Turingan akong laging sawi sa Pag-ibig,
Madaling madala sa mabulaklak na salitang lumalabas sa kanilang mga bibig,
Hindi naman ako si Venus na siyang diyosa ng kagandahan ngunit bakit lahat sila ako yung hinahangaan.Dahil ba ako'y madaling malilo,
Di patitinag sa mga sinasabi ng mga tao kayat ako'y laging naloloko.Wala akong ibang hinangad kundi pangarap ay matupad
Subalit ng kahilinga'y dumating
Hinahangad niya ay wala sa akin.Ilang araw pa ba akong maghihintay sa tunay na pagmamahal,
Kung ako rin naman ay magiging isang hangal!Ilang tao yung dumating sa bawat dalangin
Pero bakit lahat sila ay puro sinungaling.Ganap na akong isang tanga sa kanilang mga mata
Hinuhusgahan at pinagtatawanan ng madla,
Hanggang kailan pa ba ako magdudusa,
Bakit ba ako ang siyang piniling biktima,
Wala na ba akong ginawang tama para akoy parusahan sa sakit na nadarama.Follow me on Instagram:maricar.laran
Facebook:Maricar Laran Swift Lovato-JustCallMeLikeAWildFire 🔥