Chapter 1

31 3 0
                                    

"Nasaan na kaya ang mga gagong yun?! Kanina pa ako naglalakad at naglilibot sa skwelahan na ito!" Inis na sabi ko sa sarili, kanina ko pa kasi hinahanap ang mga katropa ko, kasi nga transfery ako kaya medyo di ko pa kabisada ang mga pasikut-sikut dito.

Ako nga pala si Mark Ishi Cadeliña, 17 na taong gulang, kasalukuyan akong nag-aaral ngayon sa bulok na school na ito walang iba kundi ang Olutanga National Highschool, ewan ko ba kung bat mas marami ang nag-aaral dito.

'Tugs! Tugs! Pak! Pak!'

Teka nga, mukhang may nag susuntukan dito ah. Habang naglalakad kasi ako may narining akong nagsusuntukan sa likod ng building ng Senior High.

"Mga ulol! Akala nyo kaya nyo kami! Don't mess with us!"

Parang kilala ko ang Englisherung tukmol na yun ah. Pagkasilip ko kung saan nang-gagaling ang boses na yun ay di nga ako nag kakamali, mga tropa ko nga, kaya pala di ko sila nakita ay dahil nakipag basag ulo pa pala. Nakahandusay na ngayon ang 9 na mga lalaki at akalain mo yun 4 lang sila tinalo pa.

"Oh ano? Tapos na ba kayo!" Pagkasabi ng pagkasabi ko nun ay agad kong sinapak sila tig-iisa.

"Shit! What the f*ck are you doing!?" Angal naman ni Al-Juhir ang basagolerong heart-throb kuno na napakamut pa sa kanyang ulo.

"Aray naman oh!"  Ganun din si Al-kausar na kapatid ni Al-Juhir, napakamot nalang din. Ang pasaway talaga ng magkakapatid na'to. Tsk! Tsk!

Habang ang dalawa naman ay di na naglikramu at napakamot nalang din sa kanilang batuk.

"Walangya kayo! Iniwan nyo nalang ako mag-isa kanina sa rooftop at nandito lang pala kayo nakikipag-away!"

"Eh kasi naman eh, natutulog ka kanina at biglang dumating tong mga gagong to na walang magawa sa buhay." - Gary

"Tsk! Sabi ko naman sa inyo di' ba na wag na tayong maging involve sa mga ganyan." Cold na sabi ko.

"Oo naaaaa! Sige naaa!" Sabi ni Ken kaya naglakad na kami paalis dun kasi mukhang nakatulog pa ang mga kalaban nila at nakahandusay.

Papasok na kami ngayon sa room namin habang yung apat ay di parin tumitigil sa kakadaldal sa nangyari sa mga nakaaway nila habang ako ay nakikinig lang nakayuko. Hayst! Ang boring naman sa school nato.

Papasok na sana ako sa pintuan ng room namin ng may nahagip yung mata ko na isang babae.

"Ang cute niya." Bulong ko sa sarili ko.

"Huy! Ishi! Natuod ka ja-" rinig kong sabi ni Kenjie pero di ko sya pinansin at patuloy parin sa pagtitig sa babaeng yun.

"Ahhhhh, kaya palaaaaaaa. Hi miss maliit." Tawag ni Ke-! Teka! g*go!

"P*ta! Anong ginagawa mo!?" Tinakpan ko nalang ang bibig ni Ken at pumasok nalang ng tuluyan sa classroom namin. Tang*na napatingin tuloy yung babae! Kahiya! Batukan ko kaya to!

"Araaaay! Bakit ba?!" Angal niya at sinamaan ko na lamang siya ng tingin. At bigla nalang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang Math teacher namin.

Nagdi-discuss lang yung teacher namin and I found it too boring kaya sinalampak ko nalang ang mukha ko sa mesa ng upuan ko at natulog nalang.

'Hayst, nakakahiya talaga kanina, walangh*yang Kenjie'ng yun.' Pagkasabi ng pagkasabi kosa sarili nun ay agad na akong nakatulog.

×
×
×
×
×
×
A/N:
So ayun na nga po, sana po supportahan nyo po ang story nato, just leave some comments and don't forget to vote po.
Salamat. ^___^

Sentinels Basketball TeamWhere stories live. Discover now