Phase 11

110K 4K 1.6K
                                    


Phase 11

"Minth," isang beses ng makasalubong ko si Minther sa labas ng kanilang department building.

He's a Business Ad student kaya hindi ko inaasahang magkasama sila ni Elos dito. I just want to ask if Elos is now okay, dalawang araw na simula noong marinig ko kay Elexius na may lagnat ang kapatid niya pero hanggang ngayon ay wala parin.

Tumaas ang isa niyang kilay nang makita akong lumapit sa kanya, hawak ang isang binder na itim ay bahagya niyang binagalan ang paglalakad para sa akin.

I smiled shyly. "Uh, just wanna ask if—"

"He's just around here, baka nasa klase." aniya na tila alam ang aking itatanong.

"Ha!?" gulat kong tanong sabay tikom ng bibig sa hiya. "I m-mean, kailan pa siya nakapasok ulit?"

"Kahapon lang," Kibit balikat niya.

Tumango ako sa pag-intindi. "Ah, ganoon ba? Sige, salamat."

Nagtitinginan sa amin ang mga nakakasalubong at nakakasabay sa paglalakad kaya lumayo ako sa kanya ng konti. Muling tumaas ang isa niyang kilay at bumuntong hininga nang matanto ang ginawa kong kaweirduhan.

Wala siyang salitang lumakad paalis at iniwanan ako, may hinahabol pa yata siyang klase at mukhang gahol na siya sa oras dahil kanina pa siya tingin ng tingin sa relos niya. Napangiti ako habang sinusundan siya ng tingin na tumatakbo na ngayon.

So Elos is back, huh?

Hindi ko talaga alam kung bakit kailangan ko pang makuryoso sa kanya gayong siya naman ang naturn off sa akin, hindi ko kasalanan iyon pero pakiramdam ko ay may mali akong nagawa dahil sa kanyang reaksyon noong huling gabi. Kung kahapon pa siya nakapasok, bakit hindi ko siya nakita?

Kumunot ang noo ko sa pagtataka at tinagilid ko ang ulo. Oh, damn. I forgot I have a painting session today on the Retirement Home. This is my second day! Mabilis kong tinahak ang daanan para makalabas ng Brentdale, dumaan ako sa mas mabilis mararating ang gate.

Iyon ang nagmistulang kapalit ng workroom na pinagpapalipasan ko ng oras sa ilang araw, hindi ko na kasi matagalan ang workroom ngayon lalo na kapag naalala kong galit si Elos sa akin sa huli naming pagkikita. Pinagdesisyunan ko nalang na magpunta sa Home for the Aged na isang sakay lang mula sa Brentdale, I have a classmate who mentioned his daily free time doings. Narinig ko iyon sa kanya kaya naisipan ko ring bumisita roon para sa pagpapalipas ng oras at pagtulong na rin sa pag-aasikaso ng ilang matatanda roon.

Ang gawain ko noong unang araw ay pagtuturo lang na magpinta sa ilang gustong matuto para maging libangan din nila roon, ang iba sa kanila ay may alam na pagpipinta kaya sobrang natuwa ako. Some even suggested me what to paint and how to put colors there with emotions, ang galing lang talaga dahil para akong lumulutang habang nakikipagtawanan sa kanila sa ilang oras.

Alas otso ng gabi ako nakauwi noong unang araw kong sumubok doon, and now I don't know how to stop going there to paint with them again. Gusto ko nang balik-balikan ang lugar, bukod sa presko dahil puro puno sa paligid ay masaya ring makipagtawanan sa matatanda.

I grew up without a Lola, so I'm looking for it. Gusto kong masubukang magka Lola kaya hindi masamang magpunta roon para matulungan sila at maalagaan na rin kahit papaano sa pamamagitan ng paglilibang sa kanila.

Suminghap ako nang may biglang humila sa aking pulsuhan at tinakpan ang bibig ko, a man dragged me into a tiny place to hide. Sa sulok lamang ng isang espasyo sa gilid ng building na dinaanan ko, I wriggled instantly in shock and confusion while sniffing his hand.

Villareal #4: Flowered SeascapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon