2:25 | 23

149 70 66
                                    

"Supernatural events are so damn cool!"

"Iyon nga daw idi-discuss ni tanda, eh."

"Oo, kaya! Tas may pa-powers powers ka pa!"

"Siguro mas pipiliin ko ang invisibility para 'di na ako uutusan ni mama!"

"Hahahaha! Fire naman akin. Para kahit maitim ka, ito-toast pa din kita, hehe."

"Ano 'yun?"

"Hah?"

"Hatdog."

"Hahahahaha!"

"Tangina ang ingay niyo."

Ipinikit ko yung mga mata ko habang inilagay yung headphones sa aking tainga. Nilakasan ko pa ang volume para mas lalong hindi sila marinig. Tsk, ang iingay, eh! Parang mga bata. Parang ngayon lang nakarinig ng salitang 'supernatural'. First time?

Sakto naman ay nasa pinakadulong upuan ako ng klase at free time namin ngayon. Wala si tanda, yung teacher namin.

I stared at the outside window for a while. May mga bata, masasaya sila. May nagtatakbuhan. May mga kaibigan. However, it's like feeling a sense of loss- parang hindi ako masaya. Parang may kulang. I kept on snatching a glance at my phone na parang naghihintay ng- okay, erase erase! Blah, blah, blah!

Duh! Sino ba naman kasi ang hinihintay kong magcha-chat sa akin tapos may magpa-pop up na chat sa screen? Tanga lang?

Gaga, binlock mo tapos nagpapahabol ka? Tsk.

Nakakainis naman kasi.

Ang creepy na nga ng tao tapos naghihintay ka pa ng messages? Remember Luna, you blocked that jerk. And what's worse, you will never ever gonna find him.

Tender iyon, so meaning, suwerte na lang kung magtatagal pa yung mga tao. Ghad! Sino ba kasi siya? Bakit ba napaka-mysterious at napaka-strange niyang pakisamahan? Paano niya ako nakilala? What does he mean that he knew every single detail about me? Loko-loko ba siya? Takas sa mental? Sayang, mukhang papi pa naman- may tama nga lang.

Arghhh!!!
Badtrip.

I was about to stand up when my phone beeped for a second. It was a new notification.

- Napakunot ako ng noo nang wala sa oras. Isang friend request?

You have received a new friend request.

───═───
swipe to proceed.
───═───

2:25Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon