JESSIE'S POV
Malawak ang Saint Martirez University. Kahit buong araw mong subukang libutin ito, kung maglalakad ka lang, aabutin ka ng buong maghapon. Nasa pusod ito ng ka-Maynilaan pero para bang pag pumasok ka rito'y masasabi mong ikaw ay mistulang naliligaw. Saan man ibaling ang tingin, tatama at tatama ito sa napakaraming punong kahoy. Malalaki. Masukal nga ang ibang corners dito eh kasi tatatlo lang ang janitors na naglilinis sa buong area. Nagkasakit pa yung isa. Pero, sabi ni manong, isa sa mga naging close kong tagapangalaga sa school, may pansamatalang papalit naman daw dito. Anytime this week na nga raw ito magsisimula. Luluwas pa kasi ito galing probinsya.
Mahirap nang magkulang sa tao. Sunod-sunod pa naman daw ang events dito sa school ngayong papalapit na ang Marso. Kailangang magmukhang school talaga ito. Daw, kasi kakatransfer ko lang dito. Mag tatatlong linggo palang. Adjustments na naman. Wala eh. Things happened.
By the way, freshmen pa naman ako. At kahit nasa kalagitnaan na ako ng second semester lumipat, I still manage to adjust academically buti nalang talaga mahilig ako magbasa. After what happened, the main reason why lumipat ako, I really eyed the school which was top of my list--- ang SMU. Ito lang naman kasi ang pinaka prestigeous na University sa bansa. At ito nga rin ang isa sa mga pinaka matandang schools sa Pilipinas. Grabe ang taas ng academic standards dito, nakakalula. At sa awa naman ng Diyos, I got in.
Nag-aagaw na ang dilim at liwanag. Nagsitunugan na ang mga kuliglig na nanahan sa mapunong area ng school. Sinabayan pa ito ng himig ng hanging dumarampi sa sumasayaw nga mga punong kahoy. It's like music to my ears. Isa rin pala ito sa mga bagay na nagustuhan ko rito. It's as if I never transferred from a province. It still feels like home. Maliban sa quality education that SMU has to offer, one of the perks of studying here is that you can immerse with nature. Hindi ko alam if this idea only fascinates me.
Samantala, binabaybay namin ngayon ni Mitzy ang pathway leading to the school's gymnasium. Active din pala ang students body dito. Halata kasi sa mga kaliwat kanang projects na nagawa nila. Gaya nalang nitong maluwag na pathway na dinadaanan namin ngayon. They built it with the roof. Para kahit umulan man ay hindi mababasa ang mga studyanteng pabalik sa mga classrooms galing sa mga presko at maluwag na tambayan sa oval at dun nga sa may puno ng balete.
Ito pala ang president ng student council nila--- Marcus ang pangalan niya. Marcus Alcazar. Mukhang seryoso nga naman siyang klase ng tao. Yung tipong tao na you dont wanna mess up with kasi may kalalagyan ka talaga sa mga tingin niya. Im judging his personality just by glancing sa picture niya kasama ang iba pang member ng student body. Nakapaskil ito sa malaking bulletin board bago marating ang dulo ng pathway.
"Hay sa wakas narating na rin natin ang SMU main building." Papungas-pungas na sabi ni Mitzy sabay pagpatong ng mga kamay sa bewang. "Ikaw kasi Jessie eh." Sabay baling ng inis-inisang tingin sa akin. Alam kong pabiro ito.
"Oh bakit ako? Pero you know what, I swear, sasabihin ko nalang sayo mamaya ang lahat. Diba nga kailangan na nating makahabol sa registration of clubs na event?" Sagot ko naman sa kanya. "Oh siya may point ka rin naman. Alam mo ewan ko nalang kung may aabutan pa tayong hindi chaka na club. But, you know what, sabi-sabi daw may bagong binuo na club ang art department, di ko pa alam ano name sa club na ito pero sana GOAT." Turan naman niya na may halong excitement sa tono.
"GOAT?" Naguguluhan kong tanong.
"Ano ka ba. Gen Z ka ba talaga Jessie? Palibhasa kasi lumang mga libro yang minu-mukbang mo. Yung panahon pa ni kopong kopong. GOAT stands for Greatest Of All Time." Nakapamewang pa rin itong humarap sa akin habang ini-educate ako sa mga pausong abbreviations nila. At guilty ako ron kasi di ko talaga alam. Besides, hindi naman kami ganito magsalita doon sa school ko dati. Kailangan ko na nga talaga mag-keep up para makasabay sa kanila. "Ahh... I get it. Thanks for the info then." Nahihiyang sabi ko nalang habang nagpakawala ng parang timang na ngiti.
![](https://img.wattpad.com/cover/160754728-288-k862570.jpg)
BINABASA MO ANG
BIRINGAN
HorrorInakala ng ulilang si Jessie ay alam na niya ang lahat tungkol sa pagkatao niya. Ngunit, sa palitaw ng mga bagong kaso ng estudyanteng nawawala, magbabago ang takbo ng kanyang mundo. Isang grupo ang kanyang makikilala. Lilitaw ang mga taong di mawar...