Shop

22 0 0
                                    

... Sa pagpapatuloy,

Nabalot ng takot ang lahat. Nakaramdam sila ng pangamba para sa kanilang buhay. Naalala ni Lester na ang lahat na nangyayari ay may kinalaman sa PC4 sa kanyang computer shop kaya kaagad siyang pumunta sa shop.

Papalapit pa lang siya sa shop ng makita niya na tila bukas ang ilaw sa loob ng shop kaya nagmadali siyang buksan ang roll up para makita kung anong nangyayari sa loob. Pagka bukas niya ng roll up ay nakita niya na naka bukas ang PC4 at may nakatayo na isang bata sa harap nito na tila pinagmamasdan ng computer.  Napa atras sa takot si Lester hangang sa mapa upo siya sa sahig. Maya maya pa ay unti unti siyang linapitan ng bata. Lalong tumindi ang takot ni Lester habang papalapit sa kanya ang bata. Wala siyang ibang nagawa kung 'di ang magmakaawa na wag siyang saktan nito. Nang marinig ito ng bata ay huminto ito at sinabi "Wag kang matakot, hindi kita sasaktan. Naandito ako para tumulong sa inyo

Nang marinig ito ni Lester ay nagdalawang isip siya kung maniniwala siya o hindi sa sinabi ng bata. Maya maya pa ay bumalik ang bata sa harap ng PC4 at ipinagpatuloy ang pagmamasid dito. Unti unting lumapit si Lester sa bata at tinanong nya ito kung bakit siya nasa harap ng PC4.

Bata: "May nakatirang masamang elemento dito sa computer na ito. Isang matandang babae, sumumpa  siya na hindi siya titigil pumatay ng tao hanggat hindi siya nakakaganti sa bantay ng computer shop na pumatay sa kanyang mga anak."

Lester: "Eh bakit kami ang iniisa-isa eh hindi naman kami ang pumatay sa mga anak niya?"

Bata: "Dahil ikaw ngayon ang may ari ng shop at sila ang mga malimit mag laro dito kaya kayo ngayon ang iniisa-isa"

Biglang nabuhay lahat ng mga computer, pagkatapos ay bawat isang computer ay ipinapakita ang kalagayan ng mga kasamahan ni Lester. Kitang kita ni Lester ang takot at paghihirap ng mga kasamahan niya. Walang ibang maisip na paraan si Lester para makatulong sa mga kaibigan niya. Sinubukan niyang patayin ang main switch ng kuryente pero wala pa din epekto ito. Naisip niyang tangalin ang lahat ng wire ng PC4 pero wala pa din epekto ito kaya binasag niya ang monitor ng PC4 at pagkatapos ay pinaghahampas niya ang CPU hangang sa masira ito. Maya maya pa ay may nakita siyang anino sa pader sa likod ng PC4. Unti unti itong lumalaki hangang sa umabot ng kisame ang laki ng anino. Maya maya pa ay may narinig siyang boses ng babae.

Anino: "Matagal kong hinintay ang pagkakataon na ito para makaganti sa inyong lahat mga hangal!"

Lester: "Anong kasalanan namin? Hindi kami ang pumatay sa mga anak mo."

Anino: "Ang computer na sinira mo ang dahilan ng kanilang pagkamatay. At dahil ikaw ang may ari ng computer na yan kaya ikaw ang sisingilin ko sa pagkamatay ang aking mga anak!"

Bata: "Ako ang bantay ng computer shop na ito. Sa akin ka maghiganti at hindi kay Lester"

Lester: "Hoy bata, anong bantay ng shop? Anong pinagsasasabi mong bantay ka ng shop?"

Lumingon ang bata kay Lester sabay lapit sa kanya.

Bata: "Ako si Peter, ang panganay mong kapatid. Ako ang bantay sa pamilya natin."

Lalong nagulumihanan si Lester sa narinig niya. Hinaplos ni Peter si Lester sa pisngi at biglang nag balik tanaw sila sa nakaraan.


PETER'S POINT OF VIEW:

Ako si Peter, ang panganay na kapatid si Lester. Ipinanganak ako dalawang taon bago ipinanganak si Lester. Ngunit hindi din ako nagtagal sa mundong ito, makalipas lang ng isang linggo ay pumanaw na din ako dahil sa sakit. Habang naghihintay ako ng ika 40 araw ko sa mundo bago ako umakyat sa langit ay nakita ko ang sobrang kalungkutan ng aking mga magulang. Kaya nakiusap ako sa anghel sa sumundo sa akin na kung pwede ay bantayan ko muna ang lang mga magulang hangang sa maging maayus na sila. Malakipas ang dalawang taon ay ipinanganak si Lester. Noon ko lang nakita ang aking mga magulang na masaya. Sabi ko sa sarili ko na handa na akong umakyat sa langit. Habang nagpapaalam ako sa kanila, hinaplos ko ang pisngi ng aking kapatid na bunso. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakita ko ang mga mangyayari sa kanya sa hinaharap. Nakita ko ang pagkakataon na ito ay mangyayari kaya muli akong nakiusap sa anghel na sumundo sa akin na kung pwede ay manatili muna ako dito para bantayan ko ang aking pamilya. Hanggang sa dumating na nga ang pagkakataon na ito, ang dahilan kung bakit ako nanatili dito sa lupa. Ang protektahan ang aking pamilya laban sa masamang elementong ito. 


Wala pang tatlong segundo ay natapos na ang kanilang pagbabalik tanaw sa nakaraan. Biglang pumatak ang luha ni Lester. Walang ibang lumabas sa kanyang bibig kung 'di ang salitang "Salamat Kuya". Pagkatapos ay bumalik si Peter sa harap ng anino habang nakaupo sa sahig si Lester, umiiyak ng husto.

Peter: "Handa na ako sa kung ano nag gagawin mo anino." Pagkatapos ay tumingin siya kay Lester at ngumiti na tila nagpapaalam na.

Biglang nagliwanag ang buong paligid hangang sa mawala ang anino at si Peter. Pagkatapos nito ay nawalan din ng malay si Lester.

Pagkamulat ni Lester, napansin niya na nasa kwarto nya siya. At ang pakiramdam niya ay parang panaginip lang lahat ang nangyari. Kaagad siyang bumangon at tinignan ang oras at petsya sa araw na iyon. Nang makita niya ang petsa ay ikalawang lingo palang ng pagkakabili nila sa computer shop. Bigla siyang napaupo sa kama at napahinga ng malalim. Panaginip lang pala ang lahat. Makalipas ang ilang minuto ay lumabas na din siya sa kanyang kwarto at nag umpisa na siyang gumayak para magbukas ng computer shop.

Pagbukas niya ng shop ay may isang binata na pumasok sa shop. maglalaro daw siya ng 3 oras. umupo yung binata sa may dulo parte ng shop na kung saan malapit siya sa bentilador. maya maya pa dumating si Kenito (isa sa mga dating suki ng shop) doon siya naupo sa paborito niyang PC na katabi nung binata. wala pang kalahating oras ay napuno na ang computer shop. habang tumatagal, dahil sa dami ng naglalaro ay painit ng painit sa loob ng shop. yung kahit may nakatutok na bentilador sa iyo ay pag papawisan ka pa din. habang tumatagal ay may napansin sila, parang may kakaibang amoy. inamoy ni Kenito ang sarili nya kasi baka siya yung nangangamoy. pero hindi naman sa kanya nanggagaling yung amoy. bumaling siya sa kanan nya sa direkyon nung binata. napa imik si Kenito ng " anak ng puta grabe! nanglalaban talaga!" hindi nya matiis ang amoy kaya nagpaalam siya kay Lester.

Kenito:" kuya Lester, log out na muna ako. mamaya nalang ulit."

Lester:" aba, himala ah. tapos kana agad?"

sabay bumulong ni Kenito kay Lester ng:" ANG BAHO nung nasa dulo kuya lester grabe, natambay sa ilong eh!"

Lester:" eh di nga? sige ipagrereserve nalang kita mamaya."

Kenito:" kakain nalang muna ako." sabay alis sa shop.

pagkalabas ni Kenito, may pumasok na isang babae. lumapit siya kay Lester. tinanong niya si Lester kung siya yung bantay sa shop.

Lester:" ako nga po, bakit po?"

" ako po si Anna, tanong ko lang po kung may computer technician na po kayo? fresh grad po ako na computer technician, baka po kailangan ninyo ng mag aayus ng mga PC nyo?"

Lester:" ah technician ka pala, akala ko magpapa print ka. wala pa ako technician eh. magkano ba magpa ayus ng PC sa iyo?"

Anna:" mura lng po. ito po yung calling card ko. kapag po kailangan nyo ng mag aayus ay tawagan nyo nalang po ako."

Lester:" ah sige. pag nangailangan ako ng mag aayus sasabihan kita."

Anna:" sige po, salamat po:" sabay alis sa shop.

Hinabol ni Lester ang babae sa labas ng shop para magtanong ngunit hindi na nya makita nag babae.

Bigla niyang naalala na parang nangyari na ang pangyayaring iyon, ang batang may amoy na naglaro, ang pag alis ni Kenito, Ang babaeng nagbigay ng tarheta tapos biglang nawala. Biglang kinabahan si Lester sabay sabi na "PUTA PARANG NANGYARI NA 'TO AH!"

FIN


ATDA CORNER: Ang Bantay sa Computer ShopTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon