2:25 | 42

90 35 101
                                    

Hindi ko na mabilang pa kung ilang beses na ako napabuntong-hininga. Ni hindi ko na nga rin maramdaman ang aking sarili dala ng kaba at takot. Thoughts and pessimisms like, what if hindi sumipot dito si Calix? What if nakikita niya ako pero 'di ko naman siya nakikita? What if... hanggang bukas na lang pala ako?

What if lahat ng 'to ay panaginip lang?

Mahina ko tuloy binatukan ang aking sarili dala ng mga iyon. Hindi ko pa nga siya nakikita pero ganito na kaagad ang mga naiiisip ko.

Hmm...

Guwapo kaya siya? May hitsura? "May girlfriend na kaya 'yon- aish Luna, ang babaw ng mga tanong mo!" Luh, para talaga akong baliw dito. Bakit ba kasi kailangan pa 'tong mangyari?

Ang tanga ko pa talaga, huhu! Tinanong ko pa yung bilang ng mga bata na gusto ko sa kanya! Ugh! Nakakahiya huhuhu. Sana naman kung makita ko siya, hindi niya na 'yon maalala pa! Hindi ko talaga kakayanin kung ipapaalala niya.

11:30 na ngayon. Masyado yata akong maaga?

Pinagmasdan ko yung lugar kung nasaan ako naroroon ngayon. Madilim. Alam kong hindi ako puwedeng magkamali kung nasaan ang pinuntahan ko. Ito yung binanggit ni Calix kanina na Blackcity sa Southford.

"Pero bakit naman niya dito gusto makipagkita?" Mahinang wika ko. Napakamot na lamang tuloy ako ng ulo.

Ang tanging maririnig lamang dito ay ang ingay na ginagawa ng bawat paghakbang ko. Wala ding kahit anong ilaw na makikita sa kung saan. Parang inabandonang lugar. Tanging liwanag lamang mula sa buwan ang siyang nagbibigay tanglaw sa Southford. Kakaiba. 'Di pangkaraniwan.

Luna.

Nasaan na ba kasi si Calix?

Darating pa kaya siya?

Napatingin muli ako sa relos ko. 11:30. Pero bakit kahit isang anino ng tao ay hindi ko makita? Teka- tao nga ba talaga 'yon?

Tsaka hindi ko pa nga talaga siya nakikita, eh! What if...hindi talaga siya yung nasa profile picture? Paano kung...paano kung pangit talaga siya? Paano kung poser siya?!

Mabilis ko muling iniling ang aking ulo. Kung ano-ano na lang kasi talaga ang iniisip ko! "Teka...hindi kaya maling address yung binigay sa akin ni Calix kaya hanggang ngayon eh wala pa siya?" Naguguluhang sambit ko.

Damn. Siguro nga!

Akma na sanang hahakbang ang mga paa ko nang bigla na lamang magkaroon ng mga ilaw ang paligid.

Ikinagulat ko ang biglaang pag-ilaw ng poste sa tabi ko. Hala- wala namang ganon kanina, ah?

The place where I am right now was already filled with a sparkling neon lights of both blue and violet colors. Those tall trees I haven't seen before were covered with stunning radiance. Halos lahat nang nasa lugar na ito ay pinuno bigla ng mga liwanag at ilaw. Lahat ng bagay na nakapalibot sa akin ay nagbibigay nang iba't ibang kislap. Napakaganda!

Wow. Just wow.

Para tuloy akong nasa loob ng isang fairytale. Nagulat din ako kasi may mga rose petals din sa lupa na hindi ko naman nakita kanina. There were lights around. All of them were glowing. Napuno ang lugar ng liwanag.

2:25Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon