"Karagatan"
Noon ako'y naglalakad sa dalampasigan
Kasabay ng pag-ihip ng hangin, humahampas ang alon sa aking mga paa
Tila napakalinis ng lugar na ito
Natitiyak kong inalagaan ng maayos ang lugar na ito.Lumusong ako sa dagat
Natagamtaman ng aking mga labi ang alat
Sa aking muling pagmulat
Napagmasdan ko ang gandang nakakahalina sa tuwina
Muli akong pumikit, ninanamnam ang sandaling kay rikitIdinilat muli ang mga matang mapag-usisa
'Di alintana ang hapdi makita lamang ang iba't-ibang isda
Tila napakapayapa sa ilalim
Katulad ng pagpapahinga sa lilim
Lubos na nakakagaan ng damdaminSa mabilis na pagtakbo ng oras
Tila kasabay nito ang pagbago ng kapaligiran,
Mali-hindi pala ang kapiligiran bagkus ay ang mga naninirahan
Nakakabahala ang pangyayari
Kay daming tanong at tila 'di ko mawariHuwag naman sanang mangyari ang kinatatakutan
Huwag sanang maglaho ng tuluyan
Baka sa ala-ala na lamang makikita at matatandaan
Ibang dalampasigan na kasi ang aking nasilayanSa muling pagtapak ng aking mga paa sa buhangin,
kasabay ng pag-ihip ng hangin
Naninikip ang damdamin- unti-unting nasisira ang tanawinInihakbang ko muli ang mga paa
Kamuntikan pa akong madapa
Iba't-ibang plastik at basura ang naapakan
Bakit hindi ito itinapon sa basurahan?Gusto ko sanang lumusong at lumangoy
Ngunit mas mabuti pa sigurong wag nalang tumuloy
Ako'y nandidiri at napangiwi, nakakapanaghoyAng dating asul ay napalitan ng itim na kulay ng tubig
Hindi ito ang dagat na minsan ko ng inibig
Kitang-kita ko kung paano isa-isang lumulutang ang mga isdang patay na
Kung nakakapagsalita lang sana sila
Sigurado akong ito ang sasabihin nila
"Kailangan niyo kami upang mabuhay ngunit bakit 'di n'yo pinahalagahan ang dagat na siyang sa amin ay nagbibigay buhay?"Kay daming bibig ang nabusog
Katawan ay kay lusog
Ngunit bakit ang dumi'y dito sinasabog?
Lubos tayong pinagpala
Nakakabahala baka maglaho ito na parang bula
Gayunpaman panahon sa siguro upang tayo'y kumilos nang hindi mawala
YOU ARE READING
Poems for Myself
PoetryIto'y mga tula na ginawa ko lamang para sa aking sarili. Para ilabas ang aking saloobin.