" Pakasal na tayo?Katanungang nakabaon parin sa kokote ko.
Takot ako!
Takot ako na baka hindi niya gusto,
Hindi niya gustuhin ang lalabas sa labi ko.
"Pakasal na tayo?
Katagang, sa wakas ay nasambit ko.
Mismo pa sa harapan ng maraming tao,
Kita ko,
Kita ko ang bawat pagdaloy ng mga likido,
Likidong akala ko ay tanda ng pag aayaw niya sa sinabi ko
Ngunit nagkamali ako,
"Oo,papakasal tayo"
Abot langit ang saya na nadarama ko,
Wari ba'y hindi ako makapaniwala sa sagot na natanggap ko.
Totoo nga ba ang naririnig ko,
------------------------------------------------
"Pag sang-ayon ba ang pinababatid mo?"
"Hindi"
Ako'y nabuhayan sa taong nasa aking paanan,
"Oh, ina bakit ikay gising pa? Alam mo bang hating gabi na?"
--------------------------------------------------
Panaginip,
Panaginip nga lang ba?
Bakit ganoon na lamang ,
Sagot na kaniyang binitawan,
Kalaunan ay naging Di makatotohanan"
A/N:. Ano kaya ang nangyari,. ? Hmmmmmmmm, hulaan niyo nalang.. siguro naman matatalino reader ko..ahehe
❤😂-JustCallMeLikeAWildFire 🔥