"Miss Mendez, are you free after your class?" tanong ng lecturer namin sa MAPEH sa kaibigan kong si Ana. But we used to call him Yanna.
"Yes sir. Bakit po?" inosenteng tanong niya pabalik.
"Magdedesign tayo ng costume para sa nalalapit na contest ng grade 9 dancers. Anyways, magsama ka ng tatlo sa mga kaibigan mo ha? Para mabilis tayong matapos," pagpapaliwanag pa ni Sir. "And don't forget to bring scissors. Kasi kung wala kao nun mag-aagawan kayo. I got to go." dugtong niya pa at tumalikod na.
"Pst. Krisha, Ellycka and Liliana! Sama kayo sa akin ha!" sigaw samin ni Yanna. Nagkatinginan kaming tatlo at sabay sabay na tumango bilang sagot.
Masaya 'to panigurado bihira lang ako makalabas ng bahay. Taong bahay kasi e. Tsaka mas okay na din siguro kasi para magkaroon kami ng bago kong kaibigan.
Noong uwian napagpasyahan naming magkakaibigan na kumain sa Lucky A. 'Yon yung palaging kinakainan naming magbabarkada. Palagi kaming dumidiretso dito after ng school.
Nagulat kami ng lumapit samin si Jaiden-yung kaibigan naming lalaki. Taga ICT club siya just so you know. Naisipan niya ding sumabay sa aming kumain sa Lucky A.
Sa una nahirapan kaming makaupo. Ang dami kasing tao e. Dinudumog palagi dito lalo na kapag uwian. Nagkakaroon ng unahan sa upuan. Kailangan makipagunahan sa mga estudyante na kakain din doon. Katamtaman lang naman ang laki ng Lucky A.
Lucky A? Isa kasi 'tong internet cafe. So sa una pagpasok mo, bubungad sayo yung tables and chairs tapos sa pinakadulo na yung mga computers. Kapag walang space sa bungad, that means sa dulo ka. Pwede naman dun kasi bihira lang ang tambay. Masarap tumambay kasi malamig. May aircon.
Madami silang binebenta dito pero dahil palagi kaming gipit sa pera, pastil ang inoorder namin tuwing pumupunta kami dito.
Kasalukuyang nago-order si Ellycka (Lycka for short) ng makakain namin nang may mga pumasok na estudyante. Dalawang babae at apat na lalaki. Nakauniform din sila katulad namin. Pero ang kaibihan, may long sleeves anv kanila. Mapababae o mapalalaki. I guess taga Heart Academy din sila.
Pero may isang lalaki ang nakapukaw ng atensyon ko. Sobrang anghel ng mukha niya. Gusto kong sabihin na sobrang perpekto niya pero naniniwala ako sa 'Nobodys Perfect'.
Matangkad siya, makaagaw pansin ang brown eyes niya sa sobrang ganda. Matangos din ang ilong niya at mapupula ang labi. Tapos yung kulay niya, katamtaman lang. Sobrang kapal ng kilay. Argh. Nakakadistract ang mukha niya.
Napansin ni Jaiden ang tinitignan ko, or should I say tinititigan?
"Si Kendrick ba? Member din siya ng ICT club." sabi niya.
"Ah. Matalino ba siya?"
"Uh-huh. Sobra. Crush mo?"
"Naku! Hindi ah!" sabi ko sa kanya. Totoo naman nadidistract lang ako sa kanya 'cause hes almost perfect.
"Sus!" laking gulat ko ng sumali na din sa panunukso sila Yanna. Omy.
Ilang sandali pa dumating na ang order namin. May bigla akong narinig na tugtog. Masarap pakinggan sa tenga. Pagkalingon ko, yung kaibigan ni Kian tumutugtog ng gitara.
Ha? Akala ko ba member siya ng ICT club pero parang mukhang hindi lang yung barkada niya yung magaling maggitara.
"Bukod sa pagiging member ng ICT club, member din siya ng music club." pagpapaliwanag ni Jaiden na tila nababasa ang tanong sa isipan ko. Napatango ako.
Kahit nad-distract ako nagfocus pa din ako sa pagkain. Pero minsan talaga hindi ko mapigilang mapalingon sa pwesto nila. Bawat minuto napapalingon ako.
Nung matapos kaming kumain napag isipan nila Lycka na bumili ng shake.
Habang naghihintay, lumilingon lingon ako sa pwesto nila Kendrick . Yung kaibigan niya tumtugtog tapos siya, kumakanta ng Perfect.
Ang sarap sa tenga pakinggan ng boses niya. Parang pampatulog. Feeling ko makakatulog ako sa pagkanta niya. Sobrang soft lang.
Pero hindi ko inaasahan na sa pagtitig ko sa kanya ng matagal ay magkakasalubong ang mga tingin namin kaya naman napaiwas agad ako ng tingin.
Yes. He's almost perfect siguro nadagdag siya sa listahan ng crushes ko. Pero kahit na madami akong crush, loyal pa din ako sa isang tao. Kaya as much as possible ayaw kong mafall sa taong hindi ko pa kilala. Mabilis kasi akong mafall. Sabi nila sobrang rupok ko daw.
Nakuha na nila Mariel ang shake nila, ininom muna nila 'yon. Sampung minuto bago kami umalis sa Lucky A. tinitigan ko ulit siya.
Nasa kanya na yung gitara. Kung nung kanina sobrang soft ng boses niya, ngayon kinikilabutan ako sa pinaghalong ganda at lambot ng boses niya.
Nung una nags-strum lang siya ng gitara pero kumanta na siya. Labis ang pagkagulat ko ng inangat niya ang tingin sa akin. Nakangiti habang kinakanta ang liriko ng kanta.
"Di na muling luluha
Di na pipilitin pang ikaw ay aking ibigin
Hanggang sa walang hanggan
Di na makikinig ang isip ko'y lito
Malaman mo sanang ikaw ang iniibig ko."Naramdaman kong uminit ang magkabila kong pisngi. Kaya iniwas ko ang tingin ko. Nahalalata niya kaya na kanina pa ako nakatitig?
'Pag lingon ko nakatitig pa din siya sa akin habang nakangiti at kumakanta. Para bang nililigawan niya ako sa pamamagitan ng harana.
Dahil hindi ko na kinaya napalingon nalang ako sa pwesto nila Krisha. Wooh. Grabe. I admit, nakakakilig.
Ilang beses akong napapalingon pero nakatitig pa din siya sa akin. Nakangiti at kumakanta.
"Tara na?" tanong ni Krisha na nakapagpabalik sa akin sa reyalidad na may gagawin pa kami sa school.
"Uhh. Jaiden una na kami ha? Gagawa pa kami ng costume e."
"Sige. Ingat kayo ha?"
"Sige ikaw din."
Sa huling beses, sinulyapan ko si Kian narinig kong nagbiro ang kaibigan niya. Oo tumawa siya. Pero nakatingin sa akin.
Dahil hindi ko na ulit kinaya, binuksan ko na ang pinto at lumabas na. Doon ako tumalon talon.
Tinanong nila Krisha kung anong nangyari kaya kinuwento ko sa kanila.
"Swerte mo girl!" sabi ni Yanna. Tama siya swerte nga.
Sobrang swerte.
Akala ko nung panahong 'yon ay siyang beses na huli ko siya makikita pero hindi.
Sobrag swerte ko nga talaga.
Alam niyo kung bakit?
Dahil hindi ko inaasahan, na dahan dahan kaming pagtatagpuin ng tadhana....
Dahan dahan...