snapchat

229 0 0
                                    

para sa mga college student, dalawa ang silbi ng computer shop. una, instant library ito para sa mga naghahangad ng mataas na grades. at pangalawa, nagsisislbing itong tambayan para sa mga may mahahabang vacant hour sa klase na malimit ay nauuwi sa "cutting classes" kasi nagkakatamadan ng pumasok sa kasunod na klase. pero para sa mga estudyante na nakatira sa boarding house, ito ay nagsisilbing libangan at pang pa antok pagkalabas sa eskwela. katulad ni Ryan, nakatira siya sa boarding house sa likod ng computer shop. kadalasan, kapag wala siyang pasok sa umaga, maaga siyang naghihintay sa pagbubukas ng computer shop. pagkabukas ng shop, bubuksan na niya agad ang PC7 sabay sabi sa bantay na " dito ako sa PC7. may bibilhin lang ako sa labas." sabay diretso sa labas para bumili ng almusal. may sariling kobyertos at mug na din siya sa shop kasi iniiwan na niya sa shop ang ilang mga gamit niya. habang nag aalmusal si Ryan ay diretso ang paglalaro niya sa computer.

isang umaga, maagap na pumunta si Ryan sa shop para maglaro. pero pagdating nya sa shop ay may nauna na sa paboritong pwesto nya. kaya sa PC 6 nalang siya pumwesto. habang maglalaro siya ay bigla nalang namatay ang PC na gamit niya. tinawag niya ang bantay para sabihin na namatay ang kanyang PC.

Ryan: "kuya Lester, namatay yung PC. di na mabuhay."

dalidaling pumunta si Lester sa pwesto ni Ryan para tignan kung ano ang problema nung PC. 

Lester: " lipat ka nalang muna ng PC. tignan ko muna kung ano ang nangyari dito."

 agad na lumipat si Ryan sa PC3 at ipinagpatuloy niya ang kanyang paglalaro. hindi alam ni Lester kung ano ang naging sira nung PC. at kung sakaling alam man niya ang sira ay hindi din niya ito maayus dahil wala siyang sapat na gamit para ayusin ito. sinubukan niyang tawagan ang mga kaibigan at mga kakilala niya kung meron silang kilala na technician. karamihan sa mga tinawagan niya ay walang kakilala na technician. yung dalawa sa mga kakilala niya ay may kakilala pero nasa malalayung lugar ang mga ito at matagal pa bago makabalik. bigla niyang naalala yung nagbigay sa kanya ng calling card na fresh graduate na technician. agad niya itong tinawagan at sinabing may ipapagawa siya na PC sa kanya. makalipas ang kalahating oras ay dumating yung technician.

Anna:" excuse me po, kayo po ba si Lester, yung magpapa ayus ng PC?"

Lester:" ako nga, ikaw ba si Anna, yung technician?"

Anna:" opo, asan na po yung PC?"

itinuro ni Lester yung sirang PC pagkatapos ay sabay nilang pinuntahan ang PC.

Lester:" eto yung nasira. bigla nalang siyang namatay  tapos di na mabuhay."

tinanggal ni Anna yung takip ng PC at sinilip ang mga wire at iba pang mga bahagi. may inilabas si Anna na mga gamit para ma check yung mother board. maya maya pa ay sinabi niya kay Lester na:" malamang po ay power supply yung sira pero kailangan ko pa po i-check yung ibang parts kasi baka nadamay din sa pagkasira yung power supply. kung ok lang po, kailangan ko po dalhin sa shop ko itong PC para maiayus ko po ng mabuti."

Lester:" sige, pero pano ko malalaman na ibabalik mo yang PC sa akin? gusto ko lang makasigurado kasi eh."

Anna:" kung gusto nyo po sumama po kayo sa shop ko?"

Lester:" ganito nalang, may valid ID kaba diyan? iiwan mo nalang muna dito para lang ako maka sigurado."

Anna:" sige po" pagkatapos ay kinuha niya yung dalawang ID niya pagkatapos ay umalis na siya dala yung PC. 

bago magtanghali ay si Ryan nalang ang natira sa loob ng shop. wala masyado naglalaro kaya wala din siyang makalaro ng counter strike. kaya naisipan niyang makipag chat nalang sa FB. napansin niya na madami ang nag popost sa FB ng mga snapchat pictures. naingit si Ryan sa mga post kaya naisipan din niya na mag post sa FB ng snapchat pictures niya. tumingin muna siya sa paligid niya para tignan kung may ibang tao dahil nahihiya siya mag picture ng may ibang tao sa paligid niya. nung makita niya na walang tao sa paligid niya ay kaagad niyang kinuha ang cellphone niya at binuksan ang snapchat. pinindot ni Ryan ang feature ng snapchat na may tenga at ilong ng aso. pagkatapos ay itinutok niya ang front cam sa muka niya. mayamaya pa ay may lumabas na dalawang set ng tenga at ilong ng aso sa CP niya. isa sa kanya at isa ay nasa katabi niya. nagtaka siya sa nakita niya kaya lumingon siya sa likod niya para tignan kung may ibang tao sa likod niya pero wala siyang ibang nakitang tao sa likod niya. tinignan ulit niya yung CP niya pero dalawang set pa din yung lumalabas sa CP niya. bigla siyang kinabahan kaya dalidali niyang pipindut ung picture tapos pinatay agad yung CP. dalidali siyang nag log out pagkatapos ay umalis sa shop dahil sa takot.




ATDA CORNER: Ang Bantay sa Computer ShopTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon