Chapter 5

3 3 0
                                    

3rd Person's POV

"Oh ano bata? Kaya pa ba?" Tanong ng lalaki na naka brown na sleeveless shirt kay Mark.

Dumadaloy na ngayon ang dugo ni Mark mula sa kaniyang ulo dahil sa natamo niyang mga suntok kanina. Ngunit di pa rin ito lumalaban.

"Ang tigas mo bata ah? Bilib ako sayo, by the way ako nga pala si Jayson." Pagpapakilala ni Jayson kay Mark.

"Tsk! Ang baho ng pangalan mo." Tugon ni Mark na ikinainis ni Jayson at sinuntok ulit sa mukha si Mark ng paulit-ulit.

Sa kabilang banda.

"Ano?! Di ni'yo ba ilalabas si Joshua?!" Walang sumagot bagkus ay may lumapit si Dwaine kay Nestchael.

"N-nestchael. Pakiusap 'wag ka namang gumawa ng gulo dito oh." Nauutal na pakiusap ng  binata ngunit di siya pinakinggan ni Nestchael at tininangkang hampasin na sana ito ng map ngunit...

"Jade!"

"Neil!"

Sabay tugon ng mga tao sa loob ng gym dahil sa nangyari kay Neil Jade. Imbis na si Dwaine ang tamaan ng map na inihampas ni Nestchael ay mismong si Neil Jade ang humarang nito kaya natamaan siya sa ulo at unti-unting may pulang likido na tumulo galing sa ulo niya at hinimatay.

"Ano Nestchael? Tapos ka na bang manggulo?" Isang boses na nang-gagaling sa may pintuan ang pumasok.

Lahat ng mga kaibigan ni Mark ay nakikipag suntukan  sa ibang mga kasamahan ni Nestchael, ngunit di pa rin sila tapos lalong-lalo na si Mark na malubha na ang kalagayan ngunit nakatayo pa rin.

"Joshua?! A-anong ginagawa mo dito?!" Na-uutal na tanong nung manager ng team na ex-girlfriend ni Joshua ngunit di siya nito pinansin.

"Sawakas! Nandito ka na rin! Magbabayad ka sa ginawa mo sa'kin Joshua!" Galit na tugon ni Nestchael nito at inambahan ng suntok ngunit di nanlaban si Joshua dahil alam niya na kapag nanlaban siya, maaring mawala ang basketball team sa school nila, dahil parte rin siya sa Varsity Team.

"I-lock niyo lahat ng mga bintana at mga pintuan, at huwag niyo hayaan na may makapasok,ngayon na!" Sigaw ng Captain na si Kinoe.

Tapos nang makipag-laban nila Ken at ng iba pa, ngunit...

"Ano? Lumaban ka! Takot ka ba bat-" di na natapos ni Jayson dahil sa gulat na tumayo pa si Mark sa pagkakaupo nito.

"Ang tigas mo rin ah! Ito'ng sayo!" Tugon nito at sinuntok si Mark.

"Teka, may lamok yata ang nangagat sa akin kanina pa ah."

"A-anong sinabi mo?! Ang yabang mo!" Wika ni Jayson at akmang susuntukin ulit si Mark ngunit di na niya inakala na sumugod na pala si Mark at tumama sa mukha niya kaya nahimatay agad.

Lahat ng tao sa loob ay napatingin sa kinaroroonan nila Mark, pati si Nestchael ay napatigil sa ginagawa niya'ng pambubugbog kay Joshua at lahat sila nagulat sa nangyari maliban sa apat na kaibigan nito.

Marami nang mga teachers ang pilit na binubuksan ang pinto ngunit bigo sila at makalipas ang ilang minuto ay may isang boses na nagpatigil sa lahat.

"Buksan ninyo ang pinto, ako ito."

"C-coach!"

Dali-daling binuksan ng isang lalaki ang pinto at tumambad ang isang pigura ng matandang lalaki na mataba, si coach Baban.

"C-coah." Mahina tugon ni Nestchael dahil di niya inakala na makikita niya ulit ang tao na nagbigay sa kanya ng lakas ng loob na maglaro ngunit dahil sa kanyang injury na natamo ay nagbago ang kanyang buhay at di na nakapaglaro pa ulit. Kaya naging isang basagolero ito at nawala sa landas na kanyang tinahak.

"Nestchael, tama na yan." Mahinahong wika ni Coach Baban.

"C-coah, patawarin mo ako. G-gusto ko lang po na maglaro ulit. P-atawad po talaga." Umiiyak na wika ni Netchael at lumuhod sa harapan ni Coach.

"Ayos lang iho, naiintindihan ko, tumayo ka na riyan."

Nang makatayo na si Nestchael ay agad itong yumakap kay coach Baban at sinalubong naman ito ng matanda.

At matapos ang gulo ay agad namang umalis sila Mark upang umuwi at upang dumaan na rin sa Ospital.

To be continued...

Sentinels Basketball TeamWhere stories live. Discover now