Phase 1
I sent her a text that I'd wait here and she can enjoy the night, alam naman niyang hindi ako buryuhin basta may mapaglilipasan ng oras. Madalas na gawain ko rin sa kanila ni Iya kapag hinihintay silang matapos sa bar, hindi kasi talaga ako sumasama sa loob ng maiingay na lugar.
Bukod sa hindi ako sanay ay nawawala ako sa konsentrasyon sa sariling gawain. I don't really like those loud and noisy places, I'm afraid of sounds might ruin my peace of mind.
Ala una nang madaling araw ay lumipat ako ng pwesto sa labas ng Mini-Stop dahil masyadong malamig ang aircon sa loob, sumandal ako sa sandalan ng inuupuan. May isang payong na nakatusok sa aking lamesa. Tumingala ako sa kalangitang madilim at maraming bituin.
Hindi naman siguro uulan dahil may mga bituin, pero ang haplos ng hangin ay kakaiba ang lamig ngayon. Marahil ay malapit na kasi ang ber-month. I inhaled the cold wind and stood up, naglakad ako patungo sa railing at doon humilig. Sa harapan ang kalsada. Halos sarado na ang mga boutique sa paligid at tanging Mini-Stop at 7-eleven lamang sa kabilang kanto ang maliwanag.
Hindi na rin masyadong marami ang nadadaang mga sasakyan, madalas ang biyahe ng bus patungong probinsya sa oras na ito.
Napalingon ako sa Mini-Stop dahil narinig ko ang pagbukas ng glass door noon, nakita ko ang pamilyar na lalaking pumasok. He's now wearing a simple black t-shirt, gray sweatshorts and a pair of branded slippers, hindi na siya naka ball cap ngayon dahil magulo na lamang ang buhok na tila kakatayo lang mula sa higaan at naisipang lumabas ng kanilang bahay dis oras ng gabi.
I'm not sure if he's the Villareal one or the Legaspi man! Hindi kasi ako interesado.
Mula rito sa kinatatayuan ko ay nasa loob naman siya ng Mini-Stop at nagtungo sa isang stall habang namimili ng mga junk foods doon pagtapos ay pumunta siya sa freezer at binuksan iyon. Hindi na siya namili pa, kinuha niya ang double dutch na one gallon ice cream bago dumiretso sa counter.
He has a tattoo around his middle part wrist, hindi gaanong malaki pero halata dahil sa kulay ng kanyang balat. Itim lamang iyon na hindi ko maaninag kung anong klase o imahe, mayroon din siya sa kanyang kanang binti sa may ankle part na tila tigre naman kung titingnan pero alam kong may nakapaloob doon na koneksyon sa kanyang pagkatao.
Napatalon ako nang may umakbay sa akin, noong una ay inakala kong sila Chi na kasama si James pero nang takpan noon ang bibig ko ay namilog ang mga mata ko sa takot. Iyong isang lalaki ay hinila na rin ako sa kabilang kamay, nagtawanan sila.
"Kanina ka pa rito, ah. Walang kasama?" malagkit na tanong. "Akin na, cellphone at wallet mo."
"Uhmp!" impit na sigaw ko dahil nakatakip ang aking bibig.
My heart scampered nervously. Ramdam ko ang sakit ng aking dibdib dahil sa kabadong pagkalampag ng puso ko. I'm fucking scared! Hell, who are these son of a bitch?
Nagpumiglas ako sa sobrang takot, kahit nandidiri ako sa amoy sigarilyo o dahon niyang palad ay kinagat ko iyon kaya naalis sa aking bibig. Hindi na ako nag-isip pa na sumigaw ng tulong, hindi ako makawala sa hawak noong isang lalaki. They are wearing some ragged shirts and a leather jacket, mukhang mga manyakis talaga at holdaper talaga.
"Plea-" muling tinakpan ng lalaki ang bibig ko at mabilis akong dinarag sa madilim na parte sa isang eskinita.
Oh God! Help me, please!
Naramdaman ko ang pagkalas ng flannel ko, my heart thundered so bad. Nagpumiglas pa ako, binitiwan ako noong isa at tumakbo iyon sa bulwagan ng eskinita na parang bantay siya habang hinaharas ako nitong kasama niya. Kinapkapan ako ng lalaki sa bulsa at kinuha niya ang aking wallet, mukhang iyon naman ang kanilang sadya pero hindi ko alam kung bakit dinala pa ako rito. Ibibigay ko naman ang mga gamit ko.