Sa hilaga, sa timog, sa kanluran o sa silangan
Saan nga ba ako patutungo?
Ako'y naguguluhan, nalilito
Saang direksyon nga ba ako dadako?Maglakad tayo patungong hilaga
Kung saan ang mga tao raw ay "mahalaga"
Respeto ng mga tao'y kanilang nakuha
Di n'yo alam magnanakaw pala ang walanghiyaDoon naman tayo sa timog
Kung saan ang mga tao'y lugmok na lugmok
Karangyaan kaya'y kailan mararanasan
Kung buong buhay sila ay pinapahirapanSa silangan at kanluran ano kaya ang mayroon?
Mapanghusgang mga mata'y aking nakikita
Huwag kang titingin pagka't ikaw ay huhusgahan
Sa hilaga,sa timog, sa silangan o kanluran? Nasa iyo ang desisyon-Blabla-achuchu
YOU ARE READING
Poems for Myself
PoesieIto'y mga tula na ginawa ko lamang para sa aking sarili. Para ilabas ang aking saloobin.