"Naaalala mo pa ba? Noong mga panahong tayo ay magkasama,Panahong una tayong nagkita,
Tayo ay magkalayo sa isa't-isa,Pero pilit gumagawa ng paraan upang tayo ay magkasama.
Pero hindi ko inaakala, na sa una nating pagkikita,
Ay siya rin palang huli na.
Bakit ngayon ay di kana makatingin sakin,
Na dati ay di moko kayang mawala sa iyong paningin.
At bakit ngayon, ay hindi mo man lang mahawakan ang aking mga kamay,
Na dati rati ako sayo ay hindi mo kayang mawalay.
Pero ngayon, heto ka.
Pinaparamdam sakin na ikaw ay may mahal ng iba.
Nakalimutan mo na ba,
Mga pangakong ako lang,
At wala ng iba.
Pero bakit ngayo'y pinapadama,
Sakin sayo ay hindi na mahalaga.
Kitang kita ko saiyong mga mata,
Na ang pagmamahal sakin ay nabaling na sa iba.
Manhid ka ba?
Bakit hindi mo dama,
Na ako ay nasasaktan na.
Please!! Sabihin saakin kung ano ang dahilan upang ikaw ay tuluyan ko ng pakawalan 💔😞"