Prologo

490 9 5
                                    

"Mukhang magiging maganda ang byahe natin ngayon ah. Sumasang-ayon ang dagat. Anong balita Sec.?" Tanong ng Kapitan sa segundo opisyal ng ferry boat. Kakaakyat lang nito sa bridge.

Umalerto naman bigla ang second officer na gumagamit ng cellphone habang guwardya niya sabay tago ng cellphone niya sa bulsa. Buti nalang at pumunta muna ang kapitan sa may pantry ng bridge ng barko at nagtimpla ng kape. Hindi siya nakita.

"A-ah oo nga po sir eh. Ahmm okay naman po sir. All clear naman po tayo. Walang kasalub---"

Hindi natapos ang sinasabing iyong ng segundo opisyal. May nakita siyang kasalubong silang barko sa Radar ARPA (Automatic Radar Plotting Aid).

Nanginginig man ay dali-dali niyang inaquire ang target. May bilis itong 13 knots. Impossible dahil kasalubong nito ang may kalakasmag ocean current sa kursong tinatahak.

"S-saan galing to?!" Bulalas ng opisyal habang tagaktak ang pawis sa buong katawan.

Naagaw nito ang pansin ng kapitan at dali-dali pumanhik sa aligagang opisyal.

"Ambilis nito sec.! Ba't di mo ako sinabihan agad. Sabi mo pa all clear huh!" Nanggagalaiting turan ngayon ng kapitan sabay pataw ng matalim na tingin sa segundo opisyal.

Papalapit na ang target. Papalapit na sa Radar ngunit laking gulat nila. Maganda naman ang visibility, walang fog, banayad din ang dagat pero bakit wala silang nakikitang barko.


"Ano ito?!" Sabay na sambit ng dalawa habang binabalot ng hilakbot ang kanilang sistema.

Lulitaw at remurihistro na kasi sa ECDIS (Electronic Chart Display and Identification System) ang pangalan ng barkong kasalubong nila ngayon na nasa mga 0.6 nautical miles nalang ang layo mula sa kanila.

MV Donya Paz.

Ito yung malaking pampasaherong barkong lumubog noong 1987. Ang barkong kumitil ng napakaraming buhay. Walang survivor. Nilamon lahat ng dagat sa ilalim ng liwanag ng buwan.

----------

"I would definitely love to return there. I never knew that Samar is one of the wonders of the Philippines." Nagagalak na sambit ng isang babaeng nasa mga late early 30's. Si Flauna. Isang botanist. Sumasang-ayon din ang dalawa pang kasama nitong babae na kasalo sa mesa maliban sa isang kasamang lalaki na nanapailing bago sumubo ng burger. Ginutom ang mga magkakaibigan matapos di makakain ng hapunan gayong mahuhuli na sa huling byahe ng barko.

"Saan kayo sa Luzon?" Nagagalak ring tanong ni Jose, isang History professor habang palapit sa kinaroroonan ng grupo "Maaari ba kaming makisalo sa inyu sa mesa?" Patuloy pa niya sabay turo sa kasamang si Arceo, gaya din niyang History professor, na ngayong katabi niya, bitbit ang inorder nilang pagkain.

"Sure!" Pagpayag naman ng isa pang babae sa grupo, si Adelfa, isang dermatologist, sabay kuha sa bag niya na inilapag sa bakanteng upuan. "We are all from neighboring cities of Manila lang." Patuloy nito nang makaupo na sina Jose at Arceo.

"Parehas lang pala tayo ng byahe lahat." Ani ni Jose sabay pakawala ng ngiti sa mga bagong kakilala. " Maraming salamat nga pala sa pagpapaupo niyo sa amin kasama kayo dito sa iisang mesa. Wala na kasing bakanteng mga mesa. Ano kayang meron at halos lahat na yata ng pasahero ang ginutom ngayon eh maghahating gabi na. Ay oo nga pala, malamang di rin sila nakapag hapunan buhat nang napakataas na pila." Dagdag pa niya habang nililibot ang tingin sa paligid ng mess hall.

Puno nga naman ng tao ang silid kainan. Tila sabay-sabay na ginutom ang halos lahat ng pasahero ng ferry boat. Simut lahat ng cup noodles, chichirya, sandwiches at iba pang mga display na pagkain sa canteen. Kinailangan pa ngang magluto ng lugaw ng mga crew sa canteen para lang may maihain sa mga humirit pang pasahero. Nawalan na sila ng tsansang kumain ng hapunan kanina sa pier dahil sa ginugol nalang nila ang oras na iyon sa pagpila sa ticketing booth. Ito na kasi ang pinakahuling ferry boat na babyahe sa araw na ito.

BIRINGANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon