REFLECTION

18 0 0
                                    

"Noong una ko siyang makita,
Akala ko'y hindi ako mahuhulog sa kaniya.

Matipuno,makisig at ang mga pilik mata'y mapang-akit.

Oo, may hitsura siya.

At,
Masasabi kong nasasa kaniya na ang lahat na hinahangad ng iba.

Hindi ko masasabing sapat na ang salitang gusto ko siya ,kundi "Mahal ko Na siya"

Hindi ko kayang hanggang tingin na lang ako sa mala anghel niyang mukha.

Gusto ko siyang angkinin kahit pagmamay ari na siya ng iba.

Tama! Maaari ko siyang puntahan ,kung saan una ko siyang nasilayan.

Pagsapit ng dapit hapon kung saan ang ilog sa sapa ay patuloy parin sa magdaluyong.

"Mahal kita"
Ang tanging nabitawan kong salita ng muli kami ay nagkita.

Ngunit, sa kabilang banda,
Batid kong hindi siya tutugon kaya' mas minabuti kong umalis at hindi na muling lumingon.

Pagsapit ni haring araw, si inay at itay ay lagi kong tanaw.

"Ama,Ina. Ako ay may gustong binata,
Ngunit nabatid kong hindi niya ito nadama.

"Anak, Nais kong buksan mo ang iyong natutulog na mga mata, at dooy mamulat ka sa katotohanang ikaw at iyong sinisinta ay iisa. Ikaw ay humahanga sa isang repleksiyon na akala mo ay iba ngunit ikaw at siya ay iisa"

-JustCallMeLikeAWildFire 🔥

Spoken PoetryWhere stories live. Discover now