one

41 0 0
                                    

Grabe na miss ko ag pilipinas! kakauwi ko lang dito pinas from UK. "PINSAAAAN" sigaw ni angel "grabe pinsan ang laki ng ginanda mo, siguro tinaguriang ka ng GANDANG BABAE winner kung sasali ka sa showtime, noon kase bago ka umalis ng bansa para kang lalake tapos ang siga mo na ewan, parang di babae, ngayon naman para kang anghel bumaba ng langit, para di makabasag pinggan. Ilan na ba naging boyfriend mo ha? at hangang kelan mo naman balak mag bakasyon dito? at bakit hindi mo kasama mga kapatid mo at sila tito at tita?"

sunod-sunod na question naman ni angel.

 

Naglalakad na kame ngayon papunta parking lot. Sinundo kase nila ako from airport. Magtataxi na nga lang sana ako kaso mapilit sila.

"Anu ka ba naman angel ang daming mong tanong isa-isa lang" sagot ko naman sakanya.

 

napakamot na lang siya ng ulo at nagpacute sakin. Nakakatuwa siya dahil maganda rin naman tong pinsan ko. Sobra sa pagka kikay at mukang ang daming kaartehan sa katawan.

 

"Angel hindi ako maganda, kita mo naman naka make up ako although light lang pero naka make up parin. And for your first question hindi ako sure hangang kelan ako dito. Im not here for a vacation, sadly nandito ako para magtrabaho,  my boss sent me here to do some business errands. At sila mom and dad and ate rachelle busy sila sa london. Alam mo naman workaholic. Si ralph naman graduating pa lang kaya busy. Oh ayan nasagot ko ba lahat ng tanong mo cous?"

 

Sabay tawa naman ng lola ko na hinihintay lang ako dito sasakyan dahil mainit sa arrival area kung doon niya ako hihintayin. "naku ang swerte ko talaga sa mga apo ko. kaso apo ang workaholic mo yata. baka mag kasakit ka nian" Nakakatuwa naman itong lola ko kahit matanda na sumama pa talaga para makita lamang ako.

 

"la mano po, naku bakit naman sumama pa kayo at baka mapagod kayo sa byahe." sabi ko naman. Bigla naman lumusot ang 10 year old kong pinsan si rona "naku ate makulit yan si lola hayaan mo na, at isa pa lola hindi workaholic si ate riz nu, palage ko nga nakikita sa facebook yan nag popost ng mga lugar na napuntahan niyan, katulad ng acropolis sa greece, statue of liberty sa New york, niagra falls sa canada, london bridge at kung ano-ano pa. palage nag papasarap. Kaya naman ate riz halos nalibot mo na ang mundo sigurado nakita mo na ang prince charming mo nu" Nabalot naman ng tawanan sa loob ng sasakyan dahil sa kadal-dalan ng bungi at bibo ko pang pinsan.

 

Eto ang mga namimiss ko dito sa pilipinas ee. pero wala talaga ako balak manatili dito

I mean dont get me wrong this is my home, this is where my heart is pero I think I dont belong here anyway. Dahil na rin siguro sa culture na naadopt ko. for example medyo liberated na ako whereas some filipinos are very traditionalist and quite conservative parin which I am very impressed about kase 21st century na.

 

"naku ikaw rona kabata-bata mo pa lang ee, hindi naman ako nagpapasarap. I deserve that because I work hard for it at matagal ko ng pangarap ang mag travel. Isa yan sa pang stress reliever ko." Ngi-ngiting sagot ko sakanila

"Aba iha napansin ko yata mula kanina kay angel at kay rona nasasagot mo ng maayos ang mga tanong nila pero pagdating sa boys at lovelife, abat naiiwasan mo. "  sabat naman ng tita charo ko. Bigla naman ako namula sa sinabi niya. Kung tutuusin sinadya ko talaga paikutin ang sagot ko pero sadyang mabilis lang sila makahalata.

Buti na lang at malapit na kame sa bahay at baba na kame. Dinaan ko na lang sa tawa ang sinabi ng tita ko dahil na rin ayaw ko na mahot seat.

 

Pagbaba ko pa lang ng sasakyan sinalubong na ako kaagad ni manang at sinabi ko na wag na ibaba ang maleta ko dahil hindi ako dito sa bahay namin maninirahan dahil binook na ako ng boss ko ng room sa hyatt hotel. Medyo nakakalungkot isipin dahil hindi ko masyado makakasama ang pamilya ko. Pero naisip ko na rin na mabuting ideya na rin sa hyatt ako mag stay para naman mabilis ko matapos ang trabaho ko dahil na rin malapit ito sa pagttrabauhan ko at sa ganun mahaba-haba ang oras ko para sa pamilya ko pag natapos ko agad ang trabaho ko.

 

Nakipag bonding lang ako saglit sa mga tito, tita, pinsan at lalong lalo na sa lolo at lola ko bago ko tahakin ang daan papuntang hyatt.

Pag dating ko sa room ko dumeretcho kaagad ako sa shower at nahiga na sa kama ko dahil pagod na pagod ako sa mahigit 24 oras na byahe mula london to philippines. Ngunit hindi ko magawang makatulog dahil na rin naisip ko yung nga pinagsasabi ng mga pinas ko tungkol sa lovelife at prince charming ko. May punto naman sila at narealize ko nga yung sinabi ni rona na halos malibot ko na ang mundo at halos makasilimuha ko na ang ibat ibang uri ng lalaki. I guess masyado ako playing safe. Sabi din kase nila ang love kailangan mo daw sumugal, at dahil masyado akong play safe wala ng thrill ang buhay ko kahit sabihin natin na ang saya ng buhay ko dahil nalilibot ko ang mundo pero kung mag isa ka naman wala rin kwenta kahit napuntahan mo na ang bawat sulok ng daigdig.

Two Worlds ApartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon