Phase 7
Pigil ang sarili kong magulat sa pagsulpot niya sa aking gilid, kalmado akong huminga at hindi siya nilingon. Niyakap ko lang ang sketchbook sa kaliwang bisig ko.
He chuckled sluggishly. "Bakit ba ang suplada mo sa akin?"
Hindi ako nagsalita, nang mag red light na ay laking pasasalamat ko. Mabilis akong tumawid at sumunod siya sa aking pagtawid hanggang sa kanto ng subdivision namin. Halos mamula ang mukha ko sa inis dahil sa pagsunod niya sa akin.
Wala ba siyang sariling buhay at talagang sinundan pa ako?
"Hey, why the hell are you still following me? Can't you get a life?"
He only smirked and shrugged. "I don't have a life, that's why I'm following the light."
Suminghap ako at matalim siyang tinitigan.
"Wala ka talagang magawa, ano? Kaya puro paglalandi ang lumalabas sa bibig mo!" inis kong buska.
His lips extruded manlike, tumingala siya at nag-unat ng leeg na tila nangalay siya pero ang mga mata ay nanatili sa aking mukha.
"You're so judgemental, Miss ADC. When did I ever flirt? Did you see me or at least heard about me flirting with somebody? Mmm?"
"I don't care! Basta, huwag mo akong gamitan ng kalandian mo! At huwag mo na akong kakausapin!" singhal ko.
I don't actually care if he flirts with even thousands of girls around the campus. Wala naman talaga akong pakialam sa kanya.
"Did it work? I'm just trying to be friends with you, why so difficult?" bumuntong hininga siya at nagkamot sa kanang kilay.
My heart jumped a bit in guilt, sumimangot ako at umirap.
"Kung sinusundan mo ako dahil gusto mong magpaturo magpaint, hindi kita matuturuan ng ganitong oras. Kaya umuwi ka na." malamig kong sinabi at humakbang na ulit paalis.
Anong oras na, hindi ko nga alam kung bakit sinundan niya pa ako. Mukhang balak niya akong kulitin na turuan siyang magpinta. Kung ganoon, sige. Tuturuan ko siya pero hindi sa ganitong oras, puwede naman bukas. Maraming oras para roon.
'Tsaka bakit ba ang atat niyang matuto? Gusto niya na ba talagang makipagbalikan sa ex-girlfriend niya? At sa pagkakaalam ko, hindi naman basta-basta naituturo lang ang painting dahil mahirap iyon lalo na kung walang karanasan sa gawaing ganoon.
"Why not?" his voice lightened.
Pumikit ako ng mariin. Ang kapal din nito, ah? Pabigla bigla pang sumagot na akala mo'y excited siyang makipagbalikan sa ex niya!
Corny niya! Corny nilang dalawa! Bakit hindi nalang sila magbalikan? Bakit kailangan gamitin pa ang pagpipinta, tss. Maeffort.
"Bahala ka, kung ayaw mo, edi huwag. Basta ayoko ng ganitong oras dahil hindi ka naman katuro-turo." umirap ako.
Humalakhak siya at nanatili ang panunuod sa ekspresyong ginagawa ko, natatawa agad siya oras na may maging reaksyon ako kaya hindi ako makatagal ng tingin dahil ako mismo'y natutuwa kapag ganoon ang reaksyon niya.
Nakakainis! Damn him!
"So harsh." he commented. "Kausapin mo naman ako ng maayos para magkaintindihan tayo."
My chest tightened, suminghap ako at tinaliman agad siya ng tingin.
"And why do we need to be mutual? For your info, Elos Villareal. Tuturuan lang kita ng isang araw at tapos na ako sayo, kapalit iyon ng pagtigil mo sa pag-aligid sa akin. Diyan lang tayo magkakasundo."