe ka tapos dadalhin ka sa bar

"Ate wag na lang" matindi ang pangangailangan ko pero hindi ko matatanggap ang iaalok nya

"tanga ka ba? Wala pa akong sinasabi ano sa tingin mo ang gagawin ko sayo? Ibubugaw ka? Eh mas maganda kaya ako sayo" napangiwi ako sa sinabi nya pero hindi naman nya nakita

"eh ano ba kasi yun?"

"Marangal na bar toh magwawaitress ka lang naman eh..oohh ano g ka?"


"Isuot mo yan" inabot nya sakin ang isang mini skirt at shirt tsaka hairban
na cat-ears

"Ang gagawin mo lang maglalagay ka lang ng mga orders nila" tumango na lang ako

"Miss dalawang boteng beer nga" demand nung isang malaking tyan na nakasuot ng pang bussinessman halatang chinese ang mga customers dito

"Eto na po sir" pinatong ko sa table nila

"sandali miss dito ka ba talaga nagtatatrabaho?" tanong nung isa

"bago lang po sir"

"why don't you join us here?"

"Hey miss give me a 1 bottle of beer"sigaw nung isa sa ibang table..wews saved by the bell

"sorry sir pero magtatrabaho na po ako"

"here's you 1...bottle..of beer sir..." he looked straight into my eyes then smirked

"You know I don't drink beers right?"

"Inorder mo yan sir"

"Cut the formality chi" he said

"I-I have to go kung wala ka din namang oorderin pa"

"What are you doing in this kind of place?" sya ang gusto kong tanungin pero naunahan nya ako..knowing Thunder he doesn't like this kind of places

"Nagtatrabaho ako obvious naman po sir"

"Ganito na pala ang trabaho mo ngayon" he smirked again at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa "I can't believed pumatol ako sayo" nangliit ako sa sinabi nya pero sa halip na magpaapekto ay ngumiti lang ako

"I have to go sir" mas marami pang importanteng bagay na pagtuunan kesa sa kanya..kesa sayo Thunder James Custoñeda na basta na lang akong iniwan

-----
Pls. Support my story like how you support the "Married to a Prince" sayang lang kasi nadelete sya

TIME IS ALL WE HAVE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon