Third Person's POV
"Putangina lang! Gigisingin nyo ko tapos sasabihin nyo saaking patay na si SKY?! Tang*** nyo! Ahhhh!!!!!!" Sigaw ni Thena at hinagis ang unan nya sa bintana, agad na tumulo ang luha nya sa kanyang mata, Napaka-bigat nang atmosphere sa loob nang kwarto kaya di kinaya ni Ace at lumabas na sya sa kwarto
"Ano ba?.. Kagigising ko lang, ilugar nyo naman yang joke n-nyo?" nag-broke ang boses nya at Tuluyan na syang bumagsak muli sa Kama nya, Masakit para sa kanila na Malaman na Patay na si Sky, kahit ang kabilang kampo ay nag-luluksa dahil pati si Storm ay patay narin,
Napa pikit nang mariin si Sab at sinuklay ang buhok nya gamit ang mga nanginginig nyang kamay, "A-Ayaw kong maniwala nung una The-ena.. Pero Wala na sya.." Sabi ni Sab at napa-luhod na, hindi na nya kinaya ang nangyayare, Kasabay nang pagkamatay ni Sky, Bigla nalang sumabog ang School na pinatayo nila, ang school na may mahalagang memorya tungkol sa mga magulang nila, Si Sky nalang at ang school ang meron sila pero, anong nangyare? Nawala nalang lahat, Patay na ang pangarap nila, pero ang Pag-hihiganteng nagliliyab sa mga puso nila ay unti-unti nanamang Lumalabas, Nawalan nanaman sila nang mahal sa buhay..
"Jitsuo, Ihatid mo na si Sab sa kwarto nya" utos ni Jade na agad namang sinunod ni Jitsuo pinunasan ni Jade ang luha nya,
"Rei.. sumama ka sakin sa Hospital, Ipapa-cremate natin ang bangkay ni Sky, ... Sai... ikaw na ang bahala kay Thena" sabi ni Jade at agad na hinila si Reiko palabas nang kwarto, nanghina ang tuhod nya kaya niyakap nya si Reiko at tumulo na naman ang mga luha nya
"Iniwan na nya kami.. *huk*! Wala na si Sky Rei.. wala na si Ate.." Niyakap pabalik ni Reiko si Jade at humiwalay muli, Mag-sasalita na sana sya nang biglang dumating si Ace, at agad na hinila si Jade sa Pintuan, Doon nag-hihintay ang isang Tao na may dalang Jar,
"Ano--" hindi na natapos ni jade nang lumuhod ito sakanya
"W-Wag nyo po akong p-patayin! In-nutusan lang po ak-kong dalhin ang abo naito!, ito po ang recorder na pinabibigay nya!" sabi nito at inilagay sa Sahig ang jar at sulat saka ito kumaripas nang takbo.
kinuha at ini-play ni Jade ang recorder..
"Ehem.." napa-kunot nang noo si Jade nang hindi nya malaman kung kaninong boses yoon "I know it's hard for you to See her dead body, Kaya ako na ang gumawa, Hindi nyo ko kilala pero, Mag-iingat kayo, ngayon palang mag-sisimula ang totoong War" Lalong napa-kunot ang ulo ni Jade na hindi ma-intindihan ang sinasabi nito,
"Jade.." napatingin si Jade kay Reiko na hawak hawak na ang Jar na nakalagay sa isang glass box, nanlambot si Jade at dahan dahang inalis sa Glass box ang abo ni Sky,
'Wala na talaga sya... Patay na sya.. Iniwan nanaman kami..' sabi ni Jade sa isip nya Hindi na nya alam ang gagawin,
. . . . . . . . . . .
Matapos ang nangyare kanina, ay nakatulog ang tatlong babae, Dahil narin sa pagod at bigat nang loob, Samantala sa Isang banda ay Nag-uusap ang Apat na lalake sa tagong lugar
"Yon ang utos nya, Kaya yun ang susundin natin" sabi nang isang lalakeng nakatalikod
"Pero.. masasaktan lang sila lalo!" sigaw nang isa pa na naka Hat at binag-sak ang Kamay nya sa lamesa
"Wala tayong magagawa! Ayoko mang gawin to! Kelangan!" sagot nang unang nag-salita
"Nag-hihirap na sila!" sagot nang isa pa na naka-soot nang salamin at napatayo na sa upuan nya, Hangang sa nagsigawan na ang Tatlo
"Stop!" maotoridad na sigaw nang pinaka bata sa kanila "3 days After the burial. Aalis tayo kasama sya" Sabi nito at napayuko nalang ang mga nakatatanda sakanya, iniisip nila na sila ang mas-matanda pero parang sya pa na bata ang nag-iisip nang tama,
"Change all of the things na kelangan, Aasahan kita dito Hyung" sabi nito at Tiningnan ang lalakeng may soot na salamin, tumango ito at agad na ginawa ang pinagagawa nito.
"Kayong dalawa, Asikasuhin nyo na sya ako na ang bahala sa Flight natin" sabi ulit nito at lumabas na nang silid
Late UD, Hehehe sorry po sa Mga naguguluhan,
Comment
Vote
Ichi-chan
BINABASA MO ANG
Mysterious 4
ActionFour Girls full of Mystery, They were head turner, Observer, and a Demon. They Chase the Running, Expose the hidding, but, Killing is their Game. They chase those who killed their parents, They expose them from hidding and Kill them on their own way...