"Miss ko na po kayo..."Sa bawat sandaling naaalala niya ang kaniyang ama't ina ay naninikip ang kaniyang dibdib.
Ang lahat ng sakit ay nanunumbalik. Ang sakit na dumikdik sa kaniyang puso. Ang sakit na yumanig sa kaniyang mundo. At ang sakit na pumutol sa matayog niyang pangarap.
Magkasunod na pumanaw ang mga magulang. Inatake sa puso ang ama, habang ang ina naman ay kinain ng matinding depresyon dahil sa pagkasawi ng kabiyak.
Ramdam niya ang pag-init ng kaniyang mga mata at awtomatikong panunubig ng mga 'yon.
"Ano ka ba naman, Sabrina.. " Pinalis niya ang luhang nanaligdig sa kaniyang pisngi. "Heto na naman ba tayo sa pag-iyak?"
Pakiramdam niya ay lumubo ang kaniyang ilong at lumiit naman ang mga butas niyon kung kaya ay parang nahihirapan siyang huminga.
"Hangga't buhay kami diyan sa puso at utak mo, anak, ay hindi ka kailanman mag-iisa. Pakatatandaan mo 'yan.."
Higit isang taon na buhat nang maulila siya sa mga magulang, pero hindi pa rin siya nasanay na wala ang mga ito sa piling niya. At hindi siya masasanay na wala ang mga ito sa tabi niya kailanman.
Kay bilis lumipas ng mga araw... Sana ganoon din kabilis at kadali na kalimutan ang bangungot--
Hindi pa man niya nagawang tapusin ang pagsisintemyento nang walang kung anu-ano ay agawin ng isang nilalang ang kaniyang pansin sa pamamagitan ng masigla nitong huni.
Sa may' bintana ay nakadapo ang munti at abuhing ibon.
Dahan-dahan niyang dinaluhan ito sa pag-aakalang katatakutan nito ang kaniyang presensiya, pero nagkamali siya. Bagkus ay mas pinag-igihan pa nito ang paghahandog ng musika."Ipinadala ka ba nina ama't ina para pagaanin loob ko?" Parang timang siyang kinakausap ang ibon. "Ang amo mo naman.." Hinagod niya ito sa bandang ulo. Noong una ay nag-alangan siyang halpusin ito dahil baka matakot niya o kung hindi naman ay tukain siya.
"Alam mo, si ama, mahilig 'yon sa mga hayop..." Unti-unting umaliwalas ang kaniyang mukha. Ngayon ay may' kung anong kislap na ng saya ang mababasa sa kaninang malungkutin niyang mga mata. "Kung nabubuhay pa sana siya ay paniguradong matutuwa siya sa iyo. Pati rin si ina."
Pansamantala ay napawi ang kaniyang lumbay. Sa kaunting panahon na pinagmamasdan at pinakikinggan niya ito ay tila panandalian niyang naisantabi ang pagluluksa.
Ilang minuto itong namalagi hanggang sa ipagaspas nito ang mga pakpak. Lumipad itong papalayo at hindi na muling bumalik pa...
"Siguro nga ay walang permanente dito sa mundo.. Lahat ay may' katapusan..." Malalim at mabigat ang sunod niyang paghinga. "Ako kaya... sa anong paraan magtatapos ang buhay ko?"
Ang buhay ng tao ay isang napakalaking palaisipan. Ito ay nababalot ng misteryo. At higit sa lahat... puno ng sorpresa.
BINABASA MO ANG
Goodnight, Sabrina
غموض / إثارة.. Sabrina is living privately and alone in her house at Sta. Barbara. Being a not so friendly woman, she chooses to isolate herself from others. However, when she finds a mysterious white note on her bed, she gets really bothered and fe...