Chapter 2

12 2 0
                                    

"Anong grade ka na?"

Anong grade ka na?

Anong grade ka na?

Anong grade ka na?

Apat na salita at labing apat na letra lang 'yon pero ang laki na nang epekto sa puso ko. Charot! I'm gonma write this sa diary ni Pipay na! *insert Kris Aquino's voice* Char. Sa diary talaga ni Ariela. Chooooos.

Hulaan niyo kung sino nagsabi niyan!

A. Juanito
B. Jeydon
C. Ace
D. Choco

Charot lang ulet. Hahaha.

Grabe talaga. Malapit na ba talaga ang katapusan ko? Grabe si lord e. Ang ganda ng blessing na 'to. 'Yong kinausap ka ng isang gwapong nilalang? Si Eron? Kakausapin ako? Weyt, mahihimatay na ako in 5, 4, 3 , 2 , 1, level up! Charooot. Isa nga'ng ahu nga diyan mga kaigan!

Pero back to reality muna ikaw at ako. Kasi wala nga'ng 'tayo'. Pero merong 'kami' echos lang.

"Ha? Ako?" pagmamamaang-maangan ko pa. Syempre pa-hard to get muna dapat. He nodded as an answer. Yieee. English 'yan ha? "A-ah grade 10."

"Ah. Graduating ka na pala. Sinong adviser niyo?" tanong niya pa.

"Si Miss Clare." I said while smiling. Napa 'ah' ulit siya at pinagpatuloy na ang ginagawa niya.

Nang binaling ko ang tingin ko sa mga kaibigan ko para silang nakakita ng multo na ewan na natatae. Kaya naman nginisihan ko sila na parang nagwagi ako. Kaso kinurot nila ako.

"Aww!" daing ko kaya napatingin sa akin ang dancers. "May langgam. Kinagat ako." pagpapalusot ko. Nang binalik na nila ang atensyon sa ginagawa, sinamaan ko ng tingin ang mga kasama ko na natatawa na.

Ilang minuto pa ang lumipas, inutusan ni sir si Julian na bumili ng makakain at maiinom kaya naman pinasa niya kay Eron ang lapis na gamit niya at inutusang tumabi sa akin.

Shems. Feeling ko talaga malapit na ang katapusan ko. Waaaaaah.

Habang gumagawa ako, may mga tingin talaga na nanunukso e. Kaso mero'ng isa hindi na yata nakapagpigil.

"Kyaaaaaaah! Kinikilig akooooo sa inyoooo! Bagay kayong dalawa! Maganda ka, gwapo siya! Yieeeee. Ako nga pala si Jenina!" tili niya habang natalon at nakisabay na din sa panunukso ang iba sa pamamagitan ng 'ayieeee'. Uy shet. Bagay daw kami ayiee. Ahu! Ahu!

"Yieee Eron, ngingiti na 'yan!" panunukso pa nila.

"Uy grabe kayo. Hindi naman eh." depensa ko pa pero mas lalong umugong ang malakas na tilian. Anong meron sa sinabi ko? Bakit sila natili. Shet. Mababasag ng ear drums ko huhu.

Nang humupa na ang panunukso nila, pinagpatuloy na ulit namin ang mga gawain. Kaso mabait talaga kasi si lord.

"Teacher mo si Sir Alex?" tanong ni Eron habang nagd-drawing na siyang kinagulat ko.

"Uhm, oo." gulat pang sagot ko.

"Anong subject?"

"English."

"Ah ganon? Pakisabi sa kanya miss na siya ng pinakagwapo niyang kaklase. Kilala ako non hahaha." sabi niya pa.

"Teka wait. Lumakas bigla yung hangin. Chos. Oo nga pala nuh? Dating grade 9 teacher si Sir Alex."

"Grabe siya oh. Hahaha promise sabihin mo nga, alam niya na ako 'yon. Yup. Sira 'yon e. Parang baliw pero minsan, may dalaw. Hahahaha."

"Trueee. Hahahaha" nagkukuwentuhan lang kami nang dumating si Julian at pabagsak na inilagay sa lamesa 'yong pinamili niyang pagkain at inumin.

"Kain na guys." sigaw ni sir.

"Uy, kain ka na." sabi sa akin ni Eron.

"Ah. Mamaya na. Sabay na kami ng mga kaibigan ko." saad ko at pinagpatuloy ang ginagawa kaya umalis na siya para kumain.

'Yong mga dancers nasa baba, kami nila Ana nasa taas. Hindi pa naman kami gutom. Tsaka as much as possible, gusto naming matapos ito agad para makauwi kami ng maaga.

"Oy teh. Grabe ha? Parang may sarili kayo'ng mundo kanina noong nag-uusap kayo." panunukso ni Ana.

"Truelalooo. Hindi niyo napapansin, tinititigan kayo ng dancers." panggagatong pa ni Krisha.

"'Di nga? Weh? Wala naman akong naf-feel na may nakatitig sa amin kanina e."

"Syempre. Wala kang pakialam kasi magkausap naman kayo. So, kilig ka na niyan?" tanong ni Ellycka.

Pinaglapit-lapit namin 'yong mga ulo namin para walang makarinig sa sasabihin ko.

"Oo." mahinang bulong ko kaya nagbungisngisan sila.

"Girls! Kain na kayo!" sigaw ni sir na nasa baba.

"Hindi muna sir! Mamaya nalang! Salamat!" sigaw ni Ellycka.

"Ay nako! Bumaba na kayo dito at baka malipasan pa kayo ng gutom." pamimilit ni sir kaya napakain na din kami ng wala sa oras.

Pagkatapos kumain, ipinagpatuloy na namin ang mga ginagawa at ilang sandali pa ay pinababa na ni sir ang mga dancers para magensayo.

Napagdesisyonan din namin na panoodin muna silang mag-ensayo hanggang sa matapos ang isang buong kanta at ipagpapatuloy na ang gawain.

Bale ang mga costumes palang na gamit nila ay 'yong mga tela na nakakabit sa mga daliri nila.

Maganda ang sayaw nila. Halatang pinaghandaan talaga at pinagplanuhan. Kahit na kakarampot na tela lang ang gamit nila ngayon, nakadagdag pa rin ito sa kagandahan ng kanilang sayaw. Sabayan pa ito ng magandang ritmo ng musika. Mapapasayaw ka nalang din talaga.

Kagaya ng napagdesisyonan, ipinagpatuloy na namin ang mga gawain matapos ang isang kanta.

Si Julian, missing in action pagkatapos pabagsak na inilapag sa lamesa yung pagkain at inumin.

Nang matapos ako sa pagguhit, tinulungan ko sila maggupit ng mga ginuhit ko. Sa kalagitnaan neto, may napansin aking guhit na may pirma nila Eron at Julian.

"Guys oh." turo ko sa guhit na may pirma.

"Oh ano 'yan? Pirma nila Eron at Julian?" tanong niya.

"Yup."

"Oh? Anong gagawin natin diyan?"

"Shunge ka talaga malamang, gugupitin para may remembrance!"

"Oo nga nuh?"

Tadaaaaah. Ginupit nga namen *evil laugh* Ilalagay ko 'to sa baul ni lola basya! Charoooot hahahaha. May baul ba 'yon? Kapamilya ako e hahaha. Charot lang ulet. Syempre ilalagay ko sa ginawa kong chest piece. Yieeee. Isa 'to sa mga dapat pinagyayaman. Chos hahaha.

Pagkatapos ay nagpaalam na kami kay sir na uuwi na dahil baka hinahanap na kami.

Hays. Ang ganda ng araw na 'to. Ang sayang umuwi ng may ngiti sa labi.

~*~

📖 : aestheticshelle
📷 : itsmeaestheticshelle
🐦 : @keyshellewp

Dahan Where stories live. Discover now