Chapter 9

5 3 0
                                    

Mark Ishi’s POV

Sabi nga nila 'The best thing to start your day is to smile with an inspiration.' Di ko alam kung bakit ang aga kong nagising ngayon, ewan ko ba kung bakit.

Pagkatapos kong gawin ang lahat ng mga gawain ko ay agad na akong nag-drive gamit ang motor ko papunta sa school.

Pagdating ko ay halos kaunti pa lang ang mga estudyante dito kaya pupunta nalang muna ako sa rooftop para na rin di na ako makasali sa flag ceremony.

Habang nag-lalakad ako sa corridor ay agad akong napangiti sa nakita ko.

"Hi." Bati ko sakanya with a smile of course.

"Hello. It's nice to see you again Mark." Bati niya rin sa akin habang nakangiti.

"It's nice to see too Keshia." Wika ko sabay ngiti.

"So ano? Saan ka pupunta?"

"Ah-eh, sa rooftop lang magpapalipas ng oras."

"Hmm, I see, sige punta na muna ako sa faculty. Bye." Wika niya sabay kaway.

"Wait.." Pigil ko sakanya kaya napalingun naman siya. Dali, sabihin mo na baka umalis na yan.

"Hmm?"

"Ehh ano, p-pwede mahingi phone n-number mo?" Puta, nauutal ba ako?

"Sure, why not." Tugon niya kaya agad ko namang inabot ang phone ko sa kanya at agad naman siyang nag-type.

"Pakilala ka kapag nagtext ka, okay?" Paalala niya at tumango naman ako bilang sagot at ngumiti.

"Bye na."

"Bye din, take care."

At last, I already got her phone number.

~~~~~~~~~~~~~

Pagkatapos ng flag ceremony ay agad na akong bumaba sa rooftop ang tumungo sa classroom ko.

Pagkapasok ko ay agad ako nagtungo sa upuan tsaka binaling ang paningin ko sa labas ng bintana. Hayst, what a good day.

"Huy Ishi! Anong nginingiti-ngiti mo dyan ha? Bat ngayon ka lang?" -Ken

"Hah? Anong naka-ngiti? Wala ah. Atsaka, nasa rooftop lang ako kanina, nagpapalipas oras."

"Aysus, palusot ka pa. Para ngang may nangyaring maganda eh. Ano yun ha? Sabihin mo na, bilis." Pangungutya ni Ryan sa akin at sakto namang dumating ang Teacher namin at agad nag discuss.

Madali lang natapos ang lahat ng subjects namin at lunch break na kaya pumunta kaagad kami sa canteen upang makabili ng pagkain namin.

Habang kumakain kami ay kinuha ko ang phone ko sa bulsa at nagtype.

'Hi, si Mark ito. Sup? Saan ka ngayon?'

Makalipas ang ilang minuto ay nag reply na kaagad siya kaya napangiti ako.

'Uy, ah okay lang naman, nasa library ako ngayon ginagawa ang homework ko.' -Keshia

'Ah okay, sige tapusin mo na yan baka naesturbo pa kita.'

'Hahaha, okay sige. Bye.'

"Huy Ishi, nakikinig ka ba?" -GM

"Hah? Ah oo."

"Sino ba kasi yang katext mo ah? Ba't ba panay ngiti ka dyan?" -Ryan

"Ah-eh, w-wala si Mama lang." Palusot ko.

"Ows? Di nga? Baka naman chix yan?" -Al-Kausar

"Wala nga! Tsk!"

Di ko nalang sila pinakinggan at tumayo nalang tsaka naglakad palayo sa kanila at pumunta sa garden sa may likuran ng school.

"Ano ba yan, ba't ba tanong ng tanong ang mga ugok na yun? Tsk! Nakakaasar na ah!" Pag m-monologue ko tsaka sumandal sa puno.

Habang papikit na sana ang mga mata ko ay may narinig akong boses sa di kalayuan na kumakanta.

Teka nga, ano nga ba ang kanta na yan ah, hmm...

Ah tama! Alipin ang title na yan by Shamrock. Pero teka nga sino yung kumakanta? Mukhang nasa kabilang bahagi lang ng punong ito nanggagaling ang boses na yun ah, matignan nga.

Habang papalapit na ako sa kabilang bahagi ay may natanaw akong pigura ng babae na kumakanta pa rin habang nakapikit.

"Nais ko sanang iparating
Na ikaw lamang
Ang aking.. Iibigin."

Pagkatapos nang kanta ay dun ko pa namukhaan ang babaeng nasa harapan ko. Pagkadilat ng kanyang mata ay kaagad itong nanlaki dahil sa gulat.

"Ikaw na naman?!"

To be continued...

Sentinels Basketball TeamWhere stories live. Discover now