Neo (Zed)

58 0 0
                                    

SALITA. Ito ang ginagamit nating paraan para maipahayag ang ating saloobin o laman ng ating isip. Maaring pangkaraniwan ngunit mahalaga sa buhay ng tao. Mga katagang malimit mabalewala ngunit lubhang mapanganib kapag hindi ginamit ng tama. Sabi nga sa isang kasabihan, mas matalim pa ang matalas na dila kaysa kutsilyo na bagong hasa. Marahil lahat tayo ay may karanasan tungkol dito. Sinasadya man o hindi, ay nakakapag salita tayo ng masakit laban sa kapwa natin. Ngunit paano kung ang pagsasalita ng masama sa iba, sinasadya man o hindi, ang maging mitsa ng ating kapahamakan? Ano ang gagawin mo? 

Sabado ng hapon ng pumunta si Kenito sa computer shop ni Lester. pag dating niya dun ay puno ang shop kaya naghintay nalang siya ng unang mababakanteng PC. Habang naghihintay ng mababakanteng PC ay pumunta siya sa likod ni Ryan para panuodin ang paglalaro nito. Makaraan ang Ilang sandali,  dumating si Pat kasama si Silver. Napansin ni Pat na walang available na PC kaya lumapit siya kay Lester at nagtanong kung anong oras magkakaroon ng bakanteng PC. 

Pat: " Kuya Lester, may malapit na bang mag time?"

Lester: " Kalahating oras pa yung kasunod na mag ta-time, kaso nakapila si Kenito."

Pat: " Ah ganun ba, sige dun kami ni Silver sa kasunod ha. bibili lang muna kami sa labas. May ipapabili ka?"

Lester: " Wala naman."

Pat: " Okie, basta dun kami sa kasunod na mag ta-time ha. kaming dalawa ni Silver."

Lester: " ok sige"

Pat: " salamat,"

Pagkatapos ay tinawag niya si Silver at pumunta sila sa labas para bumili ng makakain. Makalipas ang kalahating oras ay nabakante na ang ilang PC kaya dali daling pumwesto sina Kenito, Pat at Silver. Napansin ni Pat na halos kumpleto silang magkakaibigan na nasa shop kaya naisipan niya nag magsama sama sila na maglaro ng League of Legends (Lol). Sinabihan niya sina Kenito na nasa PC7 at Ryan na nasa PC6 na magsama sama sila na maglaro ng Lol. Sumang ayon naman ang tatlo kaya imunpisahan na ni Pat na i-invite sila at inumpisahan na nilang maglaro. Plinano nilang maigi kung paano ang magigi nilang "strategy" sa game gaya ng lagi nilang ginagawa kapag nagkakasama sila sa game. Maya maya pa ay nagumpisa na ang laro. Napansin nila agad na medyo magaling at malakas ang mga kalaban nila. Kaya nagpalit sila ng "strategy" sa laro nila. Ngunit makalipas ang ilang sandali ay unti unti nang lumalamang ang mga kalaban nila. Napansin nila na masyadong malakas at magaling yung kalaban nila na may pangalan na Neo gamit ang character na Zed. Napasigaw at napamura si Ryan dahil laging namamatay yung character niya.

Ryan: " Ay sa P&^$#*inang yan, ang daya nung Zed. P^%$&#ina mo Zed mamatay kana!" ang sabi ni Ryan

Pagkatapos na pagkatapos magmura ni Ryan ay napansin niya na nag message si Neo sa chat box at nagsabing " P*%^&&ina mo Ryan, uunahin kita!" Nagulat si Ryan sa nabasa niya dahil hindi naman pangalan niya ang gamit niya sa game. Napansin din ito ni Kenito kaya tinawag niya si Ryan.

Kenito: " Oy Ryan, nabasa mo yun. kilala ka oh!"

Ryan: " oo nga, ang famus ko eh! ( sabay tawa ) ako naman daw ang uunahin eh!"

Kenito: " baka nakalaro ma na dati yan kaya ka kilala."

Ryan: " hindi, ngayon ko lang nakalaro yan."

Kenito: " oh kaya nag change name lang kaya ganun."

Ryan:" ay baka. yari ito sa akin mamaya. ginagalit ako eh."

Kenito: " yariin mo na"

Pagkatapos sabihin ito ni Kenito ay nakita nila na nag message ulit si Neo sa chat box at ang sabi ay "Isa ka pa Kenito, ikaw ang isusunod ko!"

Nagulat ang apat sa nabasa nila. Biglang napaisip si Kenito kung paano nalaman ang pangalan niya dahil hindi kanya yung ginagamit niyang account. Nagtaka na rin si Ryan kung pano nalaman ni Neo ang mga pangalan nila. Napasalita na din si Pat ng " P*&#$^%ina mo Zed, lakas mong magsalita! ginagawa yon hayup ka! Wag kami utoy!" Pagkasabi nito ni Pat ay nakita niya na nagreply ulit si Neo sa chat box at ang sabi ay " Hoy matabang naka kulay grey na tshirt at naka salamin. wag kang mayabang, kayang kaya din kitang patayin!" Lalong nagkagulo ang apat dahil alam ni Neo kung ano ang kulay ng suot ni Pat. sabay sabay nag quit sa game ang apat at naglaro nalang ng ibang game. ngunit habang naglalaro ay pinaguusapan parin nila yung nakalaban nila na nagbabanta na papatayin sila. Pagdating ng hapon ay sabay sabay nag log out ang apat at tumambay nalang sa harap ng shop habang pinaguusapan ang nangyari.

Alas onse na ng gabi ng magsara ng computer shop si Lester. Habang naglalakad si Lester malapit sa kanilang bahay ay napansin niya na hindi niya dala ang kanyang cellphone. Hinanap niya ito sa kanyang dalang bag at sa bulsa ngunit hindi niya ito makita. Naalala niya na ipinatong niya ito sa lamesa niya sa computer shop bago umalis. Kaya dali daling bumalik si Lester sa shop. Nung malapit na siya sa shop ay napatingin siya sa mga butas sa hollow blocks sa tagiliran ng shop kung saan lumalabas nag init sa loob ng shop. Napansin niya na may ilaw na nanggagaling sa loob ng shop. Naisip niya na baka may tao sa loob ng shop kaya dali dali siyang pumunta sa roll up at binuksan ito. pagbukas ng pinto ay nakita niya na nakabukas ang monitor ng PC6. Wala siyang nakitang tao sa loob ng shop. Dalidaling kinuha ni Lester ang kanyang cellphone sa kangyang lamesa at binuksan ang flashlight nito. pagkabukas ng ilaw sa cellphone ay biglang namatay yung monitor ng PC6. agad tinignan ni Lester yung circuit breaker na nasa likod ng counter kung naka on pa ito dahil ugali niya na patayin ang circuit breaker kapag isinasara niya ang computer shop. nakita niya na naka off yung circuit breaker kaya nagtaka siya kung paano nabuhay ang PC6 gayung nakasara ang circuit breaker ng shop. Natakot si Lester sa nangyari kaya dali daling isinara ni Lester ang computer shop at naglakad pauwi ng bahay.

Pagkatapos ng araw na iyon, ay sunod sunod na ang mga hindi maipaliwanag na mga pangyayari sa buhay nina Ryan, Kenito, Pat at Lester.



ATDA CORNER: Ang Bantay sa Computer ShopTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon