Kabanata 1: Paru-paru

356 6 0
                                    

Chatper 1: Paru-paru


JESSIE'S POV

Andito na naman ang paru-paru. Agad akong tumayo sa pagkakaupo ko sa bench. Hindi ko alam kung bakit ko sinundan ito sa pagkakataong ito. Maraming beses ko itong gustong sundan subalit palaging may pumipigil sa akin. Kung ano? Hindi ko maipaliwanag. Basta't nararamdaman ko lang pero wala ang ganoong pakiramdam sa ngayon. Nakakapagtaka.

Binalikwas ko ang bag at ang mga libro sa mesa.

" Teka hintay!" Sabi ko rito na para bang tao ang kinakausap ko. Ptuloy pa rin ito sa paglipad. Taas baba ang ginawa nitong paglipad. Para bang nagagalak.

Ilang hakbang nalang at maaabot ko na ito. Sa pag unat ko pa ng mga kamay ko ay mas lumipad pa ito ng mataas. Hindi ko alam saan ito patungo pero sinundan ko pa rin ito.

Napakaganda ng kulay ng mga pakpak nito. Ngayon lang ako may nakitang ganitong paru-paru. Ni wala ito sa mga nababasa kong libro. Aaminin ko. Guilty ako rito. Bookworm nga ang tawag sa akin ng mga nakakakilala talaga sa akin eh. I read books of all kinds. Wala akong pili. Mapa magazines man yan o diyaryong nakasuksok sa nabibili kong ukay na sapatos. Eww right? Ewan ko ba. Words and food to me. Kung hindi mo nga ako nahahagilap, puntahan mo lang ang library. Yun ang safe space ko.

Hayun! Akala ko'y nawala na paningin ko ang paru-parong ito. Dumapo ito sa bato. Hindi lang bastang bato. Mistulang bahay ang laki nito.

Ito raw yung batong bawal tambayan ng mga estudyante. Sa laki ba naman kasi, maari nitong itago sa likuran nito ang dalawampong ka tao. Di ko alam kung concern lang ba talaga ang school na ilayo kami sa spiritual entities gaya ng kung anong panakot nila sa mga students. May naniniwala paba sa ganon? Hello... We are living in the 21st century na kaya noh.

It would make more sense pa sa akin na ayaw na talaga nila ang presence ng mga students dito dahil sa malinaw na dahilan. Dito kasi, may nagaganap na mga milagro. Ginagawa itong parang motel at inuman ng mga mapusok umanong senior students hanggang sa gumagaya na rin ang lower years. Naalarma sila sa pagtaas ng kaso ng teenage pregnancy involving their students. No wonder they came up with this make-up story. So lame! They could've at least use a more realistic one. Hindi itong about sa spiritual entities na ito. Yun sanang kakatakutan talaga namin for our life. Gaya nalang ng old buried improv bomb.

In which di rin talaga malayong mangyari. Ito kasi ang sentrong pugad ng mga spanish colonizers at battlefield nila noon nang pumasok sa picture ang America at naganap ang kaliwat kanang gyera.

Isa pa, ilang metro lang din pala ang layo nito sa pinaka matanda at pinaka malaking balete. Mas preferred nilang tawagin itong century tree. Malamang nasaksihan pa nga siguro nito ang pananakop at paghari-harian ng mga espanyol sa ating bansa. Mas matanda pa ito sa mga veterans ng world war 2.

Hence, ito yung place sa school na medyo isolated. Medyo magubat. Walang nakatayong gusali malapit rito maliban nalang sa bahagyang tinibag at nilulumot nang nag iisang silid. Dati itong Canteen. Ginawa nalang itong bodega ngayon. Tambakan ng mga sirang arm chair at iba pang gamit sa school na sira. May malaking graffiti pa itong naka sulat dito, "SMU RULES SUCK!" SMU stands for St. Martirez University. I just got in.

"Pssst!"

Umagaw sa aking atensiyon ang pagtawag na iyon. Naalis sa pagkakapako ang tingin ko sa graffiti. Luminga-linga ako at walang makitang tao. Sa halip, nandun pa rin naman ang paru-paru sa malaking bato. Dali- dali akong lumakad palapit dito ngayon pero halos pa tingkayad na para di makagawa ng ingay.

Hindi pa rin ito lumilipad.

Nang mga isang dipa nalang ang kinatatayuan mula rito, biglang umihip ang malakas at napakalamig na hangin. Napayakap nalang ako sa sarili ko at bahagyang nangatog ang aking mga tuhod.

BIRINGANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon