Chapter 2

7 1 2
                                    

Chivalry's POV

Sa office lang ako buong araw at dahil maaga ang uwi ko ngayon sa South Fields University bilang sub janitress wews...sinimulan ko ng maglampaso ng sahig dahil wala na rin namang mga estudyante hanggang sa pag atras ko ay may nasanggi ako

"Sorry sir" tinulungan ko sya sa pagpulot ng gamit at nang makita ko kung sino sya ay nanglaki ang mata namin pareho...
"What the fuck are you doing?" galit na tanong nya

"nagmomop?"

"thank you for stating the obvious" napairap ako..well thank you for asking the obvious too

"Dadaan ka? Daan na marami pa akong gagawin"

"Kahapon lang nasa Super-K bar ka bilang waitress at ngayon nandito ka sa school namin bilang janitress ..are you following me?" wow

"Bakit naman ako mag aaksaya ng panahon sayo? Kailangan ako ng mga magulang ko kaya hindi na ako maglalaan pa ng oras dyan sa mga kayabangan mo"

"Why? What happened to them?"

"None.of.your.bussiness"

"pschh"lumampas na sya at naglakad palayo

"Salamat naman at umalis na din" sinigaw ko yon para marinig nya

Natapos na akong maglinis at maaga pa kaya naman nakapagtarabaho pa ako sa bar at pagkatapos ay dumaan na ako kay papa.

Kinabukasan ay maaga ako sa opisina at ang lakas ng bulungan nila na mapapalitan daw ang boss namin

"Hey guys, attention everyone..I would like you to meet mr. Custoñeda, he will be your new boss dahil aalis muna ako for 3days." Mr. Salazar said, our boss

Nasa kalagitnaan ako ng trabaho ko nang marinig ko ang malakas na tilian ..pschh malalandi choss baka nga naman may gwapo

Tumayo ako ng konti para makita kung sinong tinitilian nila...It's him..nagkaron kami ng eye contanct for 5 seconds dahil agad na akong umiwas at bumalik sa trabaho napansin ko ang pagkunot ng noo nya at ang pagtataka sa mga mata nya...ano bang pake nya

Pumasok ako sa opisina ni Mr. Salazar para magpapirma ng ilang dokumento

"Uhmm sir you have to--" umikot ang swivel chair at nagulat ako "What are you doing here?"

"Your boss is not here so ako muna dito and I should be the one asking you that"

"Wala.kang.pake.!"
Tumayo sya at nilapit ang muka nya sakin kaya napaatras ako

"I--You're right bakit nga naman kita pakekealaman" Gosh buti naman

"Aalis na ako pakisabi kay sir kailangan nyang pirmahan toh" tumango lang sya at pagkatapos ay umalis na ako

Nasa Super-K bar ako ngayon doing my job

"Hey miss three bottles please" nang mailapag ko ang bote ay aalis na sana ako nang hawakan nya ang isang hita ko kaya agad ko syang nasampal

"Bastos!''

"Come on miss don't act like an innocent angel"hinila nya ako habang nagpupumiglas ako pero mas hinigpitan nya pa ang kapit hanggang macorner nya ako sa sofa

"Ano ba bitawan mo nga ako!!" sigaw ko pero mukang walang bakakarinig dahil sa lakas ng music
Hahalikan na sana nya ako kaya napapikit na lang ako sa pandidiri ngunit lumipas ang ilang segundo ay nakarinig ako ng pagbasag ng bote minulat ko ang mga mata ko and there I saw Thunder holding a broken bottle at yung lalaking bastos ay nakahandusay na sa sahig

Matatalim ang mga tingin na binigay nya sakin tsaka ako hinila sa sofa at sinakay sa kotse nya

"Ano ba talagang ginagawa mo dun?" tanong nya

"Kailangan ko ng pera"

He laughed bitterly "Kaya mo ba ako iniwan noon? Hindi pa ba sapat at kailangan mo pa ng marami?" kumunot ang noo ko sa sinabi nya

"Ibaba mo na ako wala akong--"

"B*llsh*t! palagi naman diba? Lagi ka na lang walang panahon para makipag usap sakin"

Napalunok ako sa sinabi nya "Tumigil ka na Thunder wala naman na tayong pag uusapan pa eh..we're both immature during that time"

"I don't think so Ivy" Ivy..I miss that name

"Stop"

"Tell me bakit ka umalis?"

"I said stop!!" biglang nagring ang cellphone ko kaya natahimik kami pareho

"Hello ma"

"Anak ang papa mo"

"P-po? A-anong kay papa?"

"Critical daw ang lagay nya ngayon"

"Papunta na ako"

"Thunder pwede bang sa General Hospital tayo?" kahit nagtataka ay tumango na lang sya

Nakarating kami sa hospital akala ko ay hindi na sya susunod pero sumunod pa din sya

"Ma!" agad akong niyakap ni mama habang umiiyak

"Ano pong nangyari?"

"Maayos na daw ang lagay nya ngayon pero anak hindi na natin kakayanin ang gamot nya" umiling ako

"Ano ka ba ma? Kayang kaya natin toh, may naipon akong pera ako na muna ang magbabayad"

"Pero anak sayo yun"

Nginitian ko ang mama ko "Hindi ma, para kay papa toh"

"TJ?" tanong ni mama

"Opo ako nga po.." Nginitian lang sya ni mama at pumasok na sa loob ng kwarto ni papa

"uhmm salamat nga pala..makakaalis ka na"

"Tinataboy mo ba ako?" tanong nya

"Hindi naman sa ganon --" tumalikod na sya at naglakad papalayo

"Thunder.." tawag ko pero hindi nya narinig
"Sorry.."

TIME IS ALL WE HAVE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon