lamesa

321 0 0
                                    

sa mga computer shop, may mga tinatawag tayong "Peak Hour". ito yung oras na kung saan ay maraming naglalaro at kung minsan ay naka pila pa yung iba para maglaro. sa computer shop ni Lester, ang peak hour ay naguumpisa ng alas kwatro ng hapon hangang alas onse ng gabi. karamihan kasi sa mga naglalaro ay yung mga bata na kalalabas lang ng school. kaya nag-uunahan sila sa pag punta sa shop para maka pwesto agad sa kanilang mga gustong PC o di kaya naman ay para di maubusan ng pwesto sa shop. pag minsan ang ginagawa nung iba ay nag sesend sila ng PM sa bantay para magpa-reserve ng pwesto. katulad ni Pat, ganyan ang ginagawang diskarte nya para di maubusan ng PC sa shop. mag sesend siya ng PM kay Lester para magpa reserve tpos tska siya pupunta sa shop. pag pasok niya sa shop ay "aawra" muna siya ng konti sabay tingin sa mga naglalaro na para bang naghahanap ng bagong mabibiktima (joke lang). tapos ay pupwesto na sya sa paborito niyang pwesto, ang PC 2. bakit PC 2? syempre para katapat niya ang bentilador. 

sabado ng hapon ng magchat si Pat kay Lester para magpareserve. 

sabi nya:" Kuya Lester, puno ba ngayon jan sa shop? magpapareserve ako sa PC2. magbibihis lang ako."

 alas tres ng hapon nung mag chat si Pat kay Lester. pero makalipas ang kalahating oras ay di pa din nag rereply si Lester. kaya dalidaling pumunta si Pat sa shop. pagdating niya sa shop, nakita niya na nakaupo si Lester sa counter, nakatutok sa monitor at abalang abala sa panunuod ng kdrama. 

"nagchat ako sa'yo kuya Lester ah.!" sabi ni Pat.

napatingin si Lester kay Pat, sabay pindot sa pause at nagsabi ng " ha? anong sabi mo?" 

"nag chat ako sa'yo! nag papa reserve ako!" sabi ni Pat.

" ah, nag chat kaba? di pa ako nag bubukas ng FB ko eh. isang oras lng yang nasa PC 2. hintayin mo na." ang sagot si Lester.

naupo muna si Pat sa gitna ng shop at nanuod sa mga naglalaro. maya maya pa ay dumating si Kenito sabay sabing:" ano! game na!"

napatingin si Pat kay Kenito sabay sabing " ay aba, ako'y hindi tanungin!"

ang buong akala ni Pat ay inuman ang ibig sabihin ni Kenito.

" sige, game na. sa dating pwesto ako sa PC 6." ang sabi ni Kenito.

"ah, Lol pala, akala ko inuman." ang sabi ni Pat.

"wala, pass muna ako sa mga inuman, good boy muna ako." ang sagot ni Kenito. 

makalipas ang kalahating oras ay nagsitayuan na ang mga naka upo sa mga paborito nilang PC. mabilis na pumwesto ang dalawa at nag umpisa na silang mag laro. maya maya pa ay dumating si Sylver sa shop. nakita niya sina Pat at Kenito na naglalaro kaya madaling umupo si Sylver sa tabi ni Kenito at binuksan ang PC 7 at naglaro. 

" oy, sali ako sa inyo" sabi ni Sylver kina Pat at Kenito. 

"sige sige. hintayin na natin si Sylver para kumpleto ang players!" sabi ni Pat.

"kulang pa tayo, wala si Ryan." ang sabi ni Kenito.

 biglang nagsabi sa kanila yung nakaupo sa PC 5 na makikisali siya kina Pat.

"sige, invite kita. ano ba name mo?" tanong ni Pat. ibinigay niya yung user name niya at nagumpisa na silang maglaro.

alas onse na ng gabi pero parang wala pa din silang plano na magsi uwi kaya nagsabi na si Lester ng " hoy, mga brad maawa naman kayo sa akin, kanina pa ako umaga bantay dito. inaantok na ako. bukas naman yan!".

"wait lang kuya Lester, tatapusin lang namin yung game." sabi ni Pat.

 walang magawa si Lester kung hindi ang maghintay kahit antok na antok na siya sa pagod. makalipas ang kalahating oras ay natapos na sina Kenito at Pat sa paglalaro. sabay sabay silang nagsitayuan at umalis sa shop. solong naiwan si Lester sa loob ng shop. ibinaba na ni Lester ang roll-up ng shop at nag ligpit ng mga gamit sa loob ng shop. pagkatapos niyang mag ligpit at pumunta si Lester sa counter at nag audit kung magkano ang kinita niya sa maghapon. habang nagbibilang siya ng pera ay may narinig siya na kumakatok sa lamesa ng mga computer. tumayo si Lester para tignan kung sino yung kumakatok sa lamesa ngunit wala siya nakita. naupo siya ulit at nagpatuloy na nagbilang ng pera. maya maya pa ay narinig niya ulit na may kumakatok sa lamesa. tumayu siya ulit para tignan ngunit wala siya nakita. naisip ni Lester na baka yung daga yung nagiingay sa lamesa at may nginangatngat nanaman na wire, kaya kinuha niya yung flashlight at pumunta sa direksyon kung saan nanggagaling ang ingay. pagdating niya sa may lamesa ay una niyang tinignan yung mga wire. inisip niya na baka sira na ang mga ito. "ok naman ang mga wire" sabi ni Lester sabay kinabahan siya sa mga pangyayari. dali daling bumalik si Lester sa counter at mabilis na tinapos ang ginagawa niya. pagkatapos ay pinatay na niya ang mga switch at ini lock ang pintuan at ang roll-up at dali daling umuwi. 

ATDA CORNER: Ang Bantay sa Computer ShopTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon