bisita

96 0 0
                                    

lahat tayo ay may isang kabigan na masasabi natin na pwede nating takbuhan sa panahon ng pangangailangan. hindi lang sa pera pero pati nadin sa iba pang bagay tulad ng pagbibigay ng payo o di naman kaya ay makinig sa ating mga kwento. sila rin yung masasabi natin na magpapaalala sa atin kung tama pa ba ang mga ginagawa natin sa ating buhay. sa madaling salita meron tayong isang kaibigan na hindi man natin laging nakikita pero pag nagkasama ay hindi mawawalan ng istorya. ganyan ang naging samahan nina Vince at Lester. matagal sila na nagkasama at nagtrabaho sa isang kumpanya hangang sa naisipan ni Lester na umalis sa kumpanyang iyon at magbukas ng sarili niyang computer shop.

biyernes ng hapon, maagap natapos ni Vince ang kanyang trabaho, kaya naisipan niya na dumaan sa computer shop ni Lester bago umuwi. matagal na din silang hindi nakakapag kwentuhan ni Lester at matagal na din siyang walang balita tungkol dito kaya minabuti niyang dumaan kahit saglit lang. pagdating niya sa labas ng computer shop ni Lester ay naisipan nitong biruin at gulatin si Lester kaya dahan dahan siyang pumasok sa shop. nakayukong pumasok si Vince sa shop. pagdating niya sa tapat ng counter ay bigla siyang tumayo sabay sigaw ng "HOY!". napasigaw si Lester sa sobrang gulat at napa bigkas ito ng mga masasamang salita.

"P*%$@#&na ka akala ko kung sino na! ang gulat ko eh!" sabi ni Lester. humagalpak sa tawa si Vince sa naging reaksyon ni Lester. habang di malaman ni Lester kung magagalit siya kay Vince o matatawa nalang sa nangyari. makalipas ng ilang sigundo ay natawa na din si Lester dahil naglulupasay na sa katatawa si Vince. nang humupa na ang tawanan ay nag umpisa na silang magkamustahan. lumabas sa counter si Lester at doon sila sa may pintuan ng shop nag kwentuhan

Vince:" ano na balita sa'yo? mukang nananaba ka ah."

Lester:" eto, ganun na nga ang nangyayari. nananaba kc wala masyadong stress." sabay tawa. 

Lester:" eh ikaw, ano na balita? kamusta na dun sa kumpanya?"

Vincent:" sus, nagtanong kapa, eh di ganun pa din. kuripot pa din ang admin. gaya lang ng dati, madami ipapatrabaho sa'yo pero kulang pa din ang sweldo. ultimo ngang ink ng printer tinitipid eh, ayun, ayaw tuloy gumana nung printer."

Lester:" kaya lalong yumayaman si madam eh."

Vince:" eh kamusta naman itong shop? kumikita ba naman?"

Lester:" ok pa naman. kumikita pa din naman. may araw na madami ang naglalaro, may araw na kokonti. tulad ngayon, iisa yang naglalaro."

biglang nagtaka si Vince sa nasabi ni Lester. 

Vince:" iisa bagang, dalawa kaya yang naglalaro. ayun oh, isa sa dulo tapos etong bata sa unahan sa PC1."

Lester:" ha? anong pinagsasabi mong bata, eh iisa yang naglalaro na yan!"

habang nagsasalita si Lester ay lumingon si Vince sa PC1. nakita niya na tumingin sa kanya yung bata na tinutukoy niya. tapos, bigla itong tumayo at naglakad papunta sa kusina. pagdating sa kusina ay biglang nawala yung bata. biglang bumilog ang mga mata ni Vince sabay sabi kay Lester na:

Vince:" nakita mo yun?"

Lester:" ang alin?"

Vince:" yung bata?"

Lester:" aling bata ba yung sinasabi mo. ilang beses ko ba sasabihin na walang bata diyan"

biglang kinilabutan si Vince sa mga nakita niya. sinubukan ni Vince na kumalma at huwag magpahalata na natakot siya sa mga nakita niya.

Vince:" seryoso ka Lester, wala kang nakitang bata?"

Lester:" abay yanong kulit. sabing wala nga."

napaisip si Lester sa mga sinabi ni Vince. di niya alam kung nagbibiro lang ito o seryoso siya sa mga sinasabi niya. ngunit nung makita ni Lester na parang nagugulumihanan si Vince at naguumpisa ng makita ang bakas ng takot sa muka ni Vince ay naniwala na din si Lester. nagumpisa na din matakot si Lester kaya dali dali niyang binago ang usapan nila ni Vince.

Lester:" naku, gutom lang yan. mas maigi pa'y manglibre ka nalang ng pagkain"

Vince:" siguro nga gutom lang yun. ano ba masarap kainin?"

Lester:"magpaluto ka nalang ng pansit dun sa kanto. tamang tama, may tinapay pa ako dito."

Vince:" ay sige. sagot ko na ang pansit. pero di nga, di mo talaga nakita yung bata?"

Lester:" ang kulit ng lahi mo, sabing wala nga. ika'y magpaluto na at ako'y gutom na!"

Vince:"sige ."

at nagpaluto nga ng pansit sa kanto si Vince. habang nagpapaluto si Vince ng pansit ay di mawala sa isipan niya ang nangyari sa shop. kaya kinuha niya ang cellphone niya at naglaro nalang ng mobile games. nang maluto na ang pansit ay kaagad siyang bumalik sa shop. pinaghatian nila ang pinalutong pansit. pagkatapos nilang kumain ng pansit ay naglabas ng alak si Lester at nagumpisa na silang mag inuman. ipinagpatuloy nilang ang kwentuhan tungkol sa kanilang mga pinagkakaabalahan sa buhay. nang maubos na nila ang alak ay nagpaalam na si Vince para umuwi. pagkaalis ni Vince ay nagligpit na din ng mga gamit si Lester. pagkatapos magligpit ay isinara na niya ang computer shop at diretso nang umuwi sa bahay.


ATDA CORNER: Ang Bantay sa Computer ShopTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon