Phase 12

110K 3.7K 1.6K
                                    

Phase 12


Elos just gave back my book, hiyang-hiya pa ako nang gabing magkita kami sa labas ng bahay. Bukod sa paghahatid niya ng libro pabalik sa akin ay may dala rin siyang frappe ng Starbucks at doughnuts, we talked for a bit and he went home before twelve.

Ilang gabi akong hindi nakakatulog ng maayos dahil sa pag-iisip ng mga mangyayari kinabukasan, kung paano makikipag-usap sa kanya o kung paano siya haharapin. Those were the things keeps going on my mind the following nights after that night.

Me (anonymous number): Good morning, have a great day ahead. Keep smiling.

I sent it to Elos using my spare phone but he didn't reply, habang sa isang cellphone ko naman ay plain replies lang ang ginagawa ko sa kanya at siya'y sobrang hyper. Ganyan din ang gawain ko sa ilang araw, I don't what's up in my mind why I'm doing this kind of set up. Maybe, I just want to be unknown while talking to him.

Elos: Can I always get you to class and wait until your dismissal?

Me (my known number): Seriously, Elos? Isn't that too clingy?

Elos: I'm serious. And yup, I'm clingy. Can't help it, Met. I'm sorry.

Napahagikgik ako habang kumakain ng cake, naubo pa ako nang mabulunan kaya uminom agad ako ng tubig. Shit! I don't really like clingy but why it made me fucking feel blue sky? Para bang: yeah, sure. Be clingy, Elos. It's fine.

Heck. Baliw ka na, Met!

Halos maibuga ko ang tubig nang makita si Mommy, she was eyeing me with a hint of confusion in her eyes while organizing the utensils on the drawer, ilang saglit pa ay gumuhit ang mapang-inis na ngisi sa kanyang labi.

I gasped and rolled my eyes at her.

"Mom! Good morning. What's up?"

Umiling siya at ngumisi. "No, what's up, Ametrine? Who are you texting with, huh? Is it your boyfriend?"

Namilog ang mga mata ko, kahit na puro chocolate pa ang ngipin ko ay ngumiwi ako sa kanya.

"No, Mom!" tanggi ko habang nag-aapoy ang mukha sa hiya.

"Uh-mm, ipakilala mo sa akin 'yan at nang makilatis ko ng masinsinan. Hindi 'yong panay ang ngiti mo diyan, hindi mo naman pinapakilala. What my rude daughter here." she grinned wickedly.

Kumamot ako sa ulo at hindi na siya pinansin dahil sa pagkapikon. Seriously? My mom is so nosy this early!

"And one more thing, brush your teeth always! Baka makipagkiss ka at hindi maganda-"

"Mommy naman!" inis kong singhap, padabog akong tumayo at nagmartsa paalis ng dining area.

Rinig na rinig ko parin ang pagtawa niya roon.

"I'm just advising you! May first kiss ka na ba, nak?" sigaw niya.

Ugh!

"Ewan ko sayo, Mommy!"

Wala pa akong first kiss! At wala pa akong balak magkaroon!

Sobrang init ng mukha ko at pakiramdam ko ay nangalay ang cheekbones ko. Hindi ko tuloy nareplyan si Elos pero nakatanggap ako ng reply niya sa isa kong numero matapos ang isang oras.

Elos: Same to you.

So cold! But what's surprising here is he replied. Hindi ko talaga inaasahan na ganito si Elos pagdating sa mga humahanga sa kanya. Naririnig ko kasi parati sa classmate ko ang kwentuhan na approachable nga raw si Elos at talagang nagrereply kahit late pa. Kung pagbabasehan ko ang reply niya sa akin at reply niya sa anon number ko ay malaki talaga ang kaibahan.

Villareal #4: Flowered SeascapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon