Chapter 31

109K 3.6K 1.1K
                                    

Chapter 31


Pagpasok pa lang ng bahay ay narinig ko na ang ilang boses na nag-uusap sa aming tanggapan, agad kong nasalubong ang tatlong tao na pamilyar sa akin. Nakaupo ang dalawa habang ang isa ay nakatayo sa harapan ng kanyang nobyo habang nakikipagtawanan. Antonia and Tazannia with her unnamed boyfriend.

Napatigil ako sa paglalakad, marahan kong sinara ang pinto sa aking likuran pero ramdam ko ang hiya sa aking sistema. Lalo nang magtinginan sila sa akin.

My two stepsisters in one place, huh? Alam kong magkaibigan si Tazannia at Antonia dahil din sa koneksyon ng kanilang mga ina, Tito Jaime said Artemis, his ex wife and Chelle are best friends until now.

Lumunok ako at ngumiti kay Antonia na napatayo nang makita ako, alam naman siguro niya na si Mommy ang nobya ni Tito Jaime dahil matalik niyang kaibigan si Tazannia. Imposibleng hindi niya alam ang bagay na iyon.

Magsasalita na sana si Antonia pero naunahan na siya ng maligayang pagsalubong ni Mommy sa akin na may dalang cake sa kanyang mga kamay.

"Honey!" sambit ni Mommy. "Happy birthday!"

I was surprised, I didn't expect this. Noong huling birthday ko kasi ay ayaw ko talagang magcelebrate at sinabi ko sa kanya na hindi ko na kailangan pa ng selebrasyon kahit kailan dahil normal na araw lang naman iyon.

Eero followed her with a dashing smile, kinuha niya ang cake kay Mommy upang makayakap si Mommy sa akin. Suminghap ako at bahaw na ngumiti sa kanila dahil nahihiya talaga ako sa aming mga panauhin na tila hindi nila inisip na narito ngayon, sumunod din si Tito Jaime mula sa dining area na nakangiti agad sa akin.

"Happy birthday, nak." bulong ni Mommy habang niyayakap ako ng mahigpit. "Hindi naman tayo nagcelebrate last year kaya kahit greetings lang ngayon, pagbigyan mo na."

Tumango-tango ako, bahaw pa rin ang ngiti. Nanunuod lang ang tatlong bisita sa sofa, ang nobyo ni Tazannia ay nakangisi at nakangiti naman si Antonia. Si Tazannia ay nanatiling normal doon.

"Happy birthday, beb!" ani Eero sabay lapit sa akin, gamit ang isa niyang kamay ay hinapit niya ako sa baywang para yakapin.

Kinuha ni Mommy ang cake sa isang kamay ni Eero at napahagikgik pa, tinulak niya lalo si Eero sa akin. Humalakhak si Eero at napailing, kunwaring nabuwal siya kaya napayakap ang dalawang braso sa akin. Suminghap ako at napairap, my Mom's really up for this.

He whistled. "Ooops, sorry. Tinulak ako."

I glared at him, his hug tightened around my waist and stole a kiss on the side of my head.

"Happy birthday, beb!" he whispered sweetly.

I glared at Eero and pushed him, tumawa siya at inakbayan na lamang ako. Hinayaan ko siya roon, sumulyap ulit ako kila Antonia na nakangiti pa rin pero bakas ang pagkamangha sa amin ni Eero.

Ilang tunog ng camera ang narinig ko mula kay Mommy sa ganoong posisyon namin ni Eero, umiwas ako ng konti pero hinila niya lang ako ulit at inakbayan.

"Say cheese!" Tawa ni Eero, hinilig niya ang ulo niya sa aking ulo, medyo nakapilig pa ang kanyang ulo upang mapantayan ang aking height.

"Come on, honey! Smile!" sambit ni Mommy.

Hilaw akong ngumiti, kalaunan ay ginawa kong natural upang may maayos na litrato kasama si Eero. Natapos ang batiang iyon ng ilang minuto, pagtapos ay pinakilala na kami ni Tito Jaime sa mga bisitang naroon.

"This is Tazannia, my daughter and her boyfriend, Deshawn Andrada... and their friend, Antonia." Ngiting pakilala ni Tito Jaime sa tatlo. Nagtanguan sila sa amin habang nakangiti. "Amanda's daughter, Ametrine and Eero Follosco, her suitor." Natawa si Tito Jaime sa huling sinabi.

Villareal #4: Flowered SeascapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon