Calvin

2.2K 41 10
                                    

*PLEASE PLAY THE SONG "Ikaw At Ako" by Johnoy Danao above 🔝 (for ADDED DRAMA) 😭 para maramdaman niyo din ang mood ko while writing this part.

LINGGO NGAYON AT ARAW ng aking sunday routine na pagsisimba. Tapos na ang misa. Pero, hindi ko pa din nililisan ang upuan ko. Nagdasal pa ako ng taimtim.

Ipinagdadasal kita.. Gusto kong malaman niya na kahit na minsan, hindi na ako pumalyang gawin 'to. Parte na 'yun ng routine ko kapag magsisimba ako.

Bago ko nilisan ang simbahan, tumayo pa ako saglit at huminga ng malalim. Ngayon, mas kilala ko na ang sarili ko..

Ako si Calvin De Guzman at tulad ng pagbabago ng paligid, ako din ay nagbago. Matanda na ako ngayon. Sitenta y dos anyos na ako. Maputi na ang aking buhok, kulubot na din ang aking balat, at nag iisa lang sa buhay. Matagal nang namayapa ang aking mga magulang, solong anak lang ako. May kinakapatid ako na anak ng naging bagong asawa ni Mama pero hindi naman kami naging magkasundo nun. Ang alam ko, kung hindi ako nagkakamali, nasa ibang bansa na ito ngayon.

Nag retiro na ako sa pagiging arkitekto dahil matanda na ako at di ko na kaya pang mag trabaho. Kaya, mas gusto ko nalamang mag pahinga dito sa lugar kung saan nagsimula ang lahat.. dito sa lugar na napili kong tayuan ng aking tirahan.. Hindi ko dati maintindihan ang sarili ko kung bakit mas ginusto kong manirahan dito siguro dahil I have lived here long enough.. Mas gusto ko dito manatili kesa sa maingay na syudad.

Kasalukuyang nagpapahinga ako sa tumba-tumba, nakahiligan ko na ang ganito, lalo kapag hapon o kaya'y kapag gabi na. Minsan nakakatulugan ko na, at nakakalimutan ko na nasa tumba- tumba pa pala ako at wala sa aking higaan.

Tahimik ang loteng napili ko.

Madidinig mo mula sa labas ang mga huni ng ibon tuwing umaga, Maaliwalas din ang simoy ng hangin tuwing umaga at sa hapon. Mahilig ako sa nakakarelax na paligid. Mahilig kami.. Kahit na di ako pinalad sa larangan ng pag ibig, eh, masasabi ko naman na napaka swerte ko kasi kahit papaano naman ay buhay pa ako ngayon.

Kapag ganitong nag-iisa ako, hindi ko mapigilan ang sarili na mag balik tanaw ng mga pangyayari sa akin noong ako ay bata bata pa.

Mahina na ako at kailangang alalayan, kahit na may tungkod ako, di na sapat ang aking lakas para makakilos, di tulad noong araw, napaka liksi ko pa. Mabilis akong nakakapunta sa kahit saan ko mang naisin.

May mga pagkakataon na hinihiling ko sa Diyos na sana pwede pang maibalik ang kamay ng oras sa panahong kami ay masaya pa, ngunit nalulungkot din ako sa isiping iyon kasi turning back the hands of time means bringing back again all the painful memories of him in deep agony and pain..

If only I could turn back the time and erase all the painful memories of him, I would.

Tandang tanda ko pa noong seventeen years old pa lamang ako, binago ng isang tao ang buhay ko.

Siya ang naging dahilan kung bakit ngayon ako nagpapatuloy sa hamon ng buhay. Siya ang naging author ng buhay ko.. Alam ko na matanda na ako, hindi man ako makakilos ng tulad ng mga galaw ko dati, natatandaan ko naman ang lahat lahat noong 1999, ang taon na una kaming nagkakilala..

Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng luha ko, tulad ngayon, habang tinitignan ko ang kanyang kupas na larawan na niluma na ng panahon.

Kapag nakikita ko ang kanyang larawan, napapaiyak ako. Lagi ko iyon dala dala kahit saan man ako magpunta. Lagi kong hinahalikan iyon bago matulog sa bawat gabi.

Ewan ko nga ba, ba't lagi ko pa rin 'yun ginagawa. Pakiramdam ko kasi, anjan lang siya - Na lagi niya akong binabantayan. Nakamasid, pinapanood ang lahat ng kilos ko.

Minsan kapag mag isa ako, nalilimutan ko na ako lang pala ang mag isa dito bukod sa kasa-kasama kong personal Nurse, na uwian naman tuwing gabi.

Nagsasalita ako na tila may kinakausap. Pag nagtitimpla ako ng mainit na tsokolate, na naging paborito na naming inumin, laging dalawa.

Nakikita ko siya paminsan minsan - Masayang masayang siya. Alam ko na masayang masaya talaga siya kung nasaan man siya ngayon..

Maaring napaka imposible na hanggang ngayon ay mahal ko pa din ang taong iyon. Mahigit limampung taon na ang lumipas, pero pakiramdam ko parang kahapon lamang nangyari 'yon.. Ang kwento ko ay hindi lamang natatapos sa dalawa o tatlong pangungusap, hanggang ngayon ay patuloy pa din ang pagtakbo nun. He taught me everything. I'll always miss him...

Hindi na ako nagkaroon ng relasyon noon simula nang mawala sa akin ang taong mahal ko. Bagkus, inubos ko nalang ang buong oras at atensyon ko sa pagta-trabaho. Wala na sa isip ko ang umibig pa. Hindi dahil sa takot na akong masaktan, kundi personal choice ko na 'yun.

Nadinig ko na may kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Bumukas iyon at nakita ko si Carlota.

"Sir Calvin, oras na po para uminom kayo ng gamot."

May dala itong isang basong tubig at nakalagay sa platito ang gamot na iinumin ko.

Inabot ko mula sa kanya ang gamot at dahan dahan ko 'yung ininom. Nang matapos ako uminom, nagpa abiso ako kay Carlota na wag na muna ako iistorbohin para makapag pahinga ako. Sinabi ko rin sa kanya na magluto nalang siya ng hapunan bago siya umalis mamaya.

Napa ubo pa ako pagkatapos kong sabihin iyon.

Napatingin naman si Carlota sa akin. "Ayos lang ho ba kayo?" alalang tanong nito. Hinawakan ko ang dibdib ko.

Nahihirapan na ako sa pag ubo-ubo. Wala naman akong sakit, dahil na din siguro ito sa katandaan ko.

Naramdaman ko ang paghawak nito sa likod ko at hinagod-hagod iyon.

"Salamat, Carlota. Okay na ako. 'wag mo na kong aalahanin." binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti ng makarekober na ako sa pagkaka-ubo.

Nagpapasalamat din ako kay Carlota dahil kahit na minsan ay nasusungitan ko siya, eh nandyan parin naman sya para magpatuloy akong alagaan.

Madali nang mag init ang ulo ko ngayon dala ng katandaan. Kaya minsan, di ko maiwasan na napagtataasan ko siya ng boses.

Maya maya'y lumabas na ng kwarto ko si Carlota. Hinire ko siya two years ago. 29 anyos siya, at siya lamang ang bumubuhay sa kanyang dalawang babaeng anak. Wala na ang asawa nito, namatay sa isang aksidente.

Hindi ko namalayan na nakatulog na muli ako. Nagising ulit ako sa katok na nagmumula sa pintuan. Pinaalam sa akin ni Carlota na nakapag luto na daw siya ng hapunan. Doon ko napagtanto na gabi na pala. Kaya, nagpalabas na din ako para kumain. Inalalayan niya ako habang ako ay naglalakad sa lamesa.

"Eto po yung gamot ninyo." Abot niya sa akin matapos naming maghapunan ng sabay.

Siya na din kasi ang 'tiga luto ng pagkain kapag andirito siya.

"Salamat, Carlota.." Inimom ko na iyon at nagpahatid na ulit kay Carlota sa kwarto.

Wala namang hagdan ang bahay na tinayo ko. Sinadya ko na talaga ito sapagkat ako lang din naman ang mahihirapan kapag nagkaron pa ito ng ikalawang palapag. Nang naka upo na ako sa aking tumba-tumba, niyugyog ko ang aking sarili doon para maka idlip.

Ang pag ibig namin ay maihahalintulad ko sa hangin..

"Hindi ko 'yun nakikita, pero, nararamdaman ko..."

When I was seventeen, my life changed forever. And even now I can still remember even the smallest of detail, at kahit ngayong sitenta y dos anyos na ako, lagi kong binabalik-balikan iyon. Kung paano nag iba ang tingin ko sa buhay, kung paano ako nagmahal at nasaktan.

This is my story... I promise, I will leave nothing out. Maaring matuwa ka sa simula, pero sa huli iiyak ka. Kaya ngayon palang, binabalaan na kita.

I still remember everything from that day. Tandang tanda ko pa ang petsa noon - Septyembre 19 - down to the smallest of details. Ako si Calvin De Guzman at ako ay seventeen years old, hinayaan kong muli ang aking sarili na sariwain ang mga alaala ko noong 1999.......

My MemoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon