2:25 | 27

173 70 148
                                    

reincarnation is a belief that a dead person's spirit returns to life in another body...

"Alright, class dismiss."

Tulala lamang akong nakatitig sa labas ng bintana ng klase. Iyong mga salita lamang ang siyang narinig ko mula sa aking tenga. Laman lang ng utak ko ang mga katanungan na tanging si miss-

"Uy, Luna. 'Diba hinahanap mo si miss Cosima kanina? Bakit nga pala?"

Agad akong namulat sa wisyo nang magsalita ang katabi ko, si Henrietta. Dali-dali akong humarap sa direksiyon nito kasabay nang pagtingin sa mga taong papalabas na pala ng klase.

"Hala! A-anong meron? Anong oras na ba?"

Tumingin muna siya mula sa kanyang relos bago ibinaling sa akin ang atensiyon, "12pm na, lunch period."

Shit, yung teacher-

"Si miss Cosima, n-nasaan siya?"

Lumilinga-linga ito bago nagkibit-balikat. "Hindi ko na alam, eh. Umalis kasi siya pagkatapos. B-bakit-"

"Sige, thank you!"

Agad akong umalis ng room na para bang wala ng bukas bago hinanap yung teacher na hindi ko na naabutan pa.

"U-uy Luna!"

Kasi naman, eh! Tulala na naman ako kanina! Ni hindi ko pa nga tuloy namalayan ang oras na lunch break na pala namin.

"Reincarnation...soul rebirth...Calix." Agad kong naalala kung saan siya puwede huminto- sa office pala niya.

Mabilis akong lumiko sa west wing ng hallway. Hindi ko iniinda kahit na pagtinginan pa ako ng maraming tao. Pake ko sa kanila? Hindi naman sila ang makakasagot sa katanungan ko, eh. Psh. Tsaka pake ko kung mas maganda naman ako?

Isinantabi ko muna yung Calix na ngayon mula sa Calix na dati. I need their past story bago ko i-connect ang lahat-lahat. Nakakagulo kasi.

Agad naman akong napangiti nang makita yung office niya na nandodoon pa sa pinakadulong corridor. "Sa wakas..."

Sa sobrang pagka-excited, pinihit ko nang walang anu-ano ang doorknob- only to find out na wala palang tao ang nasa loob.

Para tuloy akong pinanghinaan ng loob. Wala na, finish na.

"Anong kailangan mo?"

"Ay palaka!"

Kamuntikan na akong mapatalon dala ng gulat dahil sa nagsalita- "M-miss Cosima..." Yumuko na lamang ako dala ng pagkapahiya. Hindi ko alam na mas nauna pa pala ako sa kanya. Nagmukha lang tuloy akong baliw!

"M-may sasabihin po-"

"Tara sa loob."

Hindi na ako nakatapos mula sa pagsasalita kung kaya't agad na lamang akong napasunod sa kanya hanggang loob. Nakakatakot naman 'yong teacher na 'to! Huhu, kasalanan talaga 'to ni Sol, eh! Magtutuos kami mamaya, hmp!

"M-may itatanong lang po sana ako about-"

"About 40 years ago?"

2:25Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon