Chapter 4

13 3 0
                                    

Mark Ishi's POV

"Ahhhhhh, nakakapagod." Si Ken. Tsk! Kanina pa naglilikramu 'tong ugok na'to ah.

Nandito kami ngayon sa gym, naglilinis parin kami sa buong sulok.

"Tumahimik ka nga! Kanina ka pa likramu ng likramu ah! Baka ma-headbutt kita eh!" Suway ko sakanya dahilan upang mapakamot nalang siya sa kanyang ulo.

"Kung hindi niyo lang sana ako pinagkaisahan kanina 'di sana kayo kasama dito para maglinis sa gym." Sabi ko sa kanila, nakakaasar talaga. Mas mabuti na nga lang sana kung na-suspended ako. 1 week lang naman yun, kaya mas ayos na kesa maglinis dito. Hayst!

"Kung hindi ka sana namin tinulungan baka pati kami madadamay sa lakwatsa mo." Tugon naman ni Al-Juhir at tsaka humiga sa malamig na sahig.

"Oo naaaa, salamat na nga poooo."

Makalipas ang ilang minuto ay sakawas natapos din kami.

"Ahhhhh, sawakas natapos din." Wika ko sabay unat.

"Tara uwi na tayo." Aya ni GM at tumango naman kaming apat.

"Dumaan muna tayo sa restautant namin, medyo nagugutom na kasi ako." Aya rin ni Ken.

"Tama! Tara naaaaa!" Sabay na sigaw naming apat tsaka tumungo.

Papalabas pa lang sana kami sa gym nang hinarangan kami ng grupo ng nga gons na mukhang mga unggoy.

"Kayo ba ang mga Varsity players dito?" Tanong nung mahaba ang buhok, mukhang ang tukmol nato ang leader nila.

"Nestchael?! Anong ginagawa mo dito?" Dinig kong bosed na nang gagaling sa likuran namin kaya tinignan namin kung sino iyon.

Nang makatingin na kami ay nandito na pala ang nga Varsity players, mukhang kanina pa sila ah.

"Uy Captain! Kamusta? Long time no see ah. Nasaan ang g*gong bestfriend ko?! Namiss ko na siya grabe!" Sarcastikong sabi nung leader sa Captain na bagulaw at ngumisi.

"Wala dito si Joshua! Kaya paki-usap hiwag kayong gumawa ng gulo dito." Sabi nung lalaki payatot.

"Hindi naman kami manggugulo eh, mangungumusta lang naman kami Dwaine." Sabi nung Nestchael raw sa payatot na si Dwaine.

Naglakad naman ang grupo ng mga gons papalapit sa kanila, at nang makatapak sila sa sahig ay do'n ko nalang naalala na ang pinaghirapan naming linisin na sahig ay nadumihan dahil sa mga g*gong 'to.

Nang malagpasan nila kami ay agad kong hinawakan ang balikat no'ng leader ng napakalakas kaya napaluhod nalang siya sa sakit.

"A-ano ba!? Ahhhhh!" Ungol niya ngunit di ko parin siya binitawan datapwat ay tinitigan ko siya ng masama.

"Kung ayaw ninyo'ng magkabali-bali yang mga buto niyo, hubarin nyo yang mga sapatos niyo!" Matigas na sabi ko sa kanila.

Sa pagkakataong ito ay binitawan ko ang leader nila.

"HAHAHA! Nagpapatawa ka ba bata?! Sino ka ba at bakit ka nakikisawsaw dito? 'Di ka naman parte ng Varsity team ah." Sabi nung lalaking nakakulay brown na sleeveless.

Lahat kasi sila ay nakaitim pwera sa isang 'to, malaki ang katawan niya at kitang-kita mo na sanay sa basag-ulo.

"Kami lang naman ang  naglinis sa sahig kaya utang na loob hubarin niyo yang mga sapatos niyo." Kalma na sabi ni Ryan.

"Oh tapos? Anong magagawa niyo kung ayaw namin? Eh gusto namin na magkalat dito eh." Sabi nung lalaki na naninigarilyo tsaka tinapun ang kanyang upos na sigarilyo at inapakan ito.

Nanlisik naman ang mata ko dahil sa inis kaya di ako nakatiis ay agad ko siya'ng sinuntok sa mukha dahilan upang mawalan siya ng malay na nakahandusay.

"Aba! Siraulo ka palang g*go ka eh!" Malakas na sigaw nung mahabang buhok na halos umalingawngaw sa buong gym ang boses.

And the next thing I know is that sinuntok ako nung naka brown at nagkaroon na nang bakbakan sa loob ng gym.

To be continued...

Sentinels Basketball TeamWhere stories live. Discover now