Chapter 3

5 1 0
                                    

Pauwi na kami ngayon nila Ana, nagkukuwentuhan tungkol sa mga pangyayari kanina.

Ang ganda ng araw ko, diary. Charot. Pipay lang ang peg.

Pero seryoso, hindi ko na mabilang kung ilan 'yong binigay sa akin ni lord na blessings ngayong araw. Napakasuwerte ko. Para tuloy akong kukuhain ni lord. De jk. Bata pa ako at may pangarap hahaha.

Grabeee grabeeee. Sumasakit tuloy bangs ni Ellycka! Char.

Hays baka hindi ako makatulog ng maaga neto.

"Lilianaaaaaaaaaa!" What the fudge. Sakit sa tenga ha.

"Ano ba? Ingay niyo!" Inirapan ko sila. Heh! 'Wag nila ako guluhin! Nagm-moment pa ako. Ang laki ng exposure ko dito oh.

"Huwaw. Nagsalita ang hindi maingay. Ano bang nangyayari sa'yo? Parang wala ka sa sarili at tulala ka?" tanong ni Ana.

"Syempre ano pa ba? Hindi pa 'yan nakakamove on sa nangyari kanina nuh! Ikaw ba naman biyayaan ni lord ng madaming blessing sa isang araw." sabi pa ni Krisha.

"Itong si Ellycka, natahimik bigla. Huy! Anong nangyari sa'yo?" napatalon si Ellycla ng gulatin siya ni Ana.

"Anyare sa'yo bruha?"

"Eh kasi..."

"Kasi?" kinakabahan 'kong tanong. Mamaya siya pala 'yong kukunin ni lord. Charooot.

"Ano..."

"Ano?"

"Uhm..."

"Uhm?"

"Punyeta! Ano ba talaga? Naglolokohan tayo dito e." kinotongan siya ni Ana.

"Aray! Ito naman eh! Kamukha kasi nung babaeng kausap ni sir palagi 'yong ka-gc ko sa wattpad. Eh nanay nanay-an ko 'yong kamukha niya at malaki ang gap namin ngayon kasi nagkaroon kami ng problema."

"Oh? Taga saan ba 'yon? Patingin nga ng picture." sabi ko. Nilabas niya yung cellphone niya para ipakita sa amin. May hawig nga.

"Taga-Taguig din. Sa Tipas."

"Baka naman siya talaga 'yon. Malay mo 'di ba?"

"Hayaan na. Matagal ko ng pinutol koneksyon ko sa kanila." sabi pa niya. Alam naming hindi siya sang-ayon sa sarili niyang desisyon pero wala kaming magagawa. Buhay niya 'yan kaya susuporta nalang kami.

Nang makarating na kami sa subdivision namin, naghiwa-hiwalay na kami. Iisa lang ang subdivision namin pero magkakaiba ng street.

Nang makarating ako sa bahay wala akong naabutan. Baka nasa galaan pa si kuya at may practice na naman si ate. Si mommy at daddy naman nasa trabaho kaya ginagabi.

Hindi naman kami mayaman. Hindi rin mahirap. May kaya oo. May business kasi si mommy. 'Yong bahay namin hanggang second floor lang. Mas okay na 'yonbkasi kapag malaki ang bahay, magkakalayo 'yong loob namin sa isa't isa. Kaya hanggang second floor lang talaga.

Dahan Where stories live. Discover now