It's true. It's true that once you became happy you might be drown into problems after you've done that.
Lahat ng saya, may kasunod na lungkot. Lahat ng lungkot, mapapawi at mapapalitan ng kasiyahan. Vice versa.
Bibigyan ka ni lord ng panahon para magsaya pero pagkatapos, kailangan mo'ng harapin ang mga problema mo.
Hindi sa lahat ng oras, pwede kang maging masaya. Bawal ring magpakasaya ka.
Kasi parte ng buhay mo ang mga problema.
"What the heck! Are you serious Liliana?!" sigaw ni Ana ng ikuwento ko ang nangyari kagabi.
"Did you see any hint for me to joke? In this case, joke isn't be placed."
"Sorry, I'm just shock. You're just turning 16. Wala ka pa sa legal age pero pumayag si tita na ipakasal ka? Against sa law and church 'yon right? You must be on legal age before you get married." singit ni Ellycka. Tumungo lang ako sa desk.
"I'm damn tired of thinking." pagkatapos kong sabihin 'yon, walang nagbantang guluhin ako kasi alam nila na ayaw ko muna'ng makipag-usap kapag pagod ako.
I'm not physically tired. But mentally tired.
Buong klase nakatulala lang ako. Namalayan ko nalang ang sarili ko na naglalakad papuntang Cafeteria.
"Anong order niyo?" tanong ni Jaiden pagkaupo namin. Teka! Bakit siya nandito? E kami lang magkakasama nila Ana, a?
"O ayan Liliana, sa sobrang lutang mo hindi mo na namalayan na nandiyan si Jaiden." humalakhak pa si Ellycka.
Hindi na ako sumagot at hinayaan nalang sila.
Bakit ba kasi ang lupit ng kapalaran ko? Ayaw ko pang matali at mas lalong ayaw ko magpatali sa taong hindi ko naman mahal .
Sigh. Ano bang pumasok sa isip ni maka at bakit ako pa? Bata pa ako. Madami pa akong gustong abutin.
"Bakit ba kasi tulala si Liliana?"
"Basta, siya na tanungin mo."
"Hindi niya ginagalaw pagkain niya. Ano ba talagang nangyari?"
"Edi gulatin mo duh."
"Ikaw nalang Ana baka magalit."
"Luh ikaw na. Ikaw naman may gusto e."
"Nakakatakot, ngayon lang siya naging ganyan."
"Liliana!" halos mapatalon ako sa gulat ng tawagin ako ni Krisha.
"Nakakagulat ka naman Krisha."
"Liliana..." pag-umpisa ni Jaiden.
"Hmm?"
"Kanina ka pa tulala. May problema ba?" he asked that made me stiff for a while. "Ayos ka lang?"
"Nahihilo lang ako." shoot it's a lie. Palusot na naman, Liliana. Binaling ko ang tingin ko kina Ana na mukhang disappointed sa hindi ko pagsabi ng problema ko kay Jaiden.
Look, hindi ko gusto na pati si Jaiden p-problemahin ang sarili kong problema. Ayaw ko na mag-alala siya.
"Ha? Bakit ngayon mo lang sinabi? Tara samahan kita sa clinic." sabi niya at umambang tumayo pero pinigilan ko siya.
"No, okay lang. I'm way better right now." pangkukumbinsi ko at nagpanggap na masigla kahit na hindi ko alam kung gagana. Being worried is written all over his face.
"Sure ka?" tumango ako. Narinig ko abg pagkawala niya ng isang malalim na hininga.
~✩~
Pagkadating ko sa bahay, umakyat ako sa kwarto at ginawa ang daily routine ko. Bumaba lang ako ng marinig ko ang pag-alingawngaw ng tunog ng doorbell.
Bumungad sa akin ang mukha ni Ate at Kuya. Pumasok sila at dumiretso sa living room. Sinara ko ang pinto at paakyat na sana papunta ng kwarto nang tawagin ako ni Kuya.
"Liliana..." napahinto ako sa pag-hakbang pero hindi ko siya nilingon. "Can we talk?" ngayon ay napalingon na ako sa kanya. Para saan? Alam ko naman na hawak sila sa leeg ni Mommy.
Umiling lang ako at pinagpatuloy ang pag-akyat kahit na tinatawag niya ako.
Suddenly, when I enter my room a tear fell from my eye. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako.
~✩~
Naalimpungatan ako ng marinig ko ang mahinang pagtawag sa pangalan ko at sunod-sunod na katok.
"Liliana, wake up. You need to eat." napabangon ako sa higaan ng marinig ang boses ni ate.
"Yes, I'm going down stairs. Wait fof a while." saad ko at nag-punta sa bathroom para mag hilamos.
And then I saw my face. Mukha akong zombie! Geez. My eyes are a little bit red and my hair is so messy!
Pagkatapos kong maghilamos ay bumaba na ako. Naghihintay pala silang lahat sa hapag kainan. I thought, ako nalang ang hindi kumakain.
Umupo ako sa upuan katabi si ate. Nang magsimula na kaming kumain, walang nagtangkang magsalita. Binilisan ko ang pagkain ko para makaakyat ako kaagad.
Nakakapanibago. Dati maingay kami kapag kumakain e.
Pagkatapos kong kumain ay tumayo ako pero pinigilan ako ni daddy.
"Sit down..." he ordered seriously and all I can do is to command him. "We will be having a dinner with Carson's." halos matumba ako sa upuan ng banggiting iyon ni daddy.
"Little sis, so--" Ate is about to say she's sorry but Mommy interrupted her from what she is saying. Tinignan ko si Kuya na ngayon ay tahimik na nakatingin din sa akin. Bakas sa mukha niya na ang pagka-guilty.
Wala akong magagawa nor Mommy, Ate and Kuya. Hindi nila 'to ginusto, alam ko. Pero kapag sinabi ni Daddy, ay masusunod.
"Okay..." I said and immediately go to my room.
I think, I really don't have a choice.